SINJI'S POV:
--
DINAGSA nang tao ang L.A University para makiisa sa engrandeng selebrasyon nang school festival. Syempre kailangan ring mag-enjoy nang estudyante kahit sa maikling panahon lang. Sabihin na nating importante ang pag-aaral pero huwag naman sana nating kalimutan ang mag-enjoy diba?
"So, what was my fortune?"
Matiim akong nakapikit habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ibabaw nang isang bolang crystal na hinukay ko pa mula sa sementeryo noong magkaroon kami ng misyon na hanapin ang isang bangkay nang taong pinaghihinalaang sugo ni Kamatayan dahil umano'y sumusundo ito sa mga taong pumaslang sa kaniya which is hindi naman kapanipaniwala. At dahil nga sa pagiging taklesa ko ay naghukay ako sa ibang lugar na malapit sa sementeryo at nahukay ko nga ang bolang crystal na nasa harapan ko.
Ayon sa pagsusuri ng HuPoFEL, ang bolang crystal na nahukay ko ay mula pa sa sinaunang panahon. Isa itong itim na bola na nagbibigay liwanag sa tuwing sinasabi ko ang isang mahiwagang kataga. Nagkakahalaga ng milyong pisong dolyar ang bagay na nahukay ko at antigo pa raw ito ayon sa mga expert na nasa HuPoFEL. Mahilig sa antigo ang kapatid ko kaya alam nila agad kung totoo o peke ba ang mga bagay na dinadala ko sa HuPoFEL.
"Huwag kang atat hija, sa sobrang itim ng budhi mo hindi ko makita ang kapalaran mo,"
"What?"
Gusto kong humagalpak nang tawa pero pinipigilan ko lang. Pangatlo ang customer ko sa isa sa mga nambully sa akin at ito na ang oras para maningil nang mga ginawa nila sa akin.
"Aking hiling, sana'y tuparin. Bolang crystal na sumasalamin, kapalaran ay ipakita sa akin. Aking katanungan, sana ay iyong sagutin,"
Nagliwanag ang bolang crystal sa harapan namin at tinignan ko si Gwen sa kanyang mga mata.
"The magic crystal says, you will having a baby, you are bearing your child for 3 months now and you are planning to abort it because you don't want your parents knows it,"
Nakita ko ang pagbago ng timpla nang mukha ni Gwen at napahawak ito sa kanyang tyan.
"H...how did you?"
Napakunot ang noo ko sa reaksyon ng mukha ni Gwen na halos wala nang kulay dahil sa pamumutla nito. Hindi naman talaga ako sigurado sa mga pinagsasabi ko pero ang sarap kasing pagtripan ng babaeng ito kaya tinuloy ko na.
"According to your faith in the future, your family will suffer because of your stupidity. The child you are bearing will be the key for the peace you wanted inside your family."
Nagulat ako nang biglang humikbi si Gwen sa harapan ko at doon siya umatungal ng iyak.
"At first, I don't want to believe you because it is part of the festival but damn you hit the jackpot. Yes, Sinji I am pregnant and the father of my child is the eldest son of our enemy - which is the Salvador family. I don't know what to do anymore,"
Laglag ang panga ko sa hayagang pag-amin ni Gwen sa harapan ko. Kami lang naman dalawa ang nandito sa booth kaya okay lang kung umiyak siya sa harapan ko na parang bata. Hindi ko alam na bullseye pala 'yon? Ang galing mo talangang tyumamba, Sinji! Ibinaba ko ang kamay ko mula sa pagkakatutok noon sa bola at pinakatitigan si Gwen. Noong una maldita talaga ang babaeng ito sa akin at hindi ko siya pinapatulan pero hindi ko alam na may mabigat pala siyang pinagdaraanan. Peke naman ang panghuhula ko pero bakit natumbok ko ata siya?
Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan bago ako nagsalita. "Huwag mo nang ituloy ang balak mo na ipalaglag ang bata. Ginawa niyo yan, ginusto niyo yan kaya bakit mo ibabaling sa bata ang isang kasalanan na wala naman siyang alam? Alam mo ikaw, hindi ka lang maldita isa ka ring tanga! Ilagay mo ito sa kukote mo Gwen, mayaman ka diba? Mayaman din ang boyfriend mo, bakit hindi mo sabihin sa boyfriend mo na magkakaroon kayo ng anak?"
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romantizm[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...