ENTRADA: Capítulo Siete

1.7K 39 0
                                    


"BITIWAN N'YO AKO! Ano ba!"

Parang binging walang narinig naman ang mga lalaking may hawak sa kan'ya. Nagpupumiglas pa rin siya nang hinawakan siya ng isa pang lalaki sa ulo at pinipilit na ipasok sa loob ng sasakyan.

Kapag hindi ako nakaligtas sa mga damuhong 'to at may masamang nangyari sa akin, talagang isusumpa ko ang mokong na 'yun!, bulong niya sa sarili.

"Bitaw sabi!" piglas pa rin niya.

"Mga brod... bitiwan n'yo siya."
Agad na naagaw ang atensyon ng lahat sa boses na 'yun.

Rigo!

Nakapamulsa ang isang kamay nito, ngumunguya pa ng bubble gum at ang isa kamay nito ay may hawak na palakol.

Nakuha pa talaga niyang ngumuya ng lintik na bubble gum!

"Huhuhuy! Si Supremo Rigo mga 'tol!" sarkastikong sabi ng boss.

"Douglas," ipinatong ng binata sa balikat nito ang palakol na hawak, "masyado ka naman yatang nagpakababa para gawin ang bagay na 'to," may talim sa tinig na wika nito. "Pero, sige, kung sa ganito ka nasisiyahan-pagbibigyan kita."

Nagsipagtawanan lang ang mga lalaki, walang bahid ng takot. Maya-maya ay tumigil din ang mga ito.

"Sinong tinakot mo? H'wag kang masyadong mayabang! Kung hindi ka ba naman sana pakialamero-"

"H'wag masyadong pa good-guy, Douglas. Nagmumukha kang asong kahol nang kahol. Tamang-tama kapangalan mo pa si Douglas McArthur. I shall return lagi ang resbak mo, gago!" putol nito sa kausap.

"Tarantado ka pala, e! Kung hindi naman dahil kay Frank hindi ka naman mag-aastang mayabang. Parehas lang tayong aso! Ikaw, sunud-sunuran sa amo mo!" ganti nito.

Samantha saw how Rigo's jaw clenched, it's like anytime he could put somebody to sleep-forever.

"Sige! Papatunayan ko sa'yong mayabang nga talaga ako!"

Itinapon nito ang palakol na hawak niya saka dinura ang chewing gum. Nanlaki ang mga mata ni Samantha sa ginawa nito.

Bobo amp-!

Tiningnan din siya nito nang diretso sa mata. "Baby, po-protektahan kita." Then, he gave her an assurance smile.

Sinenyasan ng Boss ang ilang mga kasamahan nito para sumugod.
Dalawang lalaki agad ang umatake sa binata, pawang may mga bitbit ding baseball bat.

Akmang ipapalo ng isa ang baseball bat na hawak nito nang mahawakan ng binata ang kamay nito. Nasangga nga nito ang isa pero iyong isang lalaking ay direktang pinalo ito sa tagiliran.

Nakita niyang napaigik si Rigo sa sakit. But that's just quick and gave her a smile again, he even winked at her!

Nagpatuloy ang pambuno nilang tatlong hanggang sa matumba iyong dalawa at naagaw na ni Rigo ang baseball bat ng isa. May sumugod uling tatlo saka sila uli nagpambuno. Panay man ang ilag at suntok ay makailang beses din itong natatamaan

Duguan na ang gilid ng labi ng binata, manaka-naka rin itong sinusulyapan siya.

This is why I rarely like guys.

RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon