prologue

6 1 7
                                    

If may mali man sa grammar and something, pasensha na bb aq
~~~~~
"Alizeah" basa ko sa pangalan ng painting na nasa harapan ko.

It's a beautiful painting of a girl dancing under the rain. Magandang imahe ng dalagang nakangiti habang sumasayaw sa ilalim ng malakas na ulan, Walang pakialam sa paligid, malayang iginagalaw ang mga kamay. Ramdam na ramdam ang lamig ng larawan. Too many emotions, too much joy, too much love.

Tumingin ako sa ibabang parte ng larawan, nakita ko ang isang anino ng lalaki na kinukuhanan ng litrato ang masayang babae.

"Hala ayan na ang ulan, Zyair may payong ka ba jan?"

"Oo, bilisan mo na mag lakad para di tayo maabutan ng ulan"

Kahit anong bilis ng lakad namin hindi parin iyon aabot para makarating sa mga bahay namin. Inilabas ni Zyair ang payong niya at sabay kaming nag lakad. Hawak niya ang balikat ko upang mag kasya kami sa isang maliit na payong niya.

"Ano ba yan Zyair wala naman kwenta yang payong mo nababasa ka parin naman"

"Hindi na iyon mahalaga bilisan mo nalang"

"Hindi baka mag kasakit ka, Kasalan ko pa. Hawakan mo tong bag ko tatakbo nalang ako"

"Ay hindi ako nalang ang tatakbo"

"Kulit mo naman eh, alam kong sakitin ka kaya ako na"

Wala ng paalam at ibinigay ko na sakanya ang ang bag ko at nag pabasa sa ulan.

"Zeah balik ka na dito, mag kakasakit ka din jan"

"Okay lang, Masaya mag pabasa sa ulan!"

Hinayaan ko siya at patuloy lang sa pag lalakad sa ilalim ng malakas na ulan, binuksan ko ang mga kamay ko at sabay inikot ang mga ito, Wala akong maramdaman kundi ang saya at ulan. Isinayaw ko ang mga bewang ko kasabay sa pag patak ng ulan. Matagal ko itong ginawa ng maalala ko so Zyair

"Ang cute mo namang sumayaw Zeah" sabi nito habang naka tutok ang kanyang camera saakin.

"Tigilan mo nga yan" pinatay niya ang camera niya at nginitian niya ako.

Ang ganda ng mga ngiti niya... Mga ngiting isang babae lang ang nakaka kita at nakakaranas.

Bumalik ako sa aking katinuan ng may biglang mag salita sa gilid ko.

"Kamukha mo siya" saad ng lalaki sa tabi ko.

"Ako siya, pero mas malaya at masaya siya" nginitian ko ang lalaki bago ako umalis sa tabi niya.

-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

As Endless as Forever (Rain Series #2)Where stories live. Discover now