Bumalik naman ako sa tabi ni Kate. Serene's also sitting beside me. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako."Ri! I missed you." niyakap naman niya ako.
Serene is the type of girl who loves skin ships, she always hugs me whenever we see each other.Tumawa naman ako ng mahina at binalik ang yakap niya. "I missed you too... Nasaan si Sienna?"
"I don't know actually." she laughed. Sienna is her twin sister. They're identical in face but not in personality. Serene is calm and collected while Sienna is loud and wild.
"Kanina ko pa siya hindi makita e." kumuha ako ng beer na nasa table.
Just beer. This will not get me drunk, I think. Medyo matagal narin kasi noong last na uminom ako. I went to gatherings but not parties. Bukas ang una kong beses na pupunta sa party ngayong year. I'm pretty sure thrice as much of people here would be in the party tomorrow.
Nakalahati ko kaagad ang beer na kinuha ko. Serene's also drinking a margarita while Kate's still talking to the guy beside her. She seems to enjoy his company.
Luminga ako sa likod ko at nakitang may mga lumalangoy sa pool. Sa tabi naman ng bar island ay may ilan din na tao ang nakaupo at umiinom. Sa pavilion may mga nag-uusap at nag-iinuman din, I saw Jay and the other girl sitting in the couch. Maingay din ang paligid dahil sa malakas na musika na nanggagaling sa malaking speaker.
I don't see Kiel around. Hindi pa siya bumabalik dito. Kumuha ako ng pangalawang beer at ininom ulit ito. Nasa pangatlong baso na ako ng biglang nag vibrate ang phone ko.
Arthur's calling. Agad ko namang sinagot.
"Hello?" bati ko.
"Ri, still not drunk yet?" narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Patapos na ba kayo?" tanong niya ulit.
"Hindi pa. Mag aalas-sais palang naman, Art." dahilan ko.
Maingay sa garden kaya lumayo muna ako doon. Pumunta ako sa harap ng bahay nila Kate. I sat on the little stairs outside. Tumingala ako at nakitang palubog na ang araw.
"Ano ininom mo? Can you still go home safely?" I can hear the muffled sounds of people talking in his background. Siguro ay nasa hallway siya ng hospital kaya ganon.
"Beer lang. Parang malalasing na kasi ako pag tequila o kung ano man ang nasa bar ang ininom ko e. I haven't been drinking liquors since last year. At saka hindi rin naman ako malalasing sa beer, Art. " umihip naman ang malamig na hangin sa labas.
I'm just wearing shorts and t-shirt. Ramdam ko ang lamig na dulot nito kaya nagpasya akong lumipat sa sofa ng living room nila Kate. Walang tao sa loob dahil nasa likod sila lahat umiinom at nagkwe-kwentuhan.
Sumandal ako sa sofa at inilagay ko ang maliit na pillow sa taas ng binti ko. This makes me comfortable whenever I wear shorts.
"Know you limit, Ri... Nandyan din ba sila Jay at Maverick? Magpahatid ka nalang sakanilang dalawa kung magabihan pa kayo."
"Jay's here, si Maverick hindi ko pa nakita. Uuwi naman ako ng alas-otso, hindi na kailangan ihatid. Isa pa hindi naman ako lasing e." mahina ngunit may diin kong sinambit.
"I'll tell Jay to bring you home. Madadaanan niya rin ang subdivision natin kaya hindi naman siya maha-hassle." pilit niya.
"I can go home by myself, promise. Busy si Jay dito, may kasama siyang babae. Kung ikaw ba iiwan mo ang kasama mo na babae para lang ihatid ako? Diba hindi? Mag co-commute nalang ako, Art." mariin na sambit ko.
Kaya ko naman na umuwi mag-isa e, ang kulit lang talaga ni Arthur. Hindi nagpapatalo sa argumento e.
Natinig ko naman ang malalim na buntong-hininga niya sa linya. I swear I can take care of myself, at mukhang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko.
YOU ARE READING
Trapped In Love
RomanceArianne Villafuerte knows that relationship is just a repeating cycle of being in love and being in pain at the same time. She knows it better than any one else, after all she experienced it many times. But our heart doesn't work the way we wanted...