Chapter 24: Girls

11 4 0
                                    

Kael's POV

We all been busy this days in our own lives. Kuya is studying well right now because I'm not beside him anymore, he should learn how to function without me or else he would be nothing.

Wow. Naging englishera na ko, kakasama ko to sa bestfriend ko ih. Pero ayun nga, naging busy na talaga kami sa sari-sarili naming pag-aaral, si Xhia nagawa na agad yung mga homeworks nya kasi daw konti lang yun at madali. Ako naman halos tapos ko na din yung akin. Si Kuya nalang talaga yung nagpupursige na matapos lahat ng inuwing gawain, late na kaya syang natulog pero hindi pa rin naman nya tapos lahat.

Ang advice ko sa kanya, wag nyang masyadong pilitin yung sarili nya dahil madedrain yung utak nya kapag pinagpatuloy pa nya yan. Kaya nga natulog na sya pagdating ng alas-dos ng madaling araw dahil sinaway ko na sya. Gusto pa nga sana nyang sumagot kaso iniwan ko na sya sa kwarto nya. Nagwalk- out na ko kung baga.

"Look who's here?" biglang sulpot ng mga babae sa harap ko habang naglalakad ako papuntang room.

"Mornining?" patanong kong bati dahil hindi ko naman alam kung paano sila iaapproach.

Tumawa ng sarcastic yung babaeng nasa harapan ko mismo at tinaasan ako ng kilay. 

"Ang lakas naman ng loob mo na batiin pa kami. You whore."

"What did you call me?"

"YOU. ARE. A. WHORE. Malandi in tagalog."

Papatulan ko na sana sya kaso naalala ko na si Elle nga pala ko, isang nerd at mahina sa paningin ng iba. Hayyy bat kasi wala pang nakakaalam na kapatid ako si Michael Alcantara ng matigil na yung pagtawag nila saken ng malanding nerd.

"Bat ayaw mong sumagot? Ang landi-landi mo tapos hindi ka makasagot saken?" sabi pa nya sabay tulak sa balikat ko.

"Hindi ako malandi kaya tigilan mo, nyo na ko." mahinahon pa rin ako kahit gusto ko na silang sapakin isa-isa.

Maglalakad na sana ako papasok ng room nang bigla nyang hatakin ang buhok ko at kaladkarin ako. Hindi nalang ako pumiglas at hinayaan ko nalang sya, tutal eto naman ang gusto nyang makita, ang mahirapan ako. Tsaka, baka kasi pagpumiglas pa ako ay masuntok ko na talaga sila ng tuluyan.

"Aray! Bitawan mo nga ko. Kung hindi ka nila magustuhan pabalik pwes wag mo kong idamay dahil wala naman akong kinalaman sa kanila." sabi ko habang hawak yung kamay nya para hindi masyadong masakit yung sabunot.

"Remember this. Titigilan ka lang namin kapag nilayuan mo na sila Michael, kung hindi then welcome to hell."

Hindi na ko nakapagpigil dahil sa sakit ng leeg ko sa pinaggagawa nya. Kaya pinisil ko yung wrist nya para mabitawan nya ko, hindi naman ako nabigo dahil para syang nakuryente sa ginawa ko. Nang mabitawan na nya ko ay pumunta ako sa harap nya at sinampal sya nang lakas, rinig yun sa buong floor kaya napatingin samin yung ibang estudyante.

Anong karapatan nyang sabihin saken na layuan ko yung kapatid ko pati na rin yung mga kaibigan nya, ha? San ba to kumukuha ng kapal ng muka? Susugurin na sana ko ng mga alipores nya ng tignan ko sila ng masama kaya napaatras sila.

"How dare you tto slap me like that. huh?" sasampalin na rin nya sana ko ng may kamay na pumigil sa kanya.

"Hey! What are you doing to her?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Ijan sa tabi ko.

"Making her pay for flirting to you and to your friends. Nilalandi nya kayong magtotropa pero wala man lang kayong ginagawa."

"And where did you get that huh?" maangas na tanong ng bestfriend ko sabay bitaw dun sa babae.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon