Jicel's POV
Kasabay ng pagbaril kay Prince, sunod naman nito ang pag-higa ni Tianna sa lapag.
Baka ngang totoo ang sinabi nya, may lason syang nainom at agad namin silang tinakbo sa ospital.
Swerte dahil ang malapit na hospital dito ay pag-aari pa mismo nila prince
Nanghihina akong umupo sa may upuan malapit sa ER
"Shh, tama na. Uminom ka muna ng tubig." Inabot saakin ni Jerald ang tubig at agad ko namang tinangap iyon
"S-sandy..." Napatingin ako kay Scarlet at wala sya sa sariling napayakap sa kapatid
"B-buhay k-ka---"
"Nasaan ang anak ko!? Kasalanan nyo tong lahat!!" Bigla namang dumating yung chakang nanay ni Jennie, paano nya naging nanay to?
"Hangang dito kanalang," Tinutukan ng baril ni Jennie ang babae habang masama ang tingin nya dito
Napatayo ako at wala sa sariling lumapit sa tapat ni Jennie
"Hindi namin kasalanan to, kasalanan mo to. At ng Tinuturing mong anak." Wala sa sarili kong saad sakanya
"Kung hindi mo nalang kasing hinayaan ang nararamdaman mo kay Prince, hindi mag kakaganito ang anak ko--" Napapunta ako sa may likod ni Jennie ng takpan nya ko, nilapit nya ang baril at itinutok sa babae
"Aalis ka o babarilin kita? Nandidilim ang paningin ko sainyo!! Hindi naman talaga ikaw ang tunay naming mama, diba second wife kalang?" Nakita ko sa mga mata nya ang matinding galit, kahit siguro sya hindi nya tangap na mama nya yun
"Aba, kahit anong sabihin mo nanay pa din ako ni Tianna. May karapatan akong manatili dito---" Napapikit ako ng marinig ang malakas na putok ng baril
Akala ko may duguan na sa harap namin pero pagkabuklat ko ng mata, nakita kong nasira ang isang upuan na nasa tapat ng kinauupuan nila Jerald sa may likod namin
Napapikit din ang babae at unti unting binuksan ang mga mata nya
"Walanghiya kang bata ka---""Umalis kanalang, tita." Biglang sumulpot si Yuan at hinawi ang bewang ni Jennie para mapunta sya sa likod nya
Nakita kong napatitig si Jennie sakanya
"Y-yuan..."
"Wala kayong karapatan na pumunta dito, at isa pa ayokong makita ka. Baka ako pa mismo ang bumaril sayo, kung di ko mapipigilan ang init ng dugo ko sayo."
"H-hijo--b-buhay ka---"
"Bakit? Akala mo ba may batang kasama ng mga magulang ko noong pinapatay nyo sila?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya
"Umalis na PO kayo, habang may natitira pa kong respeto sainyo." Nakita kong napabaling pa ng tingin ang babae kay saakin at kay jennie na hangang ngayon nakatitig pa din kay Yuan
"babalik ako para sa anak ko, hindi ako makakapayag na ilayo nyo sya sakin." Tumalikod sya kasama ang mga kasama nyang body guards? Hindi ko alam kung anong tawag sakanila
"May ebedensya na ba na sya talaga yung pumatay sa parents mo? Yuan?" Biglang dumating si Sandy
"Si Prince ang may hawak ng lahat ng ebedensya, sya lang ang nakakaalam. Sinabi nya lang sakin yung tungkol sa Mom And Dad ko noong binigay nya saakin yung Dna test."
Napatingin kami sa may ER na hangang ngayon ay walang lumalabas na doctor.
"Kailangan nyang mabuhay." Saad ni Jennie
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...