Chapter 22 And Your Mine

2 0 0
                                    

Kaira Althea Martinez POV

Nainulat ko ang mata ko nong may narinig na nagsisigawan sa hindi malayo sakin

Napapatakip pa ako ng tainga dahil sa subrang lakas talaga ng sigawan nila.Hindi naman nila ako napansin.

"Sinabi ko naman kasi sayo na lumapit na tayo sakanya para matulungan tayo"malakas na sigaw ni Rishena.

"Narinig mo naman siguro yong sinabi niya na hindi pwedi malaman ng kapatid niya na nandito siya"sigaw naman na sabi ni Jenny kahit na magkatabi lang naman ang dalawa.

"Hindi naman niya malalaman kong hindi ka magsasabi na nakita natin ang kuya niya diba"sigaw naman ni Rishena naglabanan pa sila ng tingin.Napakunot naman ang noo ko sakadahilanan ay hindi ko alam kong ano ang pinaguusapan nila.

"Oo hindi nga niya malalaman.Sa ngayon.Pero sa tingin mo ba mahabang panahon natin ito ilihim sakanya huh.Tayo nga nakita siya pano pa kaya siya mismo at iisa lang ang lugar na kinalalagyan nila.Pero kailangan natin itong gawin dahil ito ang hiling ng kuya niya "si Jenny napabuntong hininga naman si Rishena.

"Hmmm.Yon lang kasi yong alam kong way para madaling makalabas tayo dito."umiiyak na nasabi ni Rishena"At para hindi na siya mapahamak pa"dagdag na sabi nito at napayakap naman siya ni Jenny.

"Para kayong mga tanga.Ang dradrama "pagbabasag ko sakanila.Mabilis na lumingon naman sila at gulat na tinignan ako.Parang nanigas sila sa kinatatayuan na para bang nakakita ng multo.

Oa.

"Tsk."sighal ko

"Tapos naba kayo sa drama niyo"tanong ko pa sakanila pero parang napepe ang mga ito at hindi makasagot sakin.Hindi nagtagal ay nagsalita naman ang isa sakanila.

"Ah Hehehehe oo tapos na"parang peking ngiti na sabi ni Jenny.

"Kanina kapa gising?"tanong naman ni Rishena at pinunasan ang mata.Nagkatinginan pa ang dalawa at sabay na binaling sakin ang tingin na para bang hinihintay ang sagot ko.

"May narinig ka ba?"parang kabadong tanong naman ni Jenny.Nagtaka naman ako sa kanyang tanong.

"Meron ba akong dapat marinig.Saka kagigising ko lang din"nakakunot ang noong sagot ko.

"Ganon ba Hehehe.Buti naman"sabay na sabi ng dalawa at ngumiti ng malaki.

***

"Buti naman  naisipan mong gumising noh"prangkang sabi ni Rishena at seryusong sumubo ng pagkain.

Andito nga pala kami sa cafeteria.Nagyaya akong pumunta dito dahil nakaramdam ako ng gutom.Ewan ko ba parang   isang buwan akong hindi kumain dahil sa subrang gutom.

"Bakit ano bang nangyari?"takang tanong ko.

"Hindi ka naman nauntog diba at bakit parang nakalimut ka"prangkang sabi ulit ni Rishena.Napakamot naman ako sa ulo at inilala ang  nangyari.

Ang Paligsahan.

Wala sa sariling napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko nong naalala yong nangyari sa hunted mansyon.

Mga hayop sila.

Mga baboy.

"Gano ba ako katagal bago nagising"seryusong tanong ko at pinipigilan ang galit.

"Mga tatlong lingo nadin"sagot naman ni Jenny na palinga linga na halatang may hinahanap.Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Okay ka lang ba Kaira"kaninang prangka ay bapalitan ng nagalalang tanong  ni Rishena"Yong tinidor binabali mona"sabi nito mabilis na binitawan ko naman ang hawak na tinidor at kinuha ang baso na may lamang tubig at tinungab ito.Medyo nahismasmasan naman ako.

Inferno University(School of Monster and Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon