DEIB'S POV:
TUMITIG ako kay Taguro habang kumakain hanggang sa maubos ko iyon. Bumangon ako upang magsepilyo ngunit agad din akong bumalik sa kama at tumabi sa kaniya. Dahil nang sandaling iyon ay wala akong gusto kundi ang titigan siya. At namnamin ang masarap na pakiramdam na ganap na kaming mag-asawa. At hindi ako magsasawang gawin iyon kahit pa habang-buhay na kaming magkakasama.
( That part is obviously from the original story of hih the epilogue. I just took it so im sorry )
Tanghali na nang magising ulit kami ni taguro. Sabay kaming bumaba at dumeretso sa hapag-kainan, ang lahat ay nandoon na at mukhang kami nalang ang hinihintay.
"Good morning," bati namin sa kanila.
"Good morning!" bati din nila sa amin.
"Maupo na kayo at sabay-sabay ng kumain" tinig ni heurt na kakalabas lang galing kusina habang may hawak pang mga plato.
Inalalayan ko namang maupo si taguro at ako'y naupo sa tabi nya. Tinignan ko naman isa isa sa aming mga kasama. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanilang nanunuksong tingin. Si tob ang pinaka kapansin-pansin.
"What are you looking at?" asik ko kay tob.
Natawa naman sya. "ano okay ba?" sabay taas ng kilay.
Hehehe...
Pinagkunutan ko naman sya ng noo. "Anong okay ba?!" kunyaring tanong ko.
"Sus, kunyari kapa," nakangising sabi pa nya saka tumawa, nakitawa din naman si lee, maging ang alin sa mga kasama namin ay nakitawa din.
"Ewan ko sa inyo, sinisira mo yung magandang mood ko," nakangisi ding ani ko sabay sulyap sa aking asawa ngunit wala sa akin ang kanyang paningin, nasa mga pagkain, kaya naman nilingon ko din iyon.
Doon ko lang napansing napakaraming pagkaing nakahanda sa amin. Sabagay marami rin naman kaming kakain no'n. Pulos korean food ang nakahanda, hindi pamilyar sa akin.
"Tayo na't kumain, isa yan sa mga ipinagmamalaking pagkain dito sa aming bansa. Masasarap ang mga iyan, hindi kayo magsisisi." nakangiting sabi ni more.
At sabay sabay na kaming nagsimulang kumain. Tama si more, talaga ngang masasarap iyon. Tuloy pulos papuri ang natanggap ng chef na nagluto ng mga iyon sa amin.
Napuno namin ng kwentuhan,tawanan at hagikgikan ang buong silid. Minsan pa'y pinagkekwentuhan ng mga moon ang pagkabata ni taguro. Mahilig din daw syang kumain noon lalo na't paboritong pagkain nya na daw ang nakahanda. Ang inihaw na manok.
"Natatandaan mo pa ba ang paborito mong minindal noong ika'y bata pa ha, maxpein?" tatawa tawang tanong ni mokz kay taguro.
"Hmm," ungot ni taguro na bahagyang nakangisi pa.
"Ang paborito nyang hangwa at tteok," nakangiting sabat ni president maze.
"Tama! iyon ang laging ipinahahanda ng kanyang lola sa t'wing sya ay makakakuha ng mataas ng grade sa eskwelahan. Minsan ay sobra sobra pa kaya ang iba ay naibabahagi mo pa sa iyong mga kalaro." si mokz.
"Sino nga ba iyong mga kalaro kong iyon?" tumingin naman sa kung saan si taguro na para bang nag-iisip. "tatatlo lang naman halos yung mga kalaro ko noon eh" natatawa pa nyang sabi. Ako naman ay nanatili lamang nakikinig habang kumakain.
"Si laeeima lamang ang alam kong lagi mong kalaro noon, maxpein hahaha!"
Sumimangot naman si taguro. "Tss, hindi ah!"
"Pero nga dahil alam kong matagal ka nang hindi nakakakain no'n ay ipinaghanda kita," nakangiti ngunit seryoso ang mukha ng direktor.
Nangunot naman ang noo ni taguro. Sumenyas naman si mokz sa taga-silbi. Pumasok ito sa kusina at paglabas ay may hawak na itong dalawang malaking plato, saka ito ipinatong sa gitna ng mesa.
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HER » FAN MADE «
FanfictionReminder: THIS IS ONLY A FAN MADE VERSION OF HE'S INTO HER. Nakapaloob dito ay yung kung paano lamang ipinagbuntis ni maxpein ang kanyang anak na si maxspaun, narito din kung paano nya nalamang buntis sya, kung paanong sinabi nya sa kanyang pamilya...