Chapter 4

481 7 0
                                    

Renz's POV

I received a text from Marcus, three days after nang last photo shoot namin. Nag-aayang magroad trip gamit ang sasakyan ko. Libre niya raw yung gas. Pumayag na ako wala pa naman si Asha sa condo. Sa lunes pa ang dating niya. Friday pa lang naman ngayon. Araw-araw pa rin kaming magkausap ni Asha, as usual.

Gusto ko na siyang pakasalan. 3 years na rin kami pero tutol talaga yung nanay niya kaya hinihintay naming pumayag yung nanay niya. I met Asha noong mga college pa lang kami. We both came from UP Diliman. Transferee siya from UP Los Baños. We met there; I courted her for 5 months. Tanggap naman sa campus ang relasyon namin pero sa iba hindi pa rin. I know, the society tells that our relationship is wrong that's why I make our own society where our relationship is okay. I know Asha well and one of her weaknesses is her mom. Mom niya na lang ang kasama nito sa buhay until she met me. She never leaves me. Sabi pa ng mga nakatrabaho ko noon, especially Jay, na baka raw maghanap si Asha ng iba. Yung kayang ibigay sa kanya ang gusto ng nanay nito. I was scared that's why I really want to satisfy her. I don't want to lose her.

My phone beeps. It was Marcus who texted me.

May ibabagal ka pa ba Renz?Pinagkakaguluhan na ko dito sa mall. Dalian mo naman!

Natawa ako habang binabasa ko yung text niya. Kupal talaga 'to. Akala mo kung sinong gwapo.

Nagdadrive na. 5 minutes. I replied

Nakarating na ako sa mall na pinagusapan namin. Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan ko. He's wearing a green polo shirt, pants and a pair of rubber shoes.

"Tagal mo. Muntikan na kong halayin nung mga babae doon sa mall." He said. I started to drive the car.

"Lul! Model ka, yan ang consequences."

"Okay lang, di naman ako papalag." Napailing na lang ako habang nakangiti.

Magaan ang loob ko sa kanya dahil na rin siguro kay Fay. Naalala ko lang naman sa kakulitan ni Fay si Asha. Nakakahiya na rin kung tatanggihan ko siya, binigyan niya kasi ako ng trabaho. Well, sideline ko lang naman ang photography dahil kailangan ko rin ayusin yung kompanya. I let my dad's attorney to manage our company habang tinuturuan niya ako. I really love taking photos parang instant memory kasi kapag ganoon.

"Saan tayo?" I asked him while looking at the road.

"Bahala ka basta yung tahimik. Kahit ngayon lang." Natawa naman siya at tumingin sa mga bintana.

Dinala ko siya pinakamatahimik na lugar. Nakatulog na siya siguro pagod. Ganito ba kapag model? Laging pagod o pagod 'to dahil sa mga kinama niya? Lagi niya kasing pinagmamalaki na marami na siyang nakama. Asset niya yata yung manhood niya. Ano ba 'tong mga pinagiisip ko? Napatawa na lang ako.

Kinalabit ko siya hanggng magising siya at sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Seriously? May balak ka bang halayin ako Renz? Bakit sa sementeryo?"

"Tahimik dito."

"Ilibing kaya kita dito." Iiling-iling na lumabas ito. Napatawa na lang ako. I stayed inside the car. Hahayaan ko muna siya, baka may pinagdadaanan.

Narinig ko namang may kumakatok sa salamin ng pintuan ng kotse ko. I opened the window to see Marcus' poker face. I looked at him frowning.

"Samahan mo ko, baka may manghalay sakin." I laughed at him. A mocking laughs to be exact.

"Seriously Marcus? Diba gusto mo naman yun?" He glared at me. "Okay, okay. Lalabas na. Pwede mo namang sabihing gusto mo lang ng kasama or kausap." I continue. He smiled sheepishly and started to scratch the back of his head. I go out of my car and lock it.

The Book (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon