Chapter-42(Edited)

1.1K 29 7
                                    


Araw-araw pading bumibisita si Clifford ngunit hindi sya pumapasok sa loob ng kwarto ko,araw-araw din syang nagpapadala ng mga bulaklak, chocolates at kung ano-ano pa na natatambak lang sa gilid ng kwarto dahil hindi ko naman ito ginagalaw.

"Nasa labas na naman sya,pinapabigay nya ito sayo." sabi ni Mom sabay abot ng isang bouquet ng rosas at isang malaking teady bear.

I just look at it with my bored eyes,"Ilagay mona lang sa gilid kasama ng iba pang binigay nya,Mom." tumango lang sya saka inilapag sa gilid ang mga ito.

Pagkalapag ni Mom sa malaking stuff toy ay bigla itong tumunog kaya agad akong napalingon dito na nakakunot ang noo, ganon din si Mom na parang nagulat dahil sa narinig.

"I'll never give up till you forgave me,Wife. I love you,I always do. I know you still don't want to see me,kahit pa gustong gusto na kitang makita ay pinipigilan ko ang sarili kong ipilit. Pagbibigyan muna kita sa ngayon ngunit hinding hindi ako lalayo. Isang pader lang ang pagitan natin ngunit pakiramdam ko ay ang layo-layo mona saakin. I wanna kiss and hug you tightly. I want to smell your natural scent,I wanna feel your presence. I miss you,Wife."

Naluluha ako ng marinig ko ang boses nya mula sa stuff toy na binigay nya. Pinalagyan nya ng recorded voice ang loob nito.

I don't want to admit it but damn,I miss him so much.

Kung iisipin ay pwede pa sana namin itong ayusin eh. Ako yung hindi nya mapaniwalaan dati pero ngayon ay sya na ang humihingi ng tawad. Sa totoo lang ay hindi naman na nya kailangan humingi ng tawad dahil sa may kasalanan din ako. Hindi ako galit sa kanya,nasasaktan lang ako.

Siguro dahil na rin siguro sa pagod ko sa mga sakit na naramdaman ko dahil sa kanya kaya mas pinipili ko na lang na mapal yo ako sa kanya.

I love him but I don't want to be hurt again.

Sa bawat araw na lumilipas habang tumatagal ay mas lalo akong nakaramdam ng pagka ulila sa kanya. Ilang beses ko ding pinigilan ang sarili kong lumabas o ang papasukin sya lalo na pag may ipinapadala syang kung ano anong bagay sa loob ng kwarto ko.

Gustong gusto ko ng mayakap sya ulit pero pag naiisip ko yung mga sakit na naranasan ko sa kanya simula noon ay parang nagiging bato ako.

Pagkatapos ng isang lingo ay pinayagan na din akong lumabas ng hospital at gaya nga ng sabi ni Mom ay sa bahay na ako uuwi.

Nang nasa malapit na kami ng bahay ay nakita kong naka park sa harap ng bahay ang isang sasakyan na pamilyar saakin.

Inalalayan ako ni Mommy sa pagbaba ng sasakyan. I'm wearing a white beach dress instead of maternity dress. May kaluwagan naman ito kaya hindi bumabakat ang maliit na umbok nang tyan ko.

Nang nakababa na ako ay sya namang paglabas ng lalaking nasa loob ng sasakyan. Sa una ay napasinghap ako sa gulat kahit pa naisip kong posibleng sya nga iyon.

Kinunutan ko lang ng nooo si Clifford habang naglalakad sya palapit saakin.

"Wife, please umuwi na tayo. I miss you so much at hindi ko na kayang mapalayo sayo. Ikakabaliw kong isiping mawawala ka na ng tuluyan saakin." nagsusumaong wika nya habang naangingilid ang kanyang mga luha.

"Please,umaliis kana. Ayaw ko ng muling makita pa kita dito!" madiing kong sabi na ikinasinghap nya.

Natigilan ako ng bigla syang napatingin sa tyan ko kasabay ng tuluyang pagtulo ng kanyang mga luha, napapikit sya ng mariin saka umiling. Tinakip nya ang mga kamay sa kanyang mga mata kasabay ng pagtakas ng ilang hikbi nya dahil sa pag iyak.

Napaiyak na lang din ako dahil sa nakikitang sakit sa kanya,gusto ko syang yakapin para maibsan man lang kahit kaonti ang sakit na kanyang nararamdaman ngunit pinigilan ko ang saili ko.

Pagkatapos ng ilang saglit ay kumalma na din sya," I need you,Wife. Please,come back to my arms."

"Let me go." malamig kong wika.

Napatango tango sya saka napabuntong hiniinga.

"Alright... I'll let you for now,I won't stop until you're mine again." tinanguan kona lang sya saka sya nilagpasan sa kanyang kinakatayuan kahit pa hindi ko naintindihan ang huling linyang sianabi nya dahhil halos pabulong na lang ito.

Pagkatalikod ko sa kanya ay pakiramdam ko tuluyan na syang nawala saakin. Pinunasan ko ang ilang butil ng hula na pumapatak mula sa mga mata ko bago ako tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

Dumeretso ako sa dati kong kwarto,napapikit ako habang dinadama ko ang malambot na kamang dati kong hinihigaan.

Bumalik lahat nang alaala ko sa kamang hinihigaan ko ngayon,kung pano ako gumulong gulong pag kinikilig ako habang kausap sya sa telepono at kung pano ako magtalukbong ng kumot sa tuwing nagkakatampuhan kami.

Muli kong naalala yung naging reaction nya kanina,ang sakit na makita syang ganon ngunit wala akong magawa kundi panoorin sya dahil natatakot ako na pag muli akong napalapit sa kanya ay hindi ko mapigilang bumalik sa bisig nya at muling masaktan.

Paglipas ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok kaya umidlip na mula ako. Gusto kong magpahinga muna sa lahat.

Hapon na ng magising ako,nagtungo muna ako sa veranda para makalanghap ng preskong hanging. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang sasakyan ni Clifford di kalayuaan sa bahay,naka sandal sya dito habang nakatingin mismo sa parte ng kwarto ko. Agad na nagtama ang paningin namin kaya dali-dali akong pumasok na sa loob at isinara ang pinto.

Huminga muna ako ng malalim para makalma ang sarili ko bago ako nagtungo sa kitchen para makakain.

Pagkatapos nang nangyari kanina ay hindi ko inaakalang mananatili padin sya,ang akala ko ay umalis na sya ng tuluyan kanina.

"Aling Zenya," tawag ko sa pinaka matandang katulong namin.

"Bakit, Ma'am?" agad na tanong nya pagkalapit saakin.

"Pakilabasan si Clifford sa labas at pakisabing umalis na po."

"Ah si Clifford po ba? Pinapaalis pa sya kanina nila Ma'am pero ayaw po talagang umalis kaya hinayaan na lang nila."

"I see,thankyou po."

Kung ganon kanina pa sya pinapaalis pero ayaw nya? Bakit? Ang akala ko ba ay lalayuan na nya ako,napaka gulo nya.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now