Chapter 6

392 7 1
                                    

Enjoy reading~<3

Brooklyn Ash

Hindi ko maiwasan hindi tumaas ang kilay sa nakikita sa mismong harapan ko.

"Oi" pukaw saakin ni Lj
Bumaling ako sakanya habang nakataas pa rin ang kilay na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit nakataas ang kilay mo ah? May problema ba? Sino bang tinitignan mo dyan?" Aniya at tinignan ang tinitignan ko kanina na ikinairap ko.

Sinong hindi mapapairap kung kanina lang hinalikan niya ako 'tapos ngayon iba naman ang kaharutan niya. Walanghiya Stephen 'to, napaka!!!! Iritang sambit sa isip. May kasalanan ka rin naman dahil tumugon ka sa halik niya, sabi ng isang bahagi ng utak ko. Yeah right!!! Napapairap kong sambit sa isip.

"Bago lang iyong staff na iyon, 'di ba?" Aniya habang nakatingin sa katabi ni Stephen, isa pa iyan eh kebago-bagong staff pa lang humaharot na. I nibbled my lower lips out of irritation, I'm not jealous or what! Sadyang hindi ko lang matanggap na hinalikan ako ng isang, ano bang tamang itawag sakanya? Maharot? babaero? Playboy? Chickboy?, ay basta iyon na iyon.
"And I heard na siya rin iyong kahalikan niya sa parking lot, at ngayon feeling ni gurl nakabingwit siya nang malaking isda." Napapailing na sambit ni Lj habang nakahalukipkip.

Alam kong hindi lang kami ang nanunuod sa kanila ngayon sa kaharutan nila, I mean si gurl lang naman iyong salita nang salita at tumatango-tango lang si Stephen at minsan tipid na ngingiti. Pasimple rin itong si Stephen eh, pero noong naghalikan sila sa banyo grabe sa pusok e.
Ganoon ka rin naman niya hinalikan ah, biglang sambit ng isip ko na ikinairap ko na naman at dahil nakatingin ako kanila Stephen ay saktong bumaling siya sa gawi namin at nakita ang pag-irap ko na hindi ko ikinabahala dahil naiirita na naman ako sakanya.

"Tara na nga." Yaya ko kay Lj at hinila na siya papunta sa mga glam team namin.

"Bakit ang sama ata ng timpla mo ngayon BA?" Takang sambit niya
Umupo ako sa upuan kaharap ng salamin at humalukipkip. Buti na lang inusog ang call time namin dahil umalis saglit ang photoshoot director namin kasama ang representative ng clothing company na imomodel namin ngayon. Kaya may oras pa akong irelax ang sarili ko sa irita ko kay Stephen.

Pagkatapos ko siyang iwan kanina sa sasakyan niya ay dumiretso ako sa banyo at nagkulong ng ilang minuto roon para ayusin ang nawindang kong sarili sa nangyari. Pero pagdating ko rito kanina iyon yung bumungad saakin. Ang walanghiya gusto lang ata akong isali sa listahan niya ng mga babae eh.

"Masama lang gising ko Lj." Tugon ko sakanya na ikinasingkit ng mga mata niya.

"Bakit ganoon mo sila tignan kung ganoon?"intriga niyang sabi

"Wala lang iyon." Sabi ko
Magsasalita pa lang siya nang maghagikhikan ang mga staff sa gilid namin.

"Ang gwapo talaga ni Francis, tignan mo abs pa lang hhmm."
"True sis hehehe, walang tapon kain lahat goshh."
"Ligawan ko ata si madam para sa anak niya ehehehe."
"Hindi na kataka-taka na maganda ang lahi nila tignan mo nga si miss Brooklyn atsaka si miss Kendall na nakasama natin sa first photoshoot niya. Walang tapon sa lahi nila mga besh, mapunta lang saakin ang isa sa mga lalaking Cruiz, ok na ako ahahah."
"Oy grabe ka ahahah, baka marinig ka ni miss Brooklyn."

Napailing ako sa mga narinig na normal na lang saakin, marami ngang nahuhumaling saamin lalo na sa mga lalaking Cruiz. Hindi ko sila masisisi, dahil kahit si Lj nga na bestfriend ko hindi nakaligtas sa kamandag ng Cruiz kaso nagloko silang parehas ni Brooke kaya naghiwalay din. I didn't tolerate what they did but its their lives, so what I can only do is to advice them.

Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa IG, bumungad saakin ang topless na si Francis na ikinairap ko dahil wala atang araw na hindi nagpopost ito na nakatopless kaya si tita Franceska ay naisstress na sa panganay niya.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon