CHAPTER XXXII

7.5K 139 2
                                    

Sabay-sabay umalis ang magkakaibigan para sa flight nila pa Vigan. Matapos ng mahabang diskusyon patungkol sa lugar kung saan sila dapat na pumunta ay Ilocos Sur ang napili nilang puntahan, mas trip kasi ng ilan ang maglalakad lakad at ang mag roadtrip sa mga magagandang tourists spot sa Vigan City.

"Go love, ako na muna bahala sa mga gamit mo" Usap ni Mikha sa nobya nitong kumuha ng video para sa gagawin niyang vlog. Tumango naman si Aiah at hinalikan na muna si Mikha bago ipagpatuloy ang pagvivideo niya.

"Dre, nakausap mo na ba si Matthew? Tinatanong niya kasi kung kailan balik mo ng Siargao" Usap ni Colet ng makalapit siya sa kaibigan. "Tawagan ko na lang siya mamaya" Sagot ng dalaga.

"Tara na guys, nandiyan na yung nirentahan nating sasakyan" Tawag ni Stacey sa mga kaibigan niya. Agad naman nagsisunuran ang magkakaibigan at isa-isa rin sumakay ng sasakyan.

"Pagdating natin sa hotel, magpahinga ka muna kahit saglit, ako na lang bahala mag ayos ng gamit natin" Usap ni Aiah sa kaniyang nobya. "Pero —-

"Walang pero pero, magpapahinga ka sa ayaw at sa gusto mo, wala ka pang pahinga captain" Seryosong usap ni Aiah. Napanguso na lang naman si Mikha kaya agad din itong hinalikan ni Aiah. "Para sayo rin to" Seryosong usap ni Aiah sa nobya. "Alam ko" Sagot ng dalaga at hinalikan din ang kaniyang nobya. "Thank you, My Queen" Nakangiting sabi pa niya sa kaniyang nobya.

Lingit naman sa kaalaman ng magnobya ay nakikinig sa kanila ang kanilang mga kaibigan, hindi nila maiwasan mapangiti dahil sa tuwang nararamdaman. Buong akala kasi ng magkakaibigan ay hindi magmamahal ang isang Mikha Lim, isang Mikha na walang ginawa kundi ang sisihin ang kaniyang sarili sa isang bagay na hindi naman niya ginusto.

"Dito na tayo, love" Usap ni Mikha sa natutulog na si Aiah, inangat naman ng dalaga ang ulo niya mula sa balikat ng nobya at kinusot kusot ang kaniyang mga mata. "Gutom na ako" Nakangusong sabi ni Aiah, natawa naman si Mikha kaya hinalikan nito ang labi ng dalaga. "Okay, okay, kakain na kami ng prinsesa ko" Energetic na sabi ni Mikha kaya natawa pati na rin ang mga kaibigan nila.

Pagkakain ay umakyat na sila sa kani-kanilang mga kwarto. Mapagdesisyon kasi nilang sa hapon na lang lumabas at magpahinga na lang muna pare-pareho.

"Go, matulog ka na muna saglit, ayusin ko lang mga gamit natin" Nakangiting usap ng dalaga sa kaniyang nobya, tumango naman si Mikha at hinalikan na muna ang noo ng nobya bago tuluyan mahiga sa kanilang kama. "Tabihan mo ko pagtapos mo ah" Pahabol pa ng dalaga. "Yes Captain" Sagot naman ni Aiah.

Nang matapos si Aiah ay agad din siyang lumapit sa natutulog niyang nobya, napangiti na lang ito ng titigan niya ang mukha nito atsaka humiga para magpahinga na rin. Awtomatiko naman pumulupot sa bewang niya ang kamay ng dalaga at hinila rin siya palapit rito.

——————————————
AIAH'S POV

Nagising ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na tawag galing sa cellphone ko, agad ko naman kinuha ito para sagutin kung sino man yung istorbong tumatawag na yon.

"Taray naman bo, talagang dumayo pa kayo ni Mikha ng tulog" Biglang bungad sa akin ni Sheena sa linya, tinignan ko naman kung anong oras na at laking gulat ko ng makitang mag aalas tres na ng hapon. 

"Mag aayos lang kami bo, baba na rin kami maya-maya bye" Sagot ko at binabaan na siya. Sigurado naman akong tatalak lang yon.

"Love, captain, gising na, hinihintay na nila tayo sa baba" Gising ko kay Mikha, tumango naman siya at ngumuso para manghingi ng halik, binigay ko naman ang gusto niya at agad ding tumayo sa kama namin.

"Una na akong maligo ah, ayos na rin naman susuotin mo" Usap ko pa sa kaniya tsaka kinuha ang susuotin ko. "Opo" Sagot niya at tumayo na rin sa kama.

Pagkapaligo ko ay sumunod na rin siya kaya agad-agad din ako nag ayos ng sarili ko. Napangiti naman ako ng makita ang cellphone ni Mikha na ako ang wallpaper. Ang daming magagandang FA, pero wala e, sa akin nahulog.

"Done na" Biglang usap niya ng makalabas na siya ng cr, nareceive naman ulit ako ng tawag kay Sheena kaya agad kong sinagot yon.

"Diyan na lang ba kayo?" Iritang tanong niya sa akin, natawa naman ako kaya agad agad ko rin sinenyasan si Mikha na magmadali na.

"Pababa na ho, bye love you"  Mabilis lang na sabi ko at kinuha na ang mga dapat kong dalhin.

"Let's go" Yaya niya at awtomatikong kinuha ang kamay ko. Pagbaba namin sa lobby ay sumalubong sa amin ang nakabusangot na si Sheena.

"Sungit" Natatawang asar ni Mikha kay Sheena "Panigurado naman akong ganito rin magiging reaksyon mo kung hindi pa kayo nitong si Aiah" Biglang usap ni Sheena "E kaso kami na e" Proud na proud na sabi niya, natawa naman kami habang nag apiran pa silang tatlo ni Colet at Jhoana.

"Libre na lang kita mamaya" Paglalambing na ni Mikha kay Sheena "Dapat lang no" Sagot ni Sheena at hinila na kami ni Stacey palabas ng hotel para makaalis na kami. "Saya niyo ah" Natatawang sabi ni Stacey habang pabalik balik ng tingin sa amin ni Felix. "Konting ingat bo, medyo mahirap ang sitwasyon" Paalala ni Sheena, tumango na lang naman ako at iniba na lang ang topic. Ayokong masira tong bakasyon na to dahil lang sa pag ooverthink at takot.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon