"Ate, bakit may paganito?"
Natigil ako sa paglalagay ng ketchup sa kinakain niya dala ng pagtataka. "It's your birthday today, Gideon. Kaya dinala ka ni ate rito"
The kid just widened his eyes because of confusion. "Birthday ko pala." He just chuckled. "Ang lamig dito ate, ano?"
"Hindi ba pinangako ko naman sayo na dadalhin kita rito sa birthday mo? Bukas pa 'yon pero in-advance ko na dahil may pasok ako bukas." Ngumisi ako at inasikaso ang pagkain niya. "Next time, mag-iipon ako nang marami. Pareho ko kayong dadalhin ni Shemie dito."
"Titirhan ko na lang siya, ate."
Lumawak ang ngiti ko at kinurot siya sa pisngi. Gideon is just a fourteen years old kid. Naging sila ni Shemie ang libangan ni lola dahil wala naman ako doon sa bahay at hindi nakakauwi.
"Saan ka raw susunduin ni kuya mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Sa harap lang ng gate ng school, ate. Hindi ka sasama?"
Unti-unti akong umiling. "Baka bukas na ako makauwi kasi may gagawin pa sa school, pero hahabol naman ako sa birthday mo."
Hinintay namin sa front gate si kuya para sunduin siya. Sa mismong loob lang ng CLSU and school ni Gideon kaya madali ko lang na napupuntahan tuwing may bakanteng oras o maaga akong umuuwi. He's still in his high school yet the way this kid thinks is older than I do.
Hapon na rin at palubog na ang araw. Maliit na bukid ang katapat ng front gate ng school nila katulad ng amin kaya mula rito ay kita ang mga maliit na bundok at ang araw na palubog. I don't hate sunset. I just don't like it, it feels gloomy and saddening.
"Nabusog ka ba, pate?" Inakbayan ko si Gideon na halos kasing tangkad ko na kahit apat na taong mas bata sa akin. I wish I could have more vacant days so I could play with them. Sa ngayon ay focus muna ako sa pag-aaral.
Hindi nagtagal ay may huminto na ring kotse sa harap namin. Tumayo na ako sa bench na inuupuan namin at kinuha ang bag ng bata. Lumabas si kuya sa sasakyan at sinimangutan lang ako nang pabiro. Sa Baguio siya nag-aaral para maging pulis, I noticed how his body built improved a bit because of their training.
"Tumangkad ba 'ko?" tanong niya at tumawa nang mahina.
"Hindi," diretso kong sagot at humalakhak. "Bukas na ako uuwi, kuys. Pakisabi na lang kay mama."
Tumango lang siya at binatukan si Gideon, nakailag naman yung isa. "Mmm. Ikaw, baka nagpapa-stress ka na dyan sa school, hindi ka pa naman kalbo."
"Baliw! Epalers!" Inirapan ko siya at hinagis sa direksyon niya ang paperbag nang nasa loob na ng kotse si Gideon. "Gift ko kay Gideon, pasuyo na paki-bigay nalang."
I frowned as soon as they left. Sinilid ko ang isang kamay sa bulsa ng jacket kong suot at naglakad na pauwi. May mga estudyante pa rin na lumalabas sa gate at parang marami pa ang nasa loob ng school kahit kanina pa sila nag-uwian.
Huminto ako at binagalan ang paglalakad ng mahagip ng mata ang isang pamilyar na lalaki sa waiting shed sa abangan ng jeep. Nakasandal si Yandiel sa barikadang bakal sa gilid at nakapikit ang mata. Naka-ID pa siya at suot pa rin ang uniform namin. He must be waiting for someone, I'm not actually expecting to see him here in this school.
Maglalakad na sana ako papunta sa direksyon niya pero natigilan ako nang may babaeng lumapit kay Yandiel dahilan para unti-unti siyang dumilat. Umayos ito ng tayo at hinarap ang babaeng nakasuot ng school uniform ng USHS, University Science High School. Matangkad lang ako ng kaunti sa kanya. Fourth year na siguro.
"Tapos ka na?" malumanay na tanong niya sa babae.
"Mmm. May pupuntahan ka mamaya, 'di ba?"
Napakahinahon naman nilang mag-usap. Ano ba naman yan? Hindi niya naman sinabi sa akin na may girlfriend pala siyang fourth year high school.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritualité2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...