Chapter 12: Hopelessly in Love With You

5 1 0
                                    

(Flashback)

"We can't hide things any longer from our parents. Ayoko'ng isipin nilang binalewala ko lahat ng ginawa nila para sa'kin." simula ni Rae saka tumayo at naglakad paroon at parito sa harapan, di kalayuan sa kinauupuan ni Anna habang malalim na nag-iisip.

"Yeah, They might understand pag sinabi natin agad sa kanila ang nangyari. Kaya kailangan na nating magpalit, Anna. You understand me, right?" pakiusap ni Rae saka siya nilingon.

Nag-alala at agad lumapit si Rae at nag-squat sa kanyang harapan nang makita ang manginig-nginig na nakakuyom niyang mga kamay na para bang may nasabi si Rae na ikinakatakot niya.

Inakala ni Rae na dahil ito sa takot niya kay Adam. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay bilang pag-assure na magiging matagumpay ang plano nito.

"I know Adam might suspect, he's a really smart guy after all. Their vast business empires are proofs of that. But don't worry, though we still have 2 weeks before the arrangement ends, maaari na kaming mag-decide a week before kung magpapakasal o hindi kaya ang kailangan ko lang gawin this whole week ay ang umiwas sa kanya hanggang sa ipatawag na namin ang mga parents namin for the early announcement." dugtong nito.

Hindi namalayan ni Anna ang pagbuhos ng kanyang mga luha. The memories of Adam flooded in her head. The thought of loosing Adam like that made her feel like breathing with no air. It's choking her. But how can she even tell them her feelings?

"You need not to worry. You can come with me to States next week. I know tiya Mina would be so glad to see you, Anna." wika ni Cedrick.

Tila nagising siya sa realidad. The thought of her Aunt was like a fresh breeze to her chaotic mind. Ang ala-ala ng kanyang tiya Mina ang tila nagpaalala sa kanya kung ano ang tamang gawin sa mga oras na iyon.

'Do what makes you happy. Hindi pagiging makasarili ang minsang pagsunod sa puso mo. Gawin mo ang sa tingin mo ay magpapasaya sa'yo at panindigan mo iyon. Wag mong sisihin lagi ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo kontrolado. You deserve to be happy too, Anna.' naalala niyang sabi ng kanyang tiya noong maospital ito at ma-diagnose ng Cancer na naging dahilan ng pagtigil niya sa pagkanta sa banda at pagka-depress niya dalawang taon na ang nakakalipas.

Napatitig siya at sinalubong ang mga nag-aalalang mata ni Rae.

"C-can.. Can I decline?" medyo nahihiya niyang sabi saka nagpalipat-lipat ng tingin kina Rae at Cedrick. Humugot siya ng lakas ng loob at nagpunas ng mga luha.

"Can I say goodbye to him, at least? Indirectly, of course! For maybe... Just for a few days. Or.. just one day, please?" pakiusap niyang may himig ng pagmamakaawa.

"What?" Napatayo si Rae. Hindi ito makapaniwala sa narinig.

Nagtinginan ang mga nakakunot na noong sina Cedrick at Rae saka ibinaling muli ang nagtatakang tingin sa kanya.

"You like him?" seryosong tinig ni Cedrick.

Napayuko siya dahil na rin siguro sa hiya, at dahil kahit pinagbawalan na siya ni Rae na mahalin si Adam ay di sadyang minahal pa rin niya ito. At hindi lang basta mahal, kundi tila mababaliw siya kung hindi na niya ito makikita pa! Nababaliw na siya sa pag-ibig para kay Adam!

"Are you sure, sis? I told you he will just hurt you. He might be playing with your feelings!" pagkadisgusto ni Rae at dama niya ang pagkadismaya nito. "Okay, ganito na lang. I'm sure makakalimutan mo rin siya, just trust me. Come with us to States next week. Ipapakilala kita sa mga friends ko. They might not be as handsome as Adam but I'm sure-"

"I'm sorry." wika niya saka inangat ang tingin at pinagmasdan si Rae.

Then at that moment, Rae finally understood. Anna fell deeply in love for Adam.

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon