Chapter 15.Supportive Bf

30 6 0
                                    

Dumaan ang mga araw at masaya kami ni Bash. Mas lalo siyang naging maalaga at sweet sa akin.A perfect boyfriend sabi nga nila.Pero minsan hindi nawawala na magseselos o may hindi pagkakaintindihan kayong dalawa.Part daw iyan ng isang relasyon ang mag away minsan.

Sabi nga nila if you fall inlove be ready to take a bigger responsibilities as a partner and a lover.Be always ready to face the challenges while you were together and also be ready for the consequences of your action.But for me it is not like that if you love someone then be it, love him with your own freedom not with responsibilities because if you tell someone that you love him and you have responsibility for him then may be it's not real love.

Kaya ako hindi masyadong mahigpit kay Bash lalo na if sometimes wala kaming times to each other dahil meron naman kaming sariling ginagawa lalo na sa school.Pero kahit ganun if he have time nag eeffort talaga siya para magkasama kami at iyon ang mas lalong kinabibilib ko sa kanya.He know how to manage his time not like me na minsan sa dami kung sinasalihan na activities sa school nawawalan na ako ng time sa kanya.But I'm so lucky to have a very understanding and supporting boyfriend na always their for me.

"Oyyy...Kelly parating na si papa Bash mo ohh..",panunuksong sabi ni Airah.

"Ehhh...sanaol merong ganyang bf super duper supportive",kinikilig na sabi ni Kate.

"Meron naman Kate ah pag sinagot mo si Matthew sigurado ako he will support you also",tukso ko sa kanya na kinasimangot niya naman.

"Kung si Matthew lang naman huwag na.Ayaw ko mapabilang sa mga babae niya, ewww ka talaga bestie",nakaikot matang sabi niya sa akin.

"Baka balang araw kainin mo iyang eww mo Kate remember as what I always say "the more you hate...",naputol ang sinabi ko dahil sa pagsali ng dalawa kung baliw na besties.

"....the more you love.And tulak ng bibig kabig ng dibdib",sabay sabi ng dalawa with appear pa ng mga kamay nila.

Nagtawanan nalang kami saulado talaga nila ang ugali ko.Palapit na si Bash sa akin at sa lagi ko inaasahan may dala naman itong towel pamunas sa pawis ko.Kasalukuyan kasi kaming nagpaparactice ng softball for upcoming district meet.Mas lalo kaming abala ngayon ng team para mapanalo at mapanatili namin ang pagiging champion namin.Isa sa pinagmamalaki ng aming school ang softball dahil wala pang nakakatalo sa team ng LNHS mula na sumali ang school namin.

"Hi babe",bati niya sa akin with punas sa pawis sa mukha ko at halik sa pisngi ko.

"Hello babe.Thank you",sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi.

"Nauuhaw kaba babe gusto mo kuha kita ng tubig?"tanong nito sa akin.

"No need babe I'm fine.Musta ang training niyo sa mga new applicants for CAT officers?"tanong ko sa kanya.

"Okey lang din naman wala naman masyadong pasaway sa bagong grupo ng nga applicants for now",nakangiti niyang sabi.

"Balita ko nag apply sina Jam at Marco babe para maging CAT officers ah",tanong ko uli sa kanya.

"Yeah at mukhang seryoso sila na makapasa sa exam at training nila super behave kasi sila eh",sabi ni Bash sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na mag apply si Jam as CAT officers eh ang arte niya kaya paano pag sa ground training na kayanin niya kayang maligo sa putikan babe",sabi ko na nangingiti.

"Babe don't be like that don't judge a person it's bad",seryosong sabi ni Bash sa akin.

"I'm just kidding babe.Curious lang ako kasi ",sabi ko sa kanya.

"Okey,by the way bakit ba sila pinag uusapan natin?I'm here for you para magkaroon tayo ng time para sa isa't isa.Kumusta ang training babe hindi kaba nahihirapan kasi dami mo sinasalihan eh",nag alala nitong sabi.

"Okey naman kinakaya alam mo naman ako pag gusto ko ang isang bagay kahit mahirap kakayanin ko di ba",sagot ko sa kanya.

"Bakit kasi ang dami mo sinalihan nag sosoftball ka na nga,sumasayaw ka pa ng folkdance at declaim.Tapos may pasok pa tayo.But I'm so proud of you babe kasi napagsabay sabay mo at kinaya mo lahat na iyon",proud nitong sabi.

"Babe parang hindi mo kilala ang gf mo adventurist yata ito",pagyayabang ko sabi.

Nagkibat lang siya ng balikat at umakbay sa akin.Ako naman natatawa sa reaksiyon niya.Inaya niya na ako na umuwi at ihahatid niya daw ako sa bahay namin.Ang sweet di ba kasi magkaiba ang way ng daan papunta sa kanila at sa amin pero hinahatid niya parin ako at sa umaga naman lagi siya nakaabang sa labas ng gate ng school para magkasama kami sa pagpasok sa classroom.

Habang pauwi nadaanan namin ang grupo nila Marco sa tindahan ni Aling Elgrie naiiling nalang ako sabay hawak sa kamay ni Bash.Hindi talaga ako komportable kapag nakikita ko si Marco pakiramdam ko anytime may gagawin siyang masama.Nakita ko pa ng maghitit siya ng sigarilyo at nilamukos ito at tinapon sa lupa habang nakatingin sa amin.

Kinabukasan nagtataka ako kung bakit walang Bash na naghihintay sa akin sa labas ng gate.Baka may inasikaso lang sabi ko sa sarili ko pero hanggang sa loob na ako ng classroom wala parin siya.Nakakunot ang nuo ko na nag iisip kung saan siya pumunta.

"Goodmorning beshie",bati sa akin ni Kate.

"Naku kay aga aga nakabusangot ka diyan problema mo?"tanong ni Airah.

"Beshie's nakita niyo ba si Bash kanina ko pa siya hinahanap eh",tanong ko sa kanila.

"Ahh huo nga pala nakita ko siya kanina kasama si Jam pero hindi ko alam kung saan sila pumunta eh",sagot sa akin ni Kate.

"Ang alam ko sabi ni Enzo kanina pupunta daw sila ng bayan kasi may bibilhin daw ata sila eh",sabi ni Airah.

"Okey wala kasi siya nasabi sa akin  eh kaya nagtaka lang ako kung bakit wala siya thanks sa information mga beshie",nakangiti kung sabi.

Sa totoo lang naiinis ako bakit hindi siya nagpaalam sa akin na aalis siya at kasama pa si Jam.Saka madadaanan lang naman nila ang bahay papunta sa bayan sana bumusina man lang siya para makalabas ako at malaman na aalis siya.

Nang lumingon ako nakita ko si Marco nakatingin sa akin na nakangiti.Anong problema ng lalaking ito may mood swing lang kahapon kung makatingin akala mo gusto akong suntukin ngayon naman kung makangiti wagas. Parang baliw nailing kong sabi sa sarili ko.

Thanks for reading and continuing waiting for my updates guys..
Don't forget to click the star and leave a comment..

I love you 'till endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon