"So, let's start with the date. When's your preferred date for your wedding?"
Miss Rhio, the wedding planner, asked. Sabi ni Kuya, noong nagpaalam pa lang daw si Donny sa kanila na magpo-propose na siya sa 'kin ay kinausap na raw agad ni Ate si Miss Rhio. Ganoon siya ka-advanced mag-isip!
Nilingon ko saglit si Donny kaya napalingon din siya sa 'kin. Noong lumingon naman siya ay binalik ko ang tingin kay Miss Rhio na naka-upo sa tapat namin.
"Uh, let's say, 3 months from now? Enough na po ba 'yung 3 months for all the preparations?"
Ayoko namang mangarag sina Miss Rhio kasi kokonting time lang 'yung preparation nila. Gusto ko, everybody happy. Ganern!
Tumango si Miss Rhio sa 'kin habang nakangiti. "Yes, 3 months is enough."
Nilingon ko ulit si Donny na tahimik lang sa tabi ko. Ano 'to? Kasali ba 'to? Hello, dalawa kaming ikakasal!
"Ikaw ba? Kailan mo gusto?" tanong ko. Baka mamaya, may gusto siyang specific na date. Okay lang naman sa 'kin.
Ngumisi siya sa 'kin. Pakiramdam ko, wala na namang matinong isasagot 'to.
"Kung ako ang tatanungin, bukas na agad!"
Sinasabi ko na nga ba! Hinampas ko nga sa braso!
"Seryoso kasi!"
"Seryoso naman ako!" pakikipagtalo niya pa. "Kung pwede nga lang, mamaya na agad, eh!"
"Hay nako! Ewan ko sa 'yo!" sabi ko sabay irap.
Natawa si Donny bago tumingin kay Miss Rhio. "3 months is fine, Miss Rhio. Tho, gusto ko talaga na mamaya na agad. But I want to give her the most beautiful wedding she deserves. So, yeah, 3 months is fine."
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o itatago ko ang kilig ko? Kaya siguro hindi siya nagsasalita masyado. Kahit noong tinatanong ko siya noon kung anong gusto niyang motif or something, hindi siya sumasagot nang maayos. Hinahayaan niya akong mag-decide sa lahat ng details ng wedding namin. Because he wanted to give me the most beautiful wedding I deserves. Hah, our wedding will be the most beautiful wedding for me as long as he's the groom. That's all that matters.
"Okay, 3 months from now... it's January," sagot ni Miss Rhio habang nakatutok sa hawak niyang iPad. "Any specific date in mind?"
"10!" sagot namin ni Donny. Natawa pa kami. Syempre, birth date namin 'yun, eh!
Natawa rin si Miss Rhio habang may sinusulat sa notebook niya. "Okay, January 10 it is."
Sunod naming pinagusapan ay ang venue. Donny and I both wanted an outdoor wedding. Kaya hindi na nahirapan si Miss Rhio sa part na 'yun.
"Gusto mo sa Switzerland, 'di ba?" tanong ni Donny.
Natandaan niya pa pala 'yun. Noon ko pa sinabi sa kaniya 'yun na gusto ko sa Switzerland magpakasal. Pero naisip ko, kahit hindi na sa Switzerland, basta outdoor. Inisip ko rin kasi 'yung mga guests. Hindi naman lahat ay may free time para pumuntang Switzerland. At least, kapag dito sa Pilipinas, makakapunta ang halos lahat kahit dadaan lang or makikikain. Eat and run sila, ganoon!
"Dito na lang sa Pilipinas."
Kumunot ang noo ni Donny. "You sure?"
Tumango ako. "Oo." Hindi na rin naman mahalaga kung saan, basta siya 'yung nasa altar. Charot, si Father pala 'yung nasa altar.
Lumapit nang bahagya si Donny sa 'kin. Akala ko naman kung bakit. May ibubulong lang pala. "Sa Switzerland na lang tayo mag-honeymoon."
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Miss Rhio. Hindi naman niya siguro narinig 'yung sinabi ni Donny kasi busy siya sa pagsusulat sa notebook niya. Binalik ko ang tingin ko kay Donny na nakangiti nang nakaka-asar sa 'kin.