Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bubong namin,oo nakaramdam ako ng dissapointed kasi pangarap ko talagang mag aral sa University nayon eh.
Pinipilit kong makatulog ngunit di padin talaga ako dinadalaw ng antok kaya minabuti ko munang pumunta sa labas namin,wala din naman kaming masyadong kapitbahay,lima nga lang kapitbahay namin.
"Ate bakit di kapa natutulog?"
"Ay Pusa!"
Bigla akong nagulat ng biglang sumulpot sa tabi ko si Betanae.
"Ate mukhang malalim iniisip mo may problema kaba?"tanong niya pero ngumiti lang ako at umiling agad kong binaling atensyon ko sa harapan namin.
"Weh?ate halatang may problema ka eh ano ba iyon?"
Napabuntong hininga ulit ako dahil sa tanong niya mauunawaan kaya niya kung sasabihin ko?
"Gusto ko kasing mag aral sa University nayon eh kaso wala tayong pera."
Napaupo nalang din siya dahil sa sinabi ko.
"Pasensya na ate ha wala akong maitulong,gusto ko man na tulungan ka wala din akong pera eh."
Napangiti nalang ako ang talino niya talaga naiintindihan niya sitwasyon namin kahit na napakabata niya pa.
Madami din kaming napagkwentuhan pero pinapasok ko na siya sa loob ng bahay kasi malamig na.
Napatitig lang ulit ako sa kawalan bago tumayo.
"Sana makapunta din ako sa Ateneo."sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay.
~~~~~~late updatee🥲