"Sprikitik alakazim alakazam: Wordplay ng pag-ibig"

59 2 4
                                    

Itong tula na kinatha

Ay inaalay sa kanya

Binibining may mahika

Sakdal sidhi kanyang ganda

Sa mundo ko'y tinatangi

Sa 'king puso'y dumarampi

Minamahal kitang lagi

Sa buhay ko ika'y lei

Ngunit paano magagawa?

Kung may balakid oh sinta

Katunggaling alibugha

Asta sa aki'y uubra!

Ako'y hayaang mauna

Ako sa kanya'y bibira

Lalabag sa aking sekta

Itutudla itong pika

Pakakainin ng papel

Buto'y magsisilbing shrapnel

Ngipin ay bala sa baril

Ako'y hindi na hihimpil!

Hindi pa dyan nagtatapos!

Dahil dugo ko'y naglipos!

Hanggang puso ay umungos

Pahihibikin s'yang lubos!

At gagawin ko yan aba!

Sa kung sinong eeksena

Magsama man nang batalya

Pluma ang aking adarga

Kaya 'wag nang eepal pa!

Ako'y walang pang-andukha

Ito'y hindi mababata

Humarang sa aki'y giba!

At darating ang araw na

Ika'y mapapasakin na

Hindi ka na luluha pa

Panata ko sayo sinta

Aalagaan kailan man

Ang masakta'y iiwasan

Hindi ka pababayaan

Mahal kong dyosang kariktan

Bow.

(- 8 Pantigan, 4 na taludturan, 10 taludtod)

🎉 Tapos mo nang basahin ang "Sprikitik alakazim alakazam: Wordplay ng pag-ibig" 🎉
"Sprikitik alakazim alakazam: Wordplay ng pag-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon