Chapter 24: My Fault
Hyacinth
He must be hurt.
We have already looked for him around, but we found no trace of his whereabouts. The blood-stained on the trunk means he really got hurt.
I wiped the tears off my face. I hope he's fine.
"Hyacinth is crying," biglang sabi ni Wilma kaya natigilan sila sa paglalakad, napalingon sa akin sina Limuelle at Tegan na nauuna sa amin.
"I-I'm not!" I insisted, but I just got teary-eyed more.
Tegan sighed. Nilapitan niya ako. Tinangka kong yumuko pero nahawakan niya ang ulo ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya.
"I'm sure Corbie is fine, Aya," he assured me. "Do you think a stain of blood would threaten his life?"
I shook my head. I know that well, but I still couldn't help but feel worried. Paano kung malala pala ang sugat niya? No one will be there for him!
Tegan smiled. "Malakas si Koko. Alam kong hindi siya mapapahamak."
"Baka naman hinabol siya ng mabangis na hayop?" tanong ni Limuelle.
Wilma groaned. "We are literally the wildest ones out there, Limuelle. Si Hyacinth lang naman ang bampira na takot sa hayop."
"He's fine..." ulit ni Tegan sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko saka mahina 'yong hinaplos. "Hahanapin natin siya, Aya. Hindi tayo titigil. Pangako."
"Baka naman bumalik na siya sa Esparago Clan?" sambit na naman ni Wilma. "Alam niyo ba ang napapansin ko kay Koko? Gustong-gusto niya ang mama mo, Hyacinth. Baka kinuha niya ang pagkakataon na ito para bumalik at kunin ang loob niya!"
"Wilma..." Tegan warned.
"What? Totoo naman!""Hindi, ah!" sabi ni Lim. "Hindi gano'n si Koko. Baka kinuha siya ng itim na ibon?"
"Itim na ibon?" Kumunot ang noo ni Tegan.
Lim nodded. "Nakakita kami ng itim na ibon sa himpapawid. May sabi-sabi kasi sa aming mga tao na bruha raw ang mga itim na ibon. Mga mangkukulam na nagkatawang ibon para makahanap ng biktima!"
Nagawa akong patawanin ni Limuelle. Hindi ko inakalang gano'n kalawak ang imahinasyon ng mga tao na munting ang itim na ibon ay may ibang pahiwatig sa kanila.
"I see..." Tegan turned to me again.
"May parating..." bulong ni Wilma.
Agad akong tinago ni Tegan sa kanyang likod. Tumabi sa akin si Wilma at bahagya pang tinulak ang balikat ko palayo kay Tegan. Hinila ko naman si Lim na nakatingin lang din.
"Bad guys?" I asked, tensed.
"Bandits," Tegan whispered. "Just stay in my back whatever happens. Ako na ang bahala sa kanila."
"Insurgents..." Si Wilma na halatang kinabahan din. "Oh, shit. Baka sinundo ni Corbie ang mga kasamahan niya para ipahuli tayo!"
"Shut up!" I yelled at her. "You are literally making everything about him!"
"Huh. Friends..." bulong ni Wilma na nanunuya.
"Sshhh..." Tegan hushed us.
Narinig ko ang mga yabag ng kabayo na palapit sa amin. Base sa tunog nito ay alam kong hindi lang sila dalawa o tatlo, marami ang mga ito at papunta sa gawi namin.
"Hindi ba dapat tumakbo na tayo?" tanong ni Limuelle.
"Nah. Ikaw dapat, Limuelle," ani Wilma. "Kapag nalaman nilang tao ka ay patay ka."
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.