GP-Part 1

1K 30 6
                                    

<Danniela's POV>

"Sinetch naman ang merlat na itey?"

Ramdam ko ang titig ng mga mata sa kabuoan ko mula ulo hanggang paa. Alam kong bakla ang bagong dating dahil sa boses at pananalita nito. Pero iba ang pakiramdam ko sakanya, parang hindi siya mabait at friendly katulad ng ibang bakla sa ibaba.

"Ikaw pala, Rosa. Ito pala si..." Huminto si Red dahil hindi niya alam ang pangalan ko. Hindi pa pala ako nagpapakilala sakanya.

Naglakas-loob ako at lumapit sa baklang nasa pinto. "Ako si Danniela, bagong candidate para sa pageant." Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya at ngumiti ng pilit dahil nanginginig ang sistema ko sa klase ng pagtitig niya. Tinaasan niya ako ng kilay at hindi niya tinanggap ang kamay ko. Parang nandidiri siya saakin na ewan basta. Pero sa tingin ko may karapatan siyang pandirihan ako dahil talagang walang binatbat ang beauty ko 'kuno' sa dyosang nasa harapan. I mean, bakla ba talaga 'toh?

Super straight ng itim na itim niyang buhok na umabot hanggang sa kanyang pwetan, parang araw-araw nire-rebond. Ang puti at kinis ng kutis niya parang k-pop star, walang ka pores-pores. Ang ganda ng kilay niya, makapal pero maayos. Parang sa Manika ang pilikmata niya. Yung mata niya dark black na kayang umikot in 360 degree. Yung tangos ng ilong niya bumagay lang sa mukha. Yung labi niya kulay pink dahil sa lipstick at pati narin ang pisngi. Nakasuot siya ng pink floral dress with matching pink sandals. Ang tanging palatandaan na hindi siya tunay na babae ay ang kanyang mala-higanteng height na 6'1 ata, yung Adams Apple at ang kunting mga ugat sa kanyang mga braso.

Tumikhim si Red. "Pasensya kana Danniela sa inakto ni Rosa. Maldita talaga kasi yan pero mapagtiya-tiyagaan naman kahit papaano."

"Me? Pinagtiyatiyagaan?! Tell me di yan true, Fafa Red. Cry na me, Huhu!" Hysterical ni Rosa sabay kapit-tuko kay Red. Lihim na umikot ang mga mata ko. Kung meron akong hindi gusto sa mga bakla, ito yun. Napaka overacting kasi tapos maharot pagdating sa gwapo.

"Teka lang. Diba, susukatan mo pa ako." Pagpapaalala ko kay Red, baka kasi malimutan niya.

"Ay! Oo nga pala. Mamaya nalang kita susukatan, Rosa. Uunahin ko muna itong si Danniela." Tinanggal ni Red ang braso ni Rosa na nakapulupot sa katawan niya at lumapit sa akin. Samantalang, binigyan naman ako ng matalim na tingin ni Rosa.

Maayos naman akong sinukatan ni Red habang bagot na nakaupo si Rosa sa sofa. Pero nong sinusukatan na ako ni Red sa bust part ko...

"Are you totally a woman already, Danniela? I mean, binago mo na talaga lahat?" Tanong sa akin ni Red habang iniikot sa katawan ko ang tape measure.

Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Ano ba isasagot ko?

"Hmm..." Nagiisip ako ng maaaring isagot na walang sabit. Pero akmang sasabihin ko ng OO, biglang sumabat si Rosa.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon