Chapter 9
Sinungaling
Mabuti na lang at kaunti na lang ang nakapila sa clinic para magpakuha ng BMI kaya natapos din kami kaagad. Alas nwebe pasado pa lang naman kaya naisipan namin na gumala-gala muna sa pang-aaya na rin ni Jhelay.
"Saan niyo ba gusto? McDo, Jolibbee, LCC food court o 7/11?"
"Bakit ililibre mo ba kami?" pang-aasar ko.
"Hay nako, friend," pag-irap niya. "Kung may pera lang ako ay baka pinag-aral pa kita."
Tumawa ako. Si Harper naman ay tahimik lang na nakapamulsa sa kaliwa ko. Iniwan niya 'yong bike sa guard sa school. Bilib rin nga ako sa kanya dahil close siya doon sa masungit na guard.
"Bakit pa pala tayo papasok kung hindi rin naman tayo kakain?"
"Syempre, magpapa-aircon lang, sis! Ang init-init kaya! Hindi ko nga maintindihan kung bakit naka-hoodie pa 'tong kaibigan mo," tukoy niya kay Harper na inismiran niya.
Tumawa lang ang huli.
Sa huli ay nag-decide kami na sa LCC food court na lang dahil maraming tao sa McDo at ang foodcourt na ang ikalawa sa pinakamalapit. Kailangan lang naming tumawid at iyon na.
Marami ring tao pagdating namin pero may iilan pa rin namang bakanteng upuan. Pinili namin doon sa mataas na table. At dahil dalawang highchairs lang ay mayroon per table ay kinuha ni Harper ang bakanteng upuan mula sa katabing mesa.
"Sana all inaalalayan," pangangantyaw na naman ni Jhelay nang alalayan ako ni Harper paupo.
Napailing na lang ako. She just really wouldn't believe when I say that Harper and I are just best friends.
"What do you want?"
Umiling ako kay Harper. "Huwag na, Harp. Samahan lang natin 'to si Jhelay magpa-aircon saglit."
"Grabe," madramang pag-iling ni Jhelay. "Feel na feel ko ang pagiging mahirap. Palibhasa pareho kayong babad sa aircon sa mga bahay niyo. Tapos ako nakikipalamig lang sa mga mall. I feel so poor,'' arte niya na may pahawak-hawak pa sa dibdib.
"Ewan ko sayo. Pareho lang naman tayong mahirap dito, hoy. Si Harper lang ang may aircon sa bahay," depensa ko.
Minsan nga napapaisip ako kung bakit sa public school pa rin 'tong kaibigan ko nag-aaral. Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko nga iyon dahil palagi kaming magkasama. Kaya nga lang ay napapaisip ako na afford niya naman ang mga private schools pero bakit nanatili siya sa public?
"Pareho pa rin 'yon, Ari," ani Harper. "Dahil palagi ka rin namang nasa bahay."
"Ay, wow naman," ngisi ni Jhelay. "Career na career talaga ang pagiging best friends. Nakikibahay!"
Iningusan ko na lang siya.
"Anong gusto mo?" tanong ni Harper sa kaibigan kong nanlaki pa ang mga mata. "My treat."
"Wow, galante! Iba talaga ang best friend mo, Zaria!"
Napailing na lang ako dahil talagang hindi nagpapigil si Harper sa panlilibre sa'min. Minsan ay talagang naiinis din ako sa kanya pagdating sa paggastos niya ng pera niya. Alam ko naman talagang mayaman sila at hindi siya namo-mroblema sa pera. Pero minsan ay palagi niya na lang ginagastos ang pera niya sa pagbili ng kung ano-ano para sa'kin.
Don't get me wrong, I'm actually thankful for that. But I just really feel like it's not right. Dahil mas maganda kung iipunin niya ang perang pinaghihirapan ni Tito para sa mga may mas makabuluhang bagay katulad ng pag-aaral. Mayaman sila ngayon pero paano kung may mangyari? 'E 'di namroblema pa sila.