Simula pagkabata ay magkaklase na sila Jaemin at Jeno. Hanggang sa nagcollege sila parehas pa rin sila ng kurso na kinuha. Hindi naman nila to sinasadya, nagkataon lang talaga na they live in the same town. Para makatipid sa pamasahe sa pinakamalapit na school nagaral si Jaemin samantalang si Jeno naman ay tinatamad bumangon ng maaga para sa school kaya sa pinakamalapit na lang din siya.
It's funny how they've been classmates for so long pero never sila naging friends at all kahit simpleng hi hello, wala. Mapaglaro talaga ang tadhana dahil nuon pa man walang palya lagi na silang magkasection kaya laking gulat ni Jaemin ng makita niya ang pamilyar na mukha ni Jeno sa first day niya in college. HRM kasi ang course na pinili ni Jaemin dahil sa tingin niya eto ang pinakamadali sa lahat. Hindi siya ganon katalino kaya hindi na siya naghangad ng iba pa, di man siya magaling magluto ang importante walang mahihirap na subject. Kaya ko naman sigurong pagaralan ang pagluluto.
Pero si Jeno, kahit na pasaway at tamad ito magaral, matalino siya at napapanatiling maging top 1 ng klase. Magaling siya sa math at science kaya di maintindihan ni Jaemin kung bakit ito nag HRM. Akala niya ay hindi niya na ulit makikita ang binita pero eto siya naglalakad papasok sa klase na kung saan ay andun din si Jeno. Napabuntong hininga na lamang si Jaemin pagkaupo niya sa bandang likod at ibinaling ang atensyon sa may bintana.
—
If Jaemin says na never siya nagkagusto kay Jeno, it's a total lie. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Jeno? Matalino, gwapo at mayaman ito. Matagal ng gusto ni Jaemin si Jeno pero kahit napakalapit na nito sa kaniya, pakiramdam niya ay dagat ang layo nila sa isa't isa. Simple lang si Jaemin dahil simple lamang din ang pamumuhay niya— hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap, may onting mga pagsubok pero nakakaraos naman nila. Mahahalata mo naman kay Jeno na galing siya sa mayamang pamilya. Sa kutis pa lang niya ay mahahalata mo na, mas lalo pang nakakadagdag sa kagwapuhan niya ang mga branded niyang damit at gamit. Sa estado pa lang ng buhay nila ay di na sila agad bagay mas lalo pa pagtinignan mo ang ibang pagkakaiba nila.
Gustong gusto man ni Jaemin si Jeno, alam niyang hindi sila bagay at alam niyang kahit kailanman ay di siya mapapansin ng binata. Kaya nuon pa ay suko na siya. Pinagtatagpo man sila ay hindi sila itinadhana.
—
Isang sem ang lumipas at wala pa ding nangyayari sa pagitan ni Jaemin at Jeno. Magka blockmate sila pero never sila naging magkagrupo or kung ano pa man. Panibagong sem ulit at di na nagtaka si Jaemin na magkaklase ulit sila ni Jeno. Isang sem na rin ang nakalipas simula nung nagbago ang lahat.
Noong elem at high school ay nabubully na din si Jaemin pero sino ba namang hindi nakaranas ng kahit kaunting pambubully? Siguro ang mga kagaya ni Jeno. Pero mas malala na ngayong college. Grabe ang pambubully na natatanggap niya dahil paulit ulit ang suot niyang damit, hindi siya makabayad on time sa ambagan at nangungulelat din ito sa klase mapa academics or laboratory. Kung nung high school ay puro asar lang ang natatanggap niya, ngayon ay may pisikalan na.
Hindi kasama si Jeno sa mga nambubully sa kanya pero kasama siya sa mga nagtatawanan tuwing pinagtitripan si Jaemin dahil mga kaibigan niya ang bully nito. Sumasakit ang puso ni Jaemin hindi dahil sa mga suntok at masasakit na salita nila ngunit dahil inakala niyang kakampihan siya ni Jeno sapagkat matagal na din silang magkakilala. Nagkamali siya doon.
Jaemin became a total outcast of their block while Jeno joined the basketball team and became their star player in no time. Unti unting lumalaki ang agwat nilang dalawa sa isa't isa at tanging hiling ni Jaemin ay mawala na ang putanginang feelings niya kay Jeno. Pagod na rin kasy siyang masaktan.
—
Isang linggong naging mapayapa ang college life ni Jaemin. Nakakapagtaka pero hinayaan na lang niya dahil eto naman ang gusto niya ang lubayan siya ng mga kaklase.

YOU ARE READING
Burning Red (nomin)
Fanfiction[tagalog/filo] Jaemin and Jeno are classmates ever since but they were never friends nor enemies. They treat each other like strangers hanggang sa nagcollege sila. Until one stupid night and a stupid mistake, Jaemin became Jeno's fucktoy. Will he be...