My Friend's Husband

3.7K 12 0
                                    


Carol's POV-

Ako si Carol Santivanez 24 year old, call center ang trabaho, ako ang inaasahan ng family ko, lahat binibigay ko sakanila para naman makabawi ako..simula ng gumraduate ako ng college ay nag trabaho na ako, madalang nalang ako nakakauwi saamin. Masasabing isa akong mabuting anak sa mga magulang ko pero isa akong taksil na kaibigan.

Nasa buss ako ngayon papunta sa bahay ni Margaret, ang matalik kong kaibigan. Day off ko kasi ngayon sa work kaya naisipan kong dumalaw sa condominium nila ng asawa nya.

Pagdating ko dito ay sumakay ako ng elevator papunta sa 15th floor kung saan ang condo unit nila. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na ako.

Hinanap ko ang room 287 base sa text ni Marga kaya pagkatapat ko dito ay nagbell ako kaya bigla din bumukas ito at si Jonas ang nagbukas, ang asawa ni Marga.

"Magandang hapon" bati ko.. nakangiti naman syang tumango sakin saka pinapasok ako.

Pagkapasok ko nakita kona si Margaret na mukang kagagaling lang sa kusina dahil may dala syang Tray na naglalaman ng Isang pitsel ng juice at tatlong baso.

"Bessy!" Tawag ko kaya nilapag muna nya sa lamesa dito sa sala ang hawak nyang tray saka sinalubong ako ng yakap.

Kalahating taon na kaming hindi nagkita ng personal kasi mejo malayo kami sa isa't isa, dito ako sa Manila at sya naman ay nasa Bagio, sa video call lang kami palagi nagkikita at dahil sa busy sa trabaho kaya pati sa kasal nya hindi na ako nakadalo.. pero nang mabalitaan kong nandito na sila sa Manila kaya sinamantala ko ang day off ko at dito na ako pumunta matapos nya akong ayain na dumalaw at dito narin matulog kahit isang gabi lang, hindi konaman yun tinanggihan kasi miss kona sya eh.

Mejo maliit ang condo nila isang kwarto lang ang meron dito.

Mga 5pm na pala nang dumating ako dito, mejo traffic kasi sa daan isa pa 3pm na ako umalis sa apartment ko.

Tinulungan ko si Marga sa pagluluto ng hapunan namin kaya bago pa man mag 6pm ay natapos narin kaya kumain na kami, magkatabi sila ni Jonas at nasa harapan naman nila ako.. pinagmamasdan ko sila habang kumakain, bagay na bagay talaga sila, maganda si Margaret at Gwapo naman si Jonas.. sa wakas nahanap narin ng bestfriend ko ang forever nya.. habang ako, di pa masyado maka move on sa ex ko.

"Bakit nga pala kayo nagbreak ni Roland? Diba mahigit 1yr narin kayo?" sa dami naman ng pwedi nyang itanung, yan pa, kaya bigla ako napatigil sa pagnguya pero ilang segundo lang nagpatuloy ako saka sinagut ang tanung nya.

"Actually hindi naman break yung nangyari, 1month kasi kaming walang communication noong nasa Hongkong sya pero bigla ko nalang nalaman na kinasal na sya sa iba kaya naman hindi na ako nagpakatanga para habulin pa ang taong may asawa na kaya nag let go na ako." Paliwanag ko, pinilit ko wag maiyak kasi kasama namin si Jonas, nakakahiya pero kung kaming dalawa lang, siguradong humahagulgol na ako ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPG OneShot Story  (Taksil)Where stories live. Discover now