N

135 6 0
                                    

Lord, sana po maging ok na po ang lahat. Sana po, isang araw, gumising na po ako nang kahit makita ko siya paglabas ko ng condo, wala na pong sakit akong nararamdaman. Sana po, maging masaya siya sa bago niyang girlfriend, at tulungan niyo po akong maka-move on. Sana po, mahanap ko na tin yung the one ko. Alam ko po, marami akong request. Pero sana po, dinggin nyo pa rin po kahit papaano. Salamat po, Amen.


Nandito kami ngayon sa Antipolo church.  Naiiyak nanaman tuloy ako.

"Wag kang iiyak ah," sabi ni Joshua. Bakit ba lagi siyang nakangiti? Sa sobrang radiant ng ngiti niya, mahahawa ka na lang din eh.


"Paano ba ako hindi iiyak? Eh naiiyak ako eh," sabi ko.


"Ano naman ba ang rason ngayon?"


"Ang sabi niya kasi sa akin, papakasalan niya ako dito. Sabi niya na lagi lang siyang maghihintay sa may altar. Hihintayin niya ako. Ako namang si tanga, naniwala naman sa mga sinabi niya. Ang sakit lang eh."


Natahimik lang kaming dalawa. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda dito! Ang sarap balik-balikan. Feel ko, at home ako dito.


"Sabi nga ng iba, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan."


Noong nilingon ko siya, nakangiti pa rin siya. Pero sa likod ng ngiti niya, kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata niya.


"Bakit ba ang lalim ng mga pinanghuhugutan mo?" tanong ko.


"Dahil nangyari na sa akin yan. Isang araw, mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero naglaho din ang lahat. Pag-gising ko, hindi na niya ako mahal. Kaya iyon, iniwan niya ako. Bakit ba kapag wala na silang nararamdaman para sayo, iniiwan ka na lang?"


"Kasi siguro..." ang hirap mag-isip ah. "Hindi ko alam. Bakit ba?"


"Kaya ko nga tinatanong sayo eh. Siguro ito yung isa sa tanong na better left unanswered. Yun siguro ang tanong na ikaw mismo ang hahanap ng sagot."


"May tatanong ako sayo," sabi ko. "Pero wag kang tatawa ah. Tsaka bigyan mo ako ng disenteng sagot."

Ngumiti siya at tumango.

"Sa tingin mo, mahirap ba akong mahalin?"

Tiningnan niya ako sa mata. Hindi ko masabi kung ano ang iniisip niya. Ano kaya yung iniisip niya?

"Hindi ka naman mahirap mahalin. Mabait ka naman. Maganda, maayos ka namang manamit. Wala naman akong nakikitang masama sayo eh."


"Eh bakit niya akong nagawang iwan?"


"Sa ex mo yan itanong. Pero ang tanga naman niya para iwanan ka. Kasi sa nakikita ko ngayon, kahit nasasaktan ka, nagagawa mo pa ring mahalin siya. Hindi niya alam kung gaano  kalaki ang sinayang niya."


Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Sobrang madami ka nang alam sa buhay ko. Mag-kuwento ka naman tungkol sa iyo."

Noong una, mukhang nag-aalinlangan pa siyang ikuwento sa akin. Pero sa huli, kinuwento pa rin niya. Mag-tatatlong taon na sila nung girlfriend niya. Sobrang in-love na in-love siya sa girlfriend niya, until one day, araw ng anniversary nila ay nakipag-break yung girlfriend niya with the typical reason, It's not working out. Pero excuse me? Three years na sila, tapos it's not working out pa rin? Ano to, joke time?

"Pero ngayon, nagsisimula na uli akong magmahal ng isang magandang babae," sabi niya habang nakatingin sa akin. "Food trip tayo!"

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon