Pakibasa po ng iba ko pang story. She Married the Stranger at A Perfect Lovestory. Salamat po :)
KERK.
February 4, 1997
Para sa minamahal kong Terra,
Magandang Araw.Kamusta Terra? Ngingiti ka na naman kasi may panibago akong sulat. Sige, ngiti kana. May camera ang sobre na hawak mo kaya nakikita ko kung ngumingiti ang simple mong mukha pero..nagbibiro lang ako. Hindi ko kayang palagyan ng camera ang papel. Parang sayo, hindi kita kayang lapitan kahit na alam kong kaya ko naman.
Umuulan ngayon, nasa bintana ako habang pinagmamasdan ang pagtulo ng patak ng ulan sa salamin ng aking bintana. At sa bawat pagtulo nito, ikaw ang iniisip ko. Tinatanong ko lang ang sarili ko. Kung bakit hindi kita kayang kausapin o malapitan man lang samantalang isa ka lang ordinaryong babae. Bigyan mo naman ako ng sagot sa tanong ko. Ang totoo, nalulungkot ako sa kalagayan ko ngayon. Kinausap ko nga ang kaibigan ko tungkol sa nararamdaman ko pero ayokong sabihin sayo ang sagot niya. Mahihiya lang ako.
Noong lunes na umaga, nung kumukuha ka ng p.e uniform mo sa iyong locker dumaan ako sa likod mo. Nalanghap ko pa nga ang iyong pabango pero syempre, alam kong hindi mo ako mapapansin. Tapos sinundan kita sa gymnasium, magaling ka palang sumayaw? Nakikita ko kasi ang grace sa bawat paggalaw mo. Kapag nagkita na tayo, turuan mo akong sumayaw hah. Promise mo 'yan.
Sana bukas o makalawa maabot na kita. Sana bukas may sagot kana. At sana, maramdaman mo ang presensya ko tuwing lumalapit ako sayo.
Umaapaw na pagmamahal,
JunnIbinalik ko na ang sulat sa box matapos ko itong basahin atsaka humilata sa sofa at ang unan ko ay aking kamay. Tinitigan ko ang ceiling ng kwarto at isang patak ng tubig na nagmula sa mata ko ang tumulo.
* * *
KERRA.
"Anong nangyari? Nakausap mo ba anong sabi?" Excited kong tanong pagkarating ni edward sa cafe na lagi naming pinupuntahan.
"Ang pangalan niya ay kerk."
"Kerk? Anong apelyido?" Nagkibit-balikat lang siya pero okay na 'yun atleast nalaman ko ang pangalan niya atsaka infairness..bagay ang pangalan namin. Kerk and Kerra! Wow. Inside of my imagination was me walking in the aisle while he was waiting for me in front of the altar.
"Bakit ka tumatawa?" I came back to reality when he asked me. Hindi ko sasabihin na nag iimagine ako na ikakasal ako, baka batukan lang ako neto e.
"Oh hayan, ang favorite mong vanilla coffee. Nilibre ko 'yan sayo dahil nakuha mo ang pangalan ng crush ko. Yehey! Confetti! Confetti!" Inirapan niya lang ako. Ang sungit talaga ng bestfriend ko. Lumipat ako ng upuan at tumabi sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Oh? Bakit namumula ang minamahal kong bestfriend? Wag mong sabihin, hindi ka pa rin sanay na nanghahalik ako kapag ako ay masaya?" Inirapan niya lang ulit ako.
"Lumipat kana nga sa upuan mo. Ayaw kitang katabi." Mataray niyang sabi kaya bumalik na ako sa aking upuan at baka itapon pa ako nito sa kaduluhan ng earth.
"Bakit ba ang taray mo na naman? Hindi ka pinansin ng crush mo? Sino ba siya? Sabihin mo sakin dali at ilalakad kita. Kakaibiganin ko din ang crush mo." Imbis na sagutin niya ako ay tumayo siya at iniwan ako. Ano bang problema nitong bestfriend ko?
Sinundan ko siya at buti nalang naabutan ko pa.
"Edward." Sambit ko pero hindi niya pa rin ako nililingon. May makakasalubong kaming anim na lalaki at lahat sila'y nagsisigarilyo.
"Edward." Wika ko ulit subalit hindi pa rin siya lumilingon sakin hanggang sa lumagpas na sila samin at malanghap ko ang usok. Napaupo ako bigla habang hawak-hawak ang aking dibdib na sumisikip,
"Miss..anong nangyayari sayo?" Tanong ng lalaki sakin pero sa paglalakad lang ni edward ako nakatingin. Tumingin siya sa likod at nakita niya ako, nagtatakbo siya papalapit sakin.
"K-kerra. May gamot ka bang dala diyan? Nebulizer? Ano? Anong dala mo." Natatarantang tanong niya. Ang pagtatanong niya ngayon ay parang ako na nagtatanong sa kanya kanina. Concerned ako sa problema niya pero hindi niya ako sinagot kaya ang nagawa ko nalang ay umiling-iling bilang sagot.
"Baka kailangan na siyang dalhin sa hospital." sabi ng lalaki na nagtanong sakin kanina pero tinulak siya ni edward.
"Hindi ka namin kailangan. Umalis kana." Galit nitong sabi atsaka binuhat na ako ng aking bestfriend subalit sa nakikita ko ay sumusunod samin ang lalaki. Hindi ko masyadong maaninaw ang mukha niya dahil sa nanlalabo kong paningin subalit sure akong ito ay si kerk. Tandang-tanda ko pa ang boses niya noong nagkausap kami sa hospital. Napangiti nalang ako atsaka tuluyan ng pumikit ang aking mata.
+++++++++++++-
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover