D

231 4 0
                                    

"Yung ex ko kasi."

Napa-ngisi naman siya. Abnormal pala to ah. Nagawa pa niya akong ngisihan? Ang sakit sakit kaya!

"Alam mo, Rebecca. Hindi mo na dapat iniiyakan yang ex mo eh. Past mo na yan," sabi nya. Parang ang dali-dali namang gawin!

"Ganun ba yun kadali? Ang hirap kaya!"

Tumigil yung jip. Nasa UST na pala kami. Sabay kaming naglakad ni Joshua papasok ng campus. Habang naglalakad kami, tinuloy namin yung pag-uusap namin kanina.

"Wag mong isipin na mahirap mag-move on, kasi kapag iyon yung iniisip mo, mahihirapan ka talaga." Napa-isip ako sa sinabi niya. Oo nga naman no? Mahihirapan ka talaga nun. "Tsaka bakit mo iiyakan yung ex mo? Kaya nga ex diba? Dapat i-eks mo na sila sa buhay mo. Ganito kasi yung pag-iisip ng ex mo. Ihalintulad natin sa saging. Kapag nakain na yung laman ng saging, itatapon na lang yung balat. Parang sa pag-ibig. Kapag nabusog na siya sa pagmamahal mo, itatapon ka na lang niya sa tabi-tabi."

Ang sakit naman. Ganun ba talaga yung tingin sa akin ng ex ko? Tingin na lang ba niya sa akin, isang balat ng saging? Napasibangot na lang ako.

"Pero sa oras na may makatapak sayo, madudulas siya at unti-unting mahuhulog para sayo."

"Grabe ka ring mag-isip ah! Saan mo ba pinanghuhugutan yang mga sinasabi mo? Sobrang lalim kasi eh," sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Wala akong pinanghuhugutan," sabi niya. Sa lagay na yun, wala pa siyang pinanghuhugutan nun?

Nakadating na kami sa building ko. "Sige Joshua. Mauna na ako. Eto na kasi yung building ko eh. Kita kits na lang ah."

"Sige. Ingat!"

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon