Chapter 24 The Mask Man

3 0 0
                                    

Kaira Althea Martinez POV

Pagkagising ko agad kong tinungo ang Hideout.Katulad ng sabi ng leader namin na si bakulaw.Hindi ako pweding malate dahil malilintikan daw niya ako.Sa ugali non baka mas  malala yong ipaparusa niya sakin kong nagkataon.

Nandito ako sa labas ng dorm ng mga lalaki.Actually kaya ako nandito kasi hindi ko alam kong saan nga ba ang Hideout na tinutukoy ng bakulaw nayon.Unang beses ko din kasing makakapunta don.Wala din naman kasing sinabi yong bakulaw nayon kong saan banda yun.

Napaupo ako sa isang bench na naririto.Nakakangalay din kasing maghintay na nakatayo.Balak ko sanang hintayin yong mga ka member ko para sabay sabay na kaming pumunta don.Ipinatong ko ang dalawang kamay sa mesa at yumuko don.

"Oh mukhang may naligaw dito ah"Napaangat ang ulo ko nong may narinig akong nagsalita sa harap ko.

"Alam mo bang pinagbabawal ang katulad mo na pumunta dito sa mga dorm ng lalaki"sabi naman nong isa at seryusong nakatingin sakin.Napakunot naman ang noo ko.

"Mukhang pinapahamak mo sarili mo"sabi naman nong lalaking mahaba ang buhok na parang holdaper.

"Anong  pinagsasabi niyo nakita niyo ba ako na nakaapak sa mismong dorm niyo.Tch"nakakunot paring ang noong sabi ko.Makapagbawal parang umapak ako mismo sa loob ng dorm nila.Tsk.

Humakbang ng sabay ang tatlong lalaki pa tungo sakin.Kaya mabilis na tumayo ako at umatras.

"Pero mukhang mag eenjoy naman kami sayo.Hati hating kapatid nalang mga brad"sabi ulit nong mahabang buhok at nginitian naman siya nong dalawa ng ngiting  mala demonyo.

Sunod sunod ang atras ko dahil sunod sunod din ang hakbang nila palapit sakin.Halos talunin pa nong isa ang lamesa na nasa  harapan niya.Parang mga asong ulol ang mga ito kong ngumiti sakin.

"P-pwedi bang layuan niyo ko"kabado kong usal dahil nakakatakot talaga sila lalo na yong mga ngiti nila sakin.Na parang may masama talagang binabalak.

Inilinga linga ko ang aking paningin kong sakaling may makitang ibang estudyante na naririto.Pero nadismaya ako dahil kahit isa manlang wala akong makita.Subrang aga padin kasi kaya siguro tulog pa ang karamihan sakanila.

"Ano ba bitawan niyo ko"malakas na sigaw ko nong napagtantong hawak na pala ako ng dalawa ang braso ko.Habang yong mahabang buhok  naman ay nasa aking harapan na mukhang pinagmamasdan ang kabuoan ko habang  nakangiti ito.Pumiglas ako sa pagkakahawak ng dalawa nong hawakan ako nito sa bewang at inilapit sa kanya.

"Ano ba bitawan niyo kako ako"sigaw ko dito kasabay non ang pagtumba nong mahabang buhok na may hawak sa bewang ko.

"Takti.Sino yun"sigaw niya habang nakahawak na ulo na mukhang don tumama  ang bagay na lumipad patungo dito.

"Boss okay kalang"nagaalalang tanong nong kaninang isang may hawak sakin at mabilis na nilapitan ang kanyang boss.Kaya nabigyan ako ng pagkakataong kumilos.Mabilis na hinawakan ko ang isang lalaking may hawak naman sa isang braso ko at pinaikot na binali ito.Halos mapahiyaw ito sa  ginawa ko.Hindi pa ako nakuntinto at malakas ibinalibag ko ito.Pero tila mali ang aking hakbang dahil pagkatapos kong gawin yon.Nakaramdam ako ng may tumutusok sa tagiliran ko kaya bigla nalang akong naging bato sa kinatatayuan ko.Nasa paa ko lang ang paningin ko at hindi ko magawang gumalaw sakadahilanang baka pag gumawa ako ng hakbang papatayin ako nito.Pero biglang nagulat ako nong nahagip ng mata ko sa hindi kalayuan samin ang dalawang kasamahan niya ay nakahandusay na sa sahig at may saksak sa kanilang dibdib.

Kaya bigla naman akong nabuhayang baka may tutulong sakin.

"I-ibaba mo yan kundi papatayin ko itong babaeng to"kabadong kabadong sabi nong mahabang buhok na siyang may hawak sakin ngayon.Halata sa tuno nito na kayang itong gawin ang sinasabi niya.Kaya hindi ko maitagong hindi kabahan dahil sa takot.

Inferno University(School of Monster and Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon