"Why do you look so pale?" bungad sa akin ni Rynx, pagkalabas ko ng cr. "Are you alright?" dagdag na tanong niya na mukhang nag-aalala.
Masiyado bang obvious na kinakabahan ako pag uwi sa amin?. Kung bakit ba naman kasi hindi ko nainom yung pills eh.
Napaisip ako agad, kung hindi ko nainom kaagad ang pills anong mangyayare sa akin?..
Ohh myy goshh hindi.. hindi.. Hindi mangyayari yun.
"Hey son---ohh who is she?" sabay kaming napalingon ni Rynx sa babaeng nagsalita habang papalapit sa amin.
"She is Aisla my girl bestfriend, Aisla she is my mom" sabi ni Rynx.
Ito pala ang mommy ni Rynx. ang ganda niya at napaka puti, balingkinitan ang katawan, wala akong masabi kundi napakaganda ng mommy ni Rynx.
"Ohh! is she the girl you are telling me---"
"Mom!" pagputol ni Rynx sa sinasabi ng kanyang mommy.
Takha akong tumingin kay Rynx, ano naman kayang ichinismis nito sa mommy niya tungkol sa akin?.
"ohh alright hahaha anyway, hi hija" bati sa akin ng mommy ni Rynx, nagulat pa ako dahil niyakap niya ako tsaka siya bumeso sa akin.
Bukod sa maganda siya, mabait pa ang mommy ni Rynx.
"H-hello po ma'am----"
"Tita, you can call me tita Sylvia, you can also call me mommy if you want" sabi ng mommy ni Rynx, muntik pa akong masamid dahil sa sinabi ng mommy ni Rynx.
kita ko pang kumindat siya kay Rynx na siyang ipinagtakha ko, si Rynx naman ay umiwas ng tingin dahil sa ginawa ng mommy niya.
Ang awkward kung tatawagin ko siyang mommy eh hindi ko naman jowa or asawa itong si Rynx diba?.
Bahagyang natawa si tita Sylvia ng makita ang reaksyon ni Rynx.
"I'm just kidding hija hahahaha!" natatawang sabi ng mommy ni Rynx.
"Haha okay po tita" nahihiyang sabi ko.
"Would you like to join us later for a dinner?" pag iiba ni tita Sylvia ng usapan, bigla kong naalala na kailangan ko na palang umuwi dahil hindi ako pupwedeng gabihin dahil sigurado akong galit na galit na ang magulang ko.
Tumingin naman ako kay Rynx dahil hindi ko alam kung paano ako tatanggi sa mommy niya, dahil kailangan ko na talagang umuwi at mukhang naintindihan naman niya kung bakit ako tumingin sa kanya.
"Uhmm.. Mom Aisla needs to go home" sabi ni Rynx sa mommy niya.
"Does she really need to go home or are you just embarassed because you like---"
"Uhh yes tita k-kailangan ko na po talagang umuwi kasi hinihintay na po ako ng parents ko" pagdadahilan ko.
"Alright, but can you come here tomorrow, Rynx will pick you up tomorrow, we're just going somewhere" sabi ni tita.
Napaisip ako, saan naman kami pupunta? hindi ko pa nga alam kung papayagan ako ng parents ko.
"I'll try po tita" sabi ko.
"Where are you going tomorrow mom?" takhang tanong ni Rynx.
"Secret, it's a girl thingy, son" sabi ni tita Sylvia.
Nagpaalam na ako kay tita dahil hindi ako pwedeng gabihin.
"Bakit hindi ka pwedeng sumama sa amin magdinner?" tanong agad ni Rynx pagkasakay namin sa kotseniya, isinuot ko muna ang seatlbelt atsaka ko siya tiningnan.
"Dahil istrikto ang parents ko atsaka nahihiya ako dahil ngayon lang ako nakilala ng mommy mo, sa totoo lang hindi ko alam kung papayagan ako ng magulang ko, tumakas lang nga ako kanina para lang kay Raze." mahabang paliwanag ko habang diretso ang paningin ko sa daan, sakto namang nag red light at huminto si Rynx sa pagda-drive.
"Talagang mahal mo si Raze no?" napayuko ako dahil sa tanong ni Rynx.
Hindi lang mahal, mahal na mahal ko talaga si Raze.
Muling nagbabadya ang mga luha ko, pinigilan ko ito ngunit traydor ang mga luha ko, sunod-sunod itong tumulo hanggang sa di ko mapigilan at napahagulgol ako sa sobrang sakit ng pinaramdam sa akin ni Raze.
"Sige lang umiyak ka lang, handa akong maging panyo mo maibsan lang ang sakit na nararamdaman mo." sabi ni Rynx atsaka niya hinagod ang likod ko.
"A-alam mo bang handa akong suwayin ang magulang ko para sa kanya, H-handa akong g-gawin ang lahat para lang m-maging e-enough a-ako para sa kanya, ganon, ganon ko siya kamahal pero lahat ng iyon sinayang niya!" humahagulgol na sabi ko.
"Kung ganon napakaswerte niya." sabi ni Rynx habang hawak niya ang manibela. "Sana ako nalang siya" hindi ko na narinig ang kanyang huling sinabi dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
—————————————————————————
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Teen FictionMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...