Chapter seven
NANG makita ni Dustin ang kamukha ni Christine, pilit niyang pinasok sa kanyang isip na hindi maaaring buhay si Christine.
Gano'n na ba talaga siya ka lasing para makakita ng kamukha ni Christine?
Para ma-komperma, kaagad niyang sinundan ang babaeng kanina lang ay papuntang dance floor. Hinawi niya ang bawat taong madadaanan para hindi mawala sa kanyang paningin ang kamukha ni Christine. Ngunit bigo siyang napasabunot sa buhok.
“I’m really crazy to look for the woman who will never come back." asik niya sa sarili bago naglakad pabalik sa VIP room.
"Looks like, you want a woman in bed tonight, honey?" saad ng babaeng kalalapit lang sa kanya.
"Sorry, but I don't want to." straight forward niyang saad sa babaeng bakas sa mukha ang panghihinayang.
Kinuha niya ang suitcase na dala pati na ang cellphone bago lumabas sa bar na hindi nakapag-paalam kay Fevie.
KINABUKASAN maaga pa lang pero pumasok na si Dustin sa trabaho. Pilit na iwinaglit sa isip ang nakikitang kamukha ni Christine. Hanggang ngayon hindi siyang makapaniwalang sinundan niya ang babaeng 'yon. Hindi pa siya ganoon ka lasing, pero ang utak niya ay parang baliw na. Paniguradong karma iyon sa kanya dahil sa pagpapahirap niyakay Christine noon.
"I hope to go back to the past and I will do what is right," napahilot si Dustin sa kanyang sintido. Kailangan niyang mag-concentrate sa ginagawa dahil ipapasa pa iyon mamaya. "Bernadette, Bring me some coffee here." tawag niya sa kanyang secretary na kaagad namang tumalima sa kanyang utos.
Isinara niya sandali ang laptop. "Sunog na ang katawan ni Christine nang dumating ang rescuer's. But even so, Christine’s death could not be changed." tumayo siya. Tanaw mula sa kinaroroonan niya ang mga tao sa baba. Busy ang lahat sa mga kaniya-kaniyang ginagawa. Ngunit parang katulad ng kagabi, nakita ulit niya ang pamilyar na pigura ng babae. "No, it can't be." bulong ni Dustin sa sarili. "Pwede kayang buhay siya? Pero paanong ngayon pa siya magpakita matapos ang limang taon niyang nawala?"
Curiosity really kills him. Kunot na kunot ang noo habang patuloy na sinusundan ng tingin ang babae. Hindi niya masyadong maaninag, pero ang kilos at galaw, hinding-hindi siya magkakamali na si Christine iyon.
"Sir, here's your coffee." saad ng secretary niya na nasa may hamba ng pinto.
Saglit siyang lumingon. "Just put it there." aniya. Ngunit nang mapatingin ulit siya sa baba, hindi na ulit niya nakita ang kaninang tinitingnan. "Damn! Hindi ko na nakita." nagtangis ang bagang na tiningnan niya ang secretary. "I said, just put it there. Then, you leave. LEAVE!" matigas niyang saad na napasabunot pa sa buhok.
It's Christine! And for the second time, he lost sight of the woman again.
Nababaliw na siya, pero kailangan niyang pa-imbestigahan ang nangyaring aksedente limang taon ang lumipas.
"Sir," napalingon siya kay Bernadette. Nanatiling nakatayo sa kinaroroonan nito kanina.
Si Bernadette lang talaga ang secretary ni Dustin na nagtagal sa kanya kahit palagi siyang galit. And Dustin was happy that the Secretary did not leave, dahil sawa na siyang papalit-palit.
"And what else do you need? " napapikit niyang turan. Dala na rin sa inis.
"May meeting kayong naka-schedule mamayang 1:00 pm. At naghihintay na ang client sa labas ng office mo."
Kumunot ang kanyang noo. "Anong oras na?"
"12:45 po, Sir." nag-aalangang sagot ni Bernadette.
"Then, Tell that client that they can only come in at what time is scheduled. Now, you can leave." strikto nitong saad.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...