Chapter Thirty-Eight

24 0 0
                                    


Nagising si Finn dahil sa ingay ng baboy na kinakatay. Wala na rin sa tabi niya ang Lola kaya nagpasya na rin siyang bumangon kahit alas 3 palang ng madaling araw. Kinuha niya pa ang ginamit na kumot at ibinalabal sa katawan bago bumaba, iba kasi talaga ang ginaw sa probinsya pag ganitong oras.

May mangilan ngilan ng mga tao'ng nagtutulong tulong nang makarating siya ng likod bahay. Nandon na rin si Spencer na nag aayos ng panggatong. Naalala niya tuloy noong bata pa siya. Madalas kasi sila dito sa isla at pag nandito sila, laging nag kakatay ng baboy ang Lolo nila at nagpapakain sila sa mga kapit bahay. Usually kasi birthday iyon ng Lolo o Lola nila. Those were her treasured childhood memories. Mas lalo niya tuloy namiss ang Mama niya.

(Happy Birthday Mama... I miss you po. Sana nakikita niyo kami ngayon. Kasama ko ho ang ggwapo niyong manugang. Mehehe. Mas gwapo kesa kay Papa diba? Charot lang, magalit kapa eh. Heehe)

"Anak, gatas..." napatingin naman siya sa lumapit, it was her Dad. Nung maliit pa siya, lagi rn sya ntong ipinagtitimpla ng gatas pag nagigisng siya dahil sa ingay ng biik.

"Just like the old times... Salamat Dad..."

He chuckled. "Baka magalit si Mama mo, baka raw maginawan ang tiyan mo eh."

"Haha! Lagi niya ngang sinasabi iyon..."

"Hindi naman giniginaw ang mga bakulaw eh." panunukso ni Spade. Natawa naman siya. He used to call her that nung maliliit pa sila. Funny na namiss niya ang tawag nito sa kanya noon.

"Hindi nga. Hindi naman ako bakulaw kaya giniginaw ako. Tse!"

"Then why are you here?" nahigit niya ang hininga ng may lumapit sa kanyang napaka gwapong nilalang. (Char~ sabi ni Finn...)

"Nakakatakot mag isa sa bahay 'no." The Spencer she's looking at now ay ibang iba sa Spencer na nakasanayan niya.

His hair is a mess, walang wax o spray na laging nakalagay sa buhok nito for his CEO look. Naka sando at shorts lang din ito ngayon na ewan niya kung saan nito nakuha dahil hindi ito nagsusuot ng mga ganung damit, idagdag pa ang suot nitong tsinelas. He look so simple yet sexy. He looks refreshing. Ewan niya ba pero kahit siguro sako ng bigas o cellophane na pang basura ang suotin nito ay gwapo parin. Ganun ka unfair ang mundo.

"What?" tanong nito habang inaayos ang pagkakabalabal sa kumot niya.

"Wala. Okay ka lang? Banat na banat ka sa trabaho rito."

"Ayos lang. Everything is new but I can manage. Infact, I'm a bit scared kasi mukhang nagugustuhan ko ang mga ganitong bagay."

"Bakit ka naman matatakot?"

"Kasi baka gustuhin kong mamuhay ng ganito tapos iwan mo 'ko."

*smack* "Sira. Sa tingin mo, pera ang habol ko sa'yo?"

"Hindi ah. So you would still come with me if I decided to stay?"

"Sira ulo 'to. Oo naman. Ano gusto mo?"

"Asus! Eh hindi nga makatulog 'yan simula first night sa dami ng lamok eh. Stay pa ba?" tukso ni Jayce kaya pnandilatan siya ni Spencer. Sa apat na araw nila rto sa isla ay mukhang nagkaroon na ng progress ang friendship nila (kuno, ayun lang kay Jayce).

"Hindi ako nagreklamo."

"Hindi nga pero paburu-baliktad ka naman. Hindi kami makatulog dahil sa'yo eh."

"Hahahahahahah!"

"You really wanna fight huh?"

"Hahahahahaha!"

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon