CHAPTER XXXIII

7.6K 169 2
                                    

MIKHA'S POV

Dahil anong oras na kami nakaalis sa hotel na tinutuluyan namin ay mas pinili na namin ang mga tourists spot na madali na lang puntahan dito sa Vigan. At ang first stop nga namin ay dito sa Bantay Church Bell Tower.

"Kaya naman pala favorite dating spot to ni Diego at Gabriella Silang e, ang ganda" Biglang usap ni Aiah sa tabi ko habang nililingon niya ang buong Bantay Church Bell Tower. May nakapagsabi kasi na ito raw ang paboritong puntahan nila Diego at Gabriella Silang during the 17th Century.

"Ang tragic lang ng love story nila" Malungkot na sabi pa niya. Well, alam naman natin na may pagkatragic nga talaga ang love story ni Diego at Gabriella dahil sa huli, iniwan pa rin ni Diego si Gabriella, Napatay kasi si Diego Silang ng kaibigan niyang si Miguel mula noon ay si Gabriella Silang na ang pumalit sa posisyon ng asawa niya bilang isang heneral.

"Mukhang hindi ko kakayanin makita kung paano patayin ang asawa ko tas itutuloy yung nasimulan niya na naging dahilan ng pagkamatay niya" Seryosong sabi niya, natawa naman ako at pinisil ang dalawang pisnge niya.

"Huwag mong istressin sarili mo, love" Natatawang sabi ko habang hawak hawak pa rin ang mukha niya "Dahil gaya ni Diego mahal na mahal rin kita gaya ng pagmamahal niya kay Gabriella" Usap ko sa kaniya at hinalikan ang noo niya "Ang pinagkaiba lang, siya heneral, ako kapitan" Natatawang dagdag ko pa, inis naman niyang hinampas ang balikat ko "Baliw ka talaga" Usap niya, natawa na lang naman kami parehas at tinuon na ulit ang pansin sa lugar.

Kinagabihan ay sa labas na kami naghapunan malapit sa lugar kung nasaan ang huling destinasyon namin ngayong araw. Ang Plaza Salcedo, dito matatagpuan ang mga nagsasayawan ilaw at masasayang tugtugin.

"Okay na siguro to kay Stacey, kakatapos lang naman din natin kumain e" Biglang sabi ni Jhoana ng matapos siyang umorder ng ensaymada at inumin para sa kanila ni Jhoana.

"Hindi ka pa sure sa limang ensaymada na dala mo ah" Natatawang sabi naman ni Colet. "Parang hindi niyo rin naman kilala yan kaibigan niyo, sa limang to, isa lang yung akin" Napapailing na sagot naman ni Jhoana. "Alam niya kasing mabilis ang metabolism niya kaya kahit anong kain niya alam niyang hindi siya tataba" Dagdag pa ni Jhoana.

"Tara na, baka naiinip na yung tatlo ron" Yaya ko sa kanila. Iniwan kasi namin yung ibang girls sa isang bench dito sa plaza para bumili ng mga kakainin namin. At gaya nga ng sinabi ng kumander ko, dalawang ensaymada lang ang kaniya dahil busog pa siya sa mga kinain niya kanina. Hindi ko rin alam kung paano naging ganoon kasexy tong girlfriend ko kahit minsan may pagka matakaw haha

"Thank you" Todo ngiting pasasalamat niya ng iabot ko sa kaniya ang dalawang ensaymada niya. Binuksan ko naman muna ang bottled water na binili ko bago ko iabot din iyon sa kaniya.

"Love, share na tayo rito sa isa oh" Alok niya sa akin ng huling ensaymada niya. Umiling naman ako at hinalikan ang noo niya. "Busog pa ako, love. Ang dami mong nilagay na pagkain sa plato ko kanina e" Nakangusong sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya at pinagpatuloy na ulit ang pagkain sa ensaymada niya.

