CHAPTER VIII ME DAY

40 1 0
                                    

=Joey’s PV=

Sino ba nagpauso netong Me Day na to? Sino pa eh di ang napakorni kong kaibigan na si Thirdy. Hmmm. What’s so special with the Me Day? Me day naman is nothing special kasi akala kasi ni Thirdy nagseselos ako sa so-called “BDAY” nila. Kaya aun. Gumawa din siya ng Me Day namin originated from the concept of Me Time daw. Me Day namin is just a regular day wala nga lang ung ibang boys. Catching up day na rin siguro sa mga events namin especially now na di kami magkaschoolmate. First time to nangyari kaya I am expecting na madami sakin ikwekwento si Thirdy.

“Alicel, kwento ka na. Dali.”

“Ako talaga? E wala naman bago sakin e. Updated much ka kaya sakin. Ako nga tong di updated sayo e. Kamusta school? Any new friends?”

“Wala rin naman bago sakin e. Habulin pa rin ako ng babae. Hmmm. Ano pa ba? MVP pa rin naman ako sa basketball. Maganda pa rin class standing ko. At Single na single and ready to mingle pa rin. Habang ung isang tao dito. Ehem, mukhang single na single but I think going to the next level.”

“Ewan ko sayo. Push mo talaga yang si Andrew.”

“SOS! Kala mo di ako updated a. May paseatmate seatmate ka pang nalalaman. Nanliligaw naba? Promise Joey boy may gusto sayo un. Lalaki ako no?”

“Yan ka naman e. Ayoko dyan sa tamang hinala mo e. Ganyang ganyan ka kay Benj. Tamang hinala din.”

“I know you more than you know yourself. Iba ngayon to. I can sense that the feeling is mutual.”

“Tingin mo? Pano ko ba kasi malalaman?”

“Gagi ka. Ako tatanuningin mo? Aba malay ko sayo. Maniwala sayong di mo alam kung gusto mo ba ung tao.”

“EH! Kadiri ka Thirdy? Ako talaga? Kinikilabutan ako sa sinasabi mo.”

“Hmmm. Alicel, seryoso na tayo. You must accept whatever your feeling right now. I mean, hayaan mong maramdaman mo yan. Wag mong pigilan. Experience mo din ang mainlove. Masaya naman siya though part na din ang masasaktan ka. Pero kung masaktan ka man. Atleast, you tried di ba?”

“NOSEBLEED. May pinaghuhugutan? Honestly FF, di ko alam kung ano talaga nararamdaman ko for Andrew. But one things for sure, di ko alam kung bakit kinikilig ako whenever he’s just around. And that seatmate thing? Di ko kasi siya matawag by name e. Parang namimilipit ung dila ko. UGH… Pede mo na kong pagtawanan pero ganun talaga e. Parang nagiging conscious pati ako whenever he’s around. Abnormal ko no?”

“HAHAHAHAHAHA. ALICEL, I think gusto mo ata talaga siya.”

“EH! Ewan ko sayo. Pero FF, ayoko pa pumasok sa ganyan. Chillax muna.” Di ko directly masabi kay FF na ayoko pang magaya sa kanya. I saw how devastated he was nung nabroken hearted siya. Nawalan siya ng time sakin. Bagay na ayokong gawin sa kanya. He’s like a brother to me and ako lang ang friend niya na babae. Sakin lang niya napapakita kung gano din siya kaweak minsan. Telling him na I don’t want to fall in love because of the pain that it would also cause will just remind him of that pain he’s still trying to forget. Ni hindi pa nga niya sakin makwento kung ano ba talaga nangyari e. 

HAPPY READING EVERYONE! :)

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon