CHAPTER 1

14 4 0
                                    

Naka tanaw ako sa araw na palubog na.I'm a girl who really loved to see the sunset.Maybe dahil ito ang nag papagaan ng loob ko tuwing may problema ako ang bagay na ito lamang ang nag papagaan ng loob ko palagi.

"Ate gutom na ako" Sabi nang kapatid ko sa akin kaya pinaupo ko ito sa tabi ko

"Pasensiya kana bunso ha?wala pa kasi akong mahanap na trabaho.huwag kang mag alala hahanap si ate ng pag kain ha?"

"Talaga po ate?salamat po"kaya pinatayo ko na ito

" Hali kana uwi na tayo at mag hahanap na si ate ng Pag kain mo".

Siguro uutang nalang muna ako para may ma kain na ang aking mahal na kapatid.

"Ate pautang nga ng tinapay isang supot lang".

" naku,kailan ka ba mag babayad ng utang mo dito ang haba haba na nang listahan mo oh"

"Babayaran ko naman po pag may trabaho na ako wala pa po kasi ako na hanap" ani ko

"Oh heto bayaran mo agad pag may trabaho kana ha?" Kaya tumango ako at lumakad na pauwi

"Ateee!!!!!".

" Oh Ito na ang pag kain mo tinapay muna ha?sa susunod mas masarap pa diyan ang pag kain mo"

"Bunso!maligo kana at papasok ka pa sa school mo at mag hahanap pa si ate ng trabaho".

Labing pitong gulang palang ako at ang kapatid ko naman ay sampung taong gulang palang.Bata pa ako ng nawalan kami ng magulang.

" Ate I hatid mo na ako sa paaralan dali na ate hehehe"

"Hinay hinay lang baka ma dapa ka"

Nang tapos ko nang mahatid ang bunso ay nag uumpisa na akong mag hanap ng trabaho.Medyo mahirap mag hanap ng trabaho lalo nat High School lamang ang aking naabot na ang-ang.

"Hay nakakapagod naman to" Sabi ko sa aking sarili

Hapon na pero wala pa rin akong na hanap na trabaho kaya napag disesyonan kung umuwi nalang.

"Ate!!!pumunta dito si Aling Bea Sabi niya papa labahin ka daw niya ito ang pera oh". Sabay abot nito ng pera sa akin

" sabi niya ate bukas ka nalang daw mag simula ng pag lalaba"dagdag nito kaya tumango nalang ako

"Gutom ka na ba bunso?gusto mo bibili si ate ng pag kain?" Tanong ko rito

"Opo ate gutom na po kasi ako kanina pa" ani nito

"Dito ka lang ha?bibili lang si ate ng pag kain"

"Tao po!!!!" Sigaw ko sa tindahan

"Anong sa inyo ate?".

" pabili nga nang tinapay at lucky me"Sabi ko sabay bigay sa pera

"Ito ate oh at tsaka yung sukli". Kaya tinanggap ko na at umuwi na

" Bunso ito na ang pag kain natin.may bigas pa ba tayo? ".

" Oo ate nag saing po ako baka kase nagugutom kana"

"Dito kalang lulutuin lang ni ate ang ulam natin ah?". Tumango naman ito

Nang matapos na kaming kumain ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan at natulog na.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw.Binuksan ko na ang bintana ng kwarto namin at nag inat inat muna.

" Charlene gumising kana at papasok kapa sa iyong paaralan"Sabi ko sabay yogyog sa kaniya

"Hoy gumising kana!tulog mantika ka talaga hoy!gising Sabi ih"

"Good morning ate hahahaha".

" Wag mo akong tatawanan segi ka Hindi kita ihahatid sa school mo".pananakot ko dito at mukhang tumalab naman dahil Hindi na ito tumawa buti naman

"Ate gutom na ako kakain na ako ah?" Ani nito kaya tumango agad at tumayo na

"Charlene ito ang baon mo" sabay abot ko sa kanya ng pera

"Ate wag na ibili mo nalang ng bigas natin mamaya baka po kase Hindi ka makahanap ng trabaho" Sabi nito sa akin kaya niyakap ko ito at hinalikan

"Mahal na Mahal ka ni ate bunso sobra,kaya sigi na pumasok kana baka ma late kapa ba bye I love you"

As usual wala akong ma hanap na trabaho.Ang hirap talaga pag mahirap lang kayo bilang ang kain niyo sa isang araw.kaya pursigido talaga ako na pag aralin ang kapatid ko para sa kinabukasan niya.Paano kaya kung may mga magulang kami siguro di kami mag hihirap ng gan—

"Hoyyyyyyyy!!!!!" Sigaw nang kung sino

"AY asong ulol" gulat na ani ko

"Hahahahaha sabog ka na naman lalim ng iniisip natin mare ah Hindi ko ma sisid ih" Sabi nito habang tawa ng tawa abat tarantado din to ah

"Anong atin Carmela at napa dalaw ka?wala ka bang trabaho" tanong ko dito

"Syempre wala makakadalaw ba ako dito kung meron di ba?" Ani nito

"Kumusta ka na naman na?mukhang asensado kana Carmela ah?"

"Naku Hindi no ma laki laki lang ang racket namin kaya medyo may pera ako ngayon" ani nito

"Pwede ba akong sumama sa racket niyo na iyan ha Carmela?"

"No no sa ganda mong iyan Hindi ka pwede dahil hindi bagay sayo"ani nito

" Panong hindi Malay mo lalaki pa lalo ang racket ninyo pag nan doon ako diba?"

"NO its a big no.Hahanapan nalang kita ng trabaho na matino Alam mo naman diba?ang trabaho ko ay madumi Hindi bagay sa iyo"ani nito kaya tumango nalang

" Oo na mag hahanap na lang ako ng matinong trabaho at yung at para makapag aral na ako ng matiwasay"

"Sigi Alis na ako ingat kayo dito babalik ako bukas" paalam nito sabay halik sa pisngi ko

"Sigi ingat ka din,wag mag pa buntis ha?hahahaha joke" Sabi ko rito sabay kaway sa kamay

Alas sinco at nandito pa din ako sa karagatan at tiningnan ang araw na papalubog.Grabe nakaka inlove talaga ang sunset sobrang gandang tingnan .Hindi nakakasawang tingnan.

Balang araw ay Hindi na ako mag hihirap tutuparin ko ang aking pangarap sa abot ng aking  makakaya.Makakabuo ako ng sariling pamilya at mamahalin sila ng buong buo Alam kung lahat nang nangyari sa amin pag subok lamang kaya handa akong labanan lahat ng pag subok.Kasi na niniwala akong lahat ng pag subok ay malalagpasan walang susuko.

Alas sais na nang gabi nang naka uwi ako ng bahay at mukhang nag aaral na ang aking kapatid dahil tahimik lang ito.Matalino ang aking kapatid kaya Hindi ito nahihirapan sa mga Aralin sa paaralan.

TE QUIERO MI AMORE(ON-GOING)Where stories live. Discover now