"Nga pala, nakahanap ka na ba ng lugar para sa next trip mo?" Tanong ko sa kaniya tsaka uminom ng tubig. Umiling naman siya at pinulupot ang kamay sa braso. "Gusto ko sana mag bali indonesia tayong dalawa kaso busy sched mo, next time na lang siguro roon tsaka baka kami na lang muna nila Stacey tsaka Sheena ang magtravel, ibig sabihin, no Colet, no Jhoana at no Mikha muna" Usap niya, napatango na lang naman ako at inayos ang buhok niya

"Oh god, sana may flight ako non para hindi kita masyadong maisip" Natawa naman siya atsaka hiniga ang ulo niya sa balikat ko. "2 to 3 days lang naman yon, love" Pagpapagaan pa niya ng loob sa akin. "Ang tagal naman" Nakangusong sabi ko kaya natatawa niyang hinampas ang binti ko.

"Nagmahal ka ng travel vlogger e" Natatawang dagdag pa niya. Natawa rin naman ako. "Nagmahal ka rin naman ng piloto" Nakangiting sabi ko. "Okay lang, sa akin pa rin naman uwi mo" Proud na proud na sabi niya atsaka tumayo at sumayaw na para bang nasa bar. Sabay naman kaming natawa ganon din ang mga kaibigan namin

"Bago ka lang dito?" Tanong niya sa akin na para bang talagang nasa bar. "Ahm no, I'm with my baby" Nakangiting sagot ko sa kaniya. "Okay good" Biglang seryosong sabi niya, natawa naman ako kaya natatawa niya rin hinampas ang balikat. "Ibig sabihin pag iba sinagot ko, maiinis ka nanaman?" Natatawang tanong ko sa kaniya. "Aba! natural" Natatawa ring sagot niya.

"Bo! Nagtext sa akin si Mommy Amanda, hindi mo raw sinasagot mga text niya" Biglang usap ni Sheena kay Aiah. Taranta naman tinignan ni Aiah ang cellphone niya sa bag niya at doon nakita ang napakaraming text at tawag ng mommy.

"Shit!" Biglang usap niya, agad naman siyang tumayo palayo at tinawagan ang mommy niya.

"Don't worry, about sa family outing lang namin yon, nakalimutan na niya yata" Pagpapakalma ni Sheena sa akin, nginitian ko lang naman siya at umiwas ng tingin.

Sa totoo lang, sa tuwing nababanggit niya ang pamilya niya ay hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman, kung tutuusin ay kaming dalawa lang talaga dapat ang iniisip ko pero hindi rin naman maalis sa akin na pamilya niya pa rin yon at alam ko, na kahit anong laban ko, sila at sila pa rin ang pipiliin ni Aiah sa huli. Sana lang talaga ay hindi na kami umabot sa punto na kailangan pa niyang mamili dahil alam kong bibitawan niya ako at kailangan ko rin bitawan ang kamay ng taong mahal ko. Umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat para sa amin ni Aiah. Na matanggap nila ang piloto na tulad ko at ang relasyon namin ni Aiah. Ayokong magaya kay Romeo at Juliet ang lovestory namin. Masyadong tragic, hindi bagay sa mga taong totoong nagmamahalan.

"Loveee!" Tawag niya sa akin habang pabalik siya sa tabi ko. "Hmm? Kamusta?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo na siya sa tabi ko. "Nakalimutan kong may outing nga pala family ko at family ni Sheena, tinatanong ako ni mommy kung naasikaso ko na ba yung mga dapat asikasuhin don, pinaubaya na kasi nila sa akin yung paghahanap ng resort kasi nga ako yung mas may alam patungkol sa ganyan mga gala kaysa sa kanila, yung nga lang nakalimutan ko, hindi rin naman pinaalala ni Sheena sa akin yung tungkol don" Nastress na kwento niya sa akin, tumango naman ako at humarap sa kaniya

"Tulungan kita makahanap ng mga resort pag uwi natin sa hotel, para makapagbook ka na rin para wala ka ng problemahin" Nakangiting suhestiyon ko sa kaniya, tuwang-tuwa naman siyang tumango at niyakap ako. Paanong hindi mo mamahalin ang isang 'to, kung sa maliit na bagay pa lang ay okay na siya, na masaya na siya.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon