Chapter 15: Disguise

115 23 0
                                    

Blue light illuminates my surroundings with the help of the glowing virtual screen.

"Papunta na ako." Mga katagang ini-reply niya.

Ilang araw ko ding hindi binasa ang private messages niya hanggang sa tumambak nalang. Napasinghap nalang ako sabay tingala sa langit.

Leatial Saintdom. Bughaw ang kalangitan ngunit walang mga ulap. Gumagabi din kaya sa safezone? Every continent have one safezone. Ano kayang pinagkaiba ng lahat?

Habang napapaisip ako sa ganoong mga klaseng bagay, saka ko napansin ang isang kulay abong lobo na papalapit sa akin.

Hindi man ito ganoon kabangis kung pagmamasdan, napahanda parin ako sa rapier kung sakali. Pansin kong napahinto naman ito sa ginawa kong kilos.

Maya-maya, nagsimula itong lumaki at nalagasan ng ilang mga balahibo. Umatras ang mahaba nitong nguso, humaba ang mga paa, nag-usok ang katawan, at nakatayo nang tulad ng normal na tao.

Sa palagay ko ay mas tamang sabihing nakatayo nang parang isang beastman player.

Sa puntong iyon, tuluyan ko nang binunot ang rapier para maghanda sa posibleng gagawin nito.

Nang natapos ang pagbabagong anyo niya, saka ko lang nakita ang pangalan sa itaas ng mabalahibo nitong tenga sa ulo.

"Mlex?"

Napakunot-noo ako sabay tagilid ng ulo.

"Alex?"

Napakamot naman siya sa batok, "hehe... Hi I guess?" Kita ko pa ang mabilis na pagwagwag ng buntot niya.

"Beastman ka?"

"Correction! Shape-shifter dahil ruler class ako," aniya.

"Your ugly," nasabi ko.

Mabilis namang nagbago ang timpla ng mukha niya at tiningnan ako nang nakalaglag ang panga.

"Ahh sorry," nasabi ko nalang.

"Kung gusto mong makita yung totoong mukha ko saglit lang! Alam ko namang napapangitan ka sa mga cute dahil sa pagka-alien ng standards mo eh."

Katulad ng sinabi niya. Muli siyang nagpalit ng anyo. Sa puntong iyon ay nawala na ang lahat ng bakas ng pagiging beastman niya.

"Better," komento ko nang nakahalukipkip.

"Okay, okay. Move on, nasasaktan lang confidence ko eh," pagsuko niya kalaunan.

"Kung alam mo lang kung gaano kadami nagkakandarapa sa akin..." Bulong niya pa.

Napangiti nalang ako sa ingay niya.

Hindi siya nagbago.

"Kamusta?" Aniya.

Napasuot lang ako ng bandana. "Buhay pa."

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

Hello! Ayos lang ako. Nakapatay ako ng tatlong players actually. Ikaw? Kamusta? Masaya bang ma-trap sa larong 'to? Anong klaseng pagkamatay ang gusto mo?

Like hell would I talk that way.

Hindi ko namalayan, nakakuyom na pala ang mga kamao ko.

"Dude. Alam mo namang pwede mo akong pagsabihan," wika niya at umupo sa tabi ko. Sabay pa kaming napatingin sa kawalan.

"Nakita kita kanina sa plaza. Ang OP mo! Sabi naman sayo may dahilan kung bakit hindi inalis yung Victorian class sa laro eh."

"Yeah." Tipid kong sagot.

The Glitch Conqueror [Dropped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon