NAKAKAINIS na lalaki. Ang sarap niyang tirisin tapos ipakain sa mga buwaya sa Crocodile Park!
Kumikibot-kibot ang bibig ni Cherry habang isa-isa niyang ipinasok sa likod ng sasakyan ang mga pinamili niya sa supermarket. Pag-aari ng papa niya ang sasakyang iyon. Iyon din ang nagsisilbing service niya habang nagbabakasyon siya sa San Agustin.
Nang maipasok niya lahat ng kanyang pinamili ay pumasok siya sa sasakyan at tumapat sa manibela. She slammed her fist on the steering wheel. Nagpakatanga na naman siya dahil kay Lee. Imagine, with matching paluhod-luhod pa ito sa kanya para lang ligawan siya and yet he stood her up on their supposed first official date? Walang abiso. Walang apology. Walang kahit na anong explanation itong binigay kung bakit hindi ito sumipot kahapon. Only to find out that he spent his day with another woman.
"Huwag na huwag kang magpapakita sa 'kin ngayon, pangit ka! Baka mabalatan kita ng buhay sa sobrang inis ko sa'yo!" kausap niya sa sarili.
Pinaandar niya ang sasakyan. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa bagong supermarket siya namili. Medyo mataas ang location niyon kumpara sa iba. May attraction kasi ang supermarket na iyon. May ilang coffeeshops at restaurants ang nakatayo malapit roon na overlooking sa siyudad. She wanted to try one of the restos kaso nagbago ang isip niya nang magkita sila ni Shayne kanina. Now, eating alone suddenly made her feel like a loser. Well, loser naman talaga siya. Pero masyado pang magiging emphasized ang pagiging loser niya kapag mag-isa siyang kumain. So she decided to go home. She paid the parking fee and sped away.
Gustuhin man niyang ipaharurot ang sasakyan ay hindi pwede. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait dahil lang niloko siya ni Lee. Ayaw niyang sayangin ang buhay niya so she slowed the car down. Kaso ilang beses na niyang sinubukang magmenor kaso hindi naman sumusunod sa kanya ang sasakyan.
Oh my God! Huwag naman sana...
Bago siya umalis ng bahay ay na-check niya lahat. Even her father helped just to make sure the car was working as it should. Hindi niya alam kung bakit ngayon pa ito magkakaproblema. Kung kailan pababa ang daan ay saka siya mawawalan ng preno.
This can't be happening. She doesn't believe in bad luck but that's what she is currently feelings right now. Kahit kailan ay hindi niya inisip na pagdadaanan niya ang ganito. Things like these happen on the movies or in the news. It would always be another person behind the wheel who was careless or was an amateur in car maintenance but not her. She never imagined to be the one behind the wheel and going crazy and dazed because her car was speeding as if a race car driver had been maneuvering it.
She knew she would only last for a few minutes before she would slam the car somewhere or hurt someone and hurt herself in the process too.
Mas lalo siyang ginupo ng takot.
"Keep calm. Pray. Oh my God! I have to pray. There has to be a miracle somewhere," kausap niya sa sarili.
Lord, alam ko pong mali. Kaso parang ang daya-daya ng mundo. Yung taong boyfriend ko na sana ay hindi sumipot sa usapan namin. So technically, I don't have an official suitor and I definitely am not getting any boyfriend. Plus this car is going crazy. I know you love me, okay? And I'm sorry for complaining a lot. I know I'm going to heaven when I die pero sana huwag muna today. Gusto ko pa sanang magkaroon man lang ng kabuluhan ang buhay ko. I don't want to constantly chase a man just to love me...
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 3: My Amazing Grace COMPLETE
EspiritualBakit kung kailan sumuko ka na sa pag-ibig ay saka bumabalik ang mga taong dahilan kung bakit ka naging bitter? Kung kailan tanggap mo nang walang forever ay saka naman darating ang lalaking mangangako ng higit pa sa forever? Bakit kung kailan akala...