Chapter Thirteen

3.8K 155 8
                                    

SUKO NA si Anya. Akala niya ay puwede pa niyang sagipin si Ryan sa kinasasadlakan nito. Nakahanda siyang kalimutan ang mga pinagdaanan nito at tanggapin ang buong pagkatao ng lalaki. At the back of her mind, naniwala siyang puwedeng bumangon si Ryan at mamuhay nang malinis. Handa pa siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Pero nabigo siya. Kung kailan siya nagkalakas-loob na puntahan ang lalaki sa pinagtatrabahuhan nito ay saka naman siya sinampal ng katotohanang malayo ang agwat ng kanilang pagkatao. Kitang-kita kasi ni Anya si Ryan na may iba na namang kasama— hindi matrona o typical na bading kundi isang may-edad na lalaki. Isang D.O.M. pa ang kasama niya! Nagimbal talaga ang dalaga sa nasaksihan.

Inakbayan pa iyon ni Ryan at masuyong tinulungang makasakay ng taxi. Naisip nga ng dalagang sundan ang dalawa pero nanaig ang kanyang natitirang pride. Para ano pa nga namang sundan pa niya sina Ryan, obvious na naman ang lahat. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi na niya masasalba ang lalaki sa trabaho nito dahil wala na itong pakundangan kung pumatol kung kani- kanino. Sinisisi tuloy ni Anya ang sarili kung bakit siya nasasaktan nang ganoon. Masyado kasi akong naniwala sa mga napapanood ko sa romantic movies. Gusto niya ring sisihin ang sarili kung bakit pa niya naisipang gumawa ng documentary—nagka-leche-leche tuloy ang buhay niya. Pakiramdam niya, sa maikling panahon ay nagbago ang mundong ginagalawan niya.

Masyado na akong nagpakababa dahil sa isang lalaking hindi naman karapat-dapat. Pati sarili ko hindi ko na rin kilala. Umiiyak na nagpahatid sa taxi ang dalaga. Makakalimutan din kita, Ryan, aniya sa sarili.

HINDI MAKAPANIWALA si Ryan nang mapagmasdang mabuti ang cartographic sketch na nabuo ng kanilang artist, base sa description na ibinigay ni Morgan. Pamilyar na pamilyar ang mukha ng lalaki at hindi siya maaaring magkamali.

“Are you sure this is the guy?” Inilapit pa ng binata ang naturang sketch kay Morgan na noon ay nakakaupo na sa kama. Tumango ito.

“Yes, I am pretty sure. I can remember the guy's features,” walang kakurap-kurap na sagot nito. Nasa tabi ni Morgan si Jay, ang tunay nitong lover.

“Very well, then.” Sinenyasan ni Ryan ang isa niyang kasamahan na bitbitin ang iginuhit ng kanilang artist. “We will get back to you as soon as possible,” paalam niya.

“Nail the guy, okay?” ani pa ni Morgan. Hindi siya sumagot. Lumabas na siya ng silid nito at nagdere-derecho hanggang sa makasalubong si Anya sa hallway. Nagkagulatan pa silang dalawa.

“Anya...” Unang nakapagsalita ang binata. Gusto na niyang yakapin ang babae pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang maraming tao at nakakahiya kapag nagwala ito at masampal pa siya.

“Dinalaw mo pala ang lover mo,” anito sa sarcastic na tono. Ikinakunot iyon ng noo ni Ryan.

“What?” Magtatanong pa sana siya nang biglang sumenyas si Bruce na nauna na sa kanya ng kung ilang hakbang.

“Pare, bilisan mo. Nasa office na daw si Sir!” sigaw pa nito.

“Anya, gusto sana kitang kausapin ngayon but I am running late. May aayusin lang akong mga bagay-bagay. Importante kasi talaga ito.” Hinawakan ni Ryan ang magkabilang balikat ng dalaga. “I promise to make it up to you pag natapos na ito.” Mabilis niyang ginawaran ng isang halik sa noo si Anya at saka tumakbo sa kinaroroonan ni Bruce.

TULALA si Anya. Si Ryan ba talaga ang nakita niya at nakausap? Pakiramdam niya, ibang tao ang nakaharap niya at hindi ang nakilala niyang macho dancer.

Ano ang gusto nitong sabihin? At ano ang importante nitong inaasikaso? Saglit na nakalimutan ng dalaga ang sama ng loob sa binata. Mas nanaig ang kanyang curiosity kung bakit ganoon ang mga kilos ni Ryan.

At sino naman kaya ang kasama nitong lalaki? Hindi macho dancer ang mga iyon, hindi rin naman mukhang gay lover. Mas bagay ang mga iyon na gumanap na goons! Nakita pa niyang sumakay ng kotse ang lalaki at seryoso ang expression ng mukha nito. Naguguluhan man ay ipinasya ng dalagang dumerecho na sa kuwarto ni Morgan. Sasabihin niya sa Filipino-Canadian na hindi na niya itutuloy ang paggawa ng documentary. Pakiramdam kasi ni Anya ay napakaraming hadlang sa mga balak niya. Naisip niyang baka hindi pa talaga panahon para gumawa siya ng isang makabuluhang video presentation. Saka na lang siguro, kapag may mas magandang pagkakataon na.

Nakita ni Anya na wala namang nakabantay sa labas ng kuwarto ni Morgan kaya tumuloy siya. Natigilan siya nang makitang may ibang kasama ang dayuhan at magka-holding hands pa ang dalawa.

“Anya, I'm glad you're here! Come in, please!” Nagliwanag ang mukha ni Morgan pagkakita sa kanya. Itinuro nito ang isang bakanteng upuan.

“Hi!” bati ng dalaga, nakatingin kay Morgan at sa kasama nito. Naisip niyang napakasalawahan naman yata ng bading na ito. Kaaalis lang ng lover nitong si Ryan, ngayon naman ay may iba nang ka-holding hands!

“I'd like you to meet Jay, the love of my life,” pakilala ni Morgan. Shocked si Anya.

Love of his life? Eh, si Ryan, ano niya? Fling kaya?

“Ikaw pala ang isa sa nagdala kay Morgan sa ospital,” narinig niyang sabi ni Jay. Malumanay ang tinig nito at halatang miyembro rin ng pederasyon. “Thank you, ha.”

Unti-unting nakakaramdam ng sakit ng ulo ang dalaga. Masyado na siyang naguguluhan. Una ay ang kakaibang kilos ni Ryan, tapos ngayon ay natuklasan niyang iba pala ang lover ni Morgan.

Kung hindi niya lover si Ryan, mag-ano sila?

“By the way, I have good news for you.” Si Morgan uli. “I think you will have a wonderful conclusion in the documentary film that you're doing.”

“What do you mean?”

“The police will probably be able to catch my assailant soon. And if that happens, then you can take a video footage of the serial killer.”

“Huh?” Napatingin ang dalaga kay Morgan. “Are you sure? How did you know?”

“The NBI agents were here awhile ago. I gave them the description of the person who attacked me and I think they have a lead as to where to find him.”

“NBI?” Akala ni Anya ay nagkamali lang siya ng dinig, pero kinumpirma iyon ni Morgan.

“Yes, they're investigating the unsolved cases of dead gays.”

“And you're telling me that they were here awhile ago?” Hindi alam ng dalaga kung bakit

biglang bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Kinakabahan siyang hindi niya maintindihan.

“Oh, yes. They just left about five minutes before you arrived,” kaswal na pahayag ni Morgan. Wala itong kaalam-alam na nanlalamig na ang buong katawan ni Anya.

“D-do you know their names?” halos bulong na lamang iyon. “I can only remember this one particular guy—Agent Laureno.” Tila nagliwanag ang mukha ni Morgan nang may maalala. “You know him, right? You saw him in this room some time ago. And he recognized you.”

“A-agent... Laureno?” Hindi na halos makapagsalita ang dalaga. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid at anumang oras ay matutumba siya.

“Yes, Agent Ryan Laureno. That's his name.” Tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha ni Anya!

AGENT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon