Chapter 13

1.1K 44 0
                                    

KERK

Nagising ako sa pag-agingit ng pinto. Pumasok si Nancy dala ang ang writing board niya. Napahilot ako sa aking noo habang nakahawak sa bewang. Ngumiti siya sakin.

"Magpapahinga muna ako dito saglit. Nakakapagod 'yung matanda sa kabilang kwarto. Kung ano-ano ang hinihingi sakin at ako naman binibigay ko kaya eto..bagsak." bumagsak siya sa sofa na pinaghigaan ko kanina. Saglit siyang napatingin kay Terra.

"Ohmy! Nakita mo ba 'yun? Gumalaw ang kamay niya! Gumalaw!" Masaya niyang sabi at lumapit siya kay terra.

Napangiti naman ako sa sinabi niya kahit hindi ko nakita. Malay natin totoong gumalaw ang kamay niya.

"Joke lang! Hahaha. Hindi ko nakitang gumalaw ang kamay niya. Pinatatawa lang kita. Ang mukha mo kasi parang pinagsakluban ng langit at lupa. Buti naman at tumawa kana." Napasimangot ako sa kanyang sinabi. Akala ko totoo na.

"Pinagtitripan mo ako kasi pagod ka. Tsk. Diyan ka nalang muna. Bibili lang ako ng kape na maiinom natin. Nahihiya ako sa bisita." Natawa lang siya sa aking sinabi ko at bago umalis ay itinago ko ang box sa drawer katabi ng kama ni Terra.

Pagkarating ko sa pinakamalapit na cafe ng hospital, nakita ko ang babaeng napaupo sa kalsada hawak-hawak ang kanyang dibdib. At sa nakikita ko'y nahihirapan siyang huminga. Lumapit ako sa kanya at tinanong..

"Miss..anong nangyayari sayo?" Tanong ko pero sa naglalakad lang na nakatalikod na lalaki siya nakatingin. Para bang naghihintay siyang bumalik ito. Tumingin sa likod niya ang batang lalaki at nagtatakbo ito papalapit sa kanya.

"K-kerra. May gamot ka bang dala diyan? Nebulizer? Ano? Anong dala mo." Natatarantang tanong ng batang lalaki. Teka? Ito yung batang nakabanggaan ko kanina tapos nakipagkilala sakin at matapos makuha ang pangalan ko ay nagtatakbo na paalis. Umiling-iling ang batang babae bilang sagot.

"Baka kailangan na siyang dalhin sa hospital." singit ko pero tinulak niya ako.

"Hindi ka namin kailangan. Umalis kana." Galit nitong sabi sakin atsaka binuhat ang babae subalit sumusunod ako sa kanila. Baka hindi makayanan ng batang lalaki e ako nalang ang magbubuhat. Ngumiti sakin ang babae at sa ngiti niya ay napakunot ang noo ko. Parang siya rin yung tinulungan ko dati. Nahihirapan siyang huminga tapos nawalan siya ng malay. Kumakain pa nga ako ng lugaw nun eh.

Pagkarating namin sa hospital, agad siyang sinuri ng doctor. Nilagyan siya ng swero ng nurse. Hinawakan ng batang lalaki ang kamay niya atsaka umiyak.

"Sorry, kerra. Please, gumising kana. Sorry, kasalanan ko ito e. Nagmatigas akong hindi kita pansinin. Nagtatampo lang naman ako. Wala kana kasing ibang bukam-bibig kundi ang crush mo. Gumising kana please..graduation pa natin bukas. Magiispeech ka pa sa harap namin." Wika niya.

Tumayo ako sa paanan niya at ilang sandali lang ay nagising na din ito. Ngumiti siya sakin atsaka tumingin sa katabi niyang lalaki. Magkasintahan kaya ang dalawang ito?

"Bati na tayo?" Wika niya atsaka tumango ang lalaki. Aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ng babae..

"Salamat po sa pag-aalala." Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit kay edward.

"Wag mo siyang pakakawalan o pababayaan..at kapag nangyari 'yun. Magsisisi ka sa huli. Alagaan mo siyang mabuti." Paalala ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat at bumalik na ako sa kwarto ni Terra..

"Where is your coffee? Invisible?" Tanong niya pagkapasok ko.

"Hindi ako nakabili..kasi yung babae nakita kong nahihirapang huminga e kaso tutulungan ko sana, dumating si edward."

"Edward?" Tumango ako at mabilis siyang lumabas ng kwarto. Baka kilala niya si Edward. Baka kapatid, pinsan o pamangkin.

Lumapit ako kay terra at napatingin ako sa kamay niyang gumalaw. Di nga? Totoo? Namamalik mata lang ba ako? Hindi nagbibiro? Gumalaw talaga kamay niya? Di nga?

Sa sobrang saya ng nararamdaman ko..para akong nanalo sa lotto na sa sobrang tiyaga sa pagtaya ay napanalunan ko ang 2nd prize. Mananalo lang ako ng grand prize kapag gising na siya.

+++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon