Pag-ibig Hayskul :))

183 15 14
                                    

Sa buhay haiskul natin naranasan ang umibig,

Damdamin ay tinutulak, ang puso ay kinakabig,

Halos siya lamang ang kadalasan nating bukang-bibig,

Mapasagot siya ng "OO" sa Diyos ipanananalig.

Ginaganahan sa pag-aaral dahil nasa isip,

Babaeng minahal sa damdamin ay sumasagip,

Kapag kasama siya ay para bang isang panaginip,

Sa bawat minuto ay siya lagi ang nasaisip.

Siaya'y tuna'y nating ginagawang inspirasyon sa buhay,

Upang labanan ang dagok sa buhay at magtagumpay,

Siya lamang sa t'wina ang nagbibigay kulay,

Inspirasyon at pagmamahal tunay niyang binibigay.

Kadalasang nagseselos pag may kausap siyang iba,

Baka kasi pagmamahal niya ay malipat sa kanya,

Ngunit sabi nila sa akin, ay wag daw akong mangamba,

Dahil ramdam daw nila, ako talaga ang mahal niya.

Pag-ibig Hayskul :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon