It's been a week simula nong huli naming pag uusap ni Keil. Hindi na ako nagbigay pa ng paliwanag or reasons kung bakit ganon ang sinabi ko. Matanda na siya, alam kong maiintindihan niya na ang sinabi ko. Hindi naman siya 'yon tipo ng taong pipilitin ka sa ayaw mo. Unang tingin palang sa kanya, alam mong mayroon siyang mabuting kalooban, just what my friends keep on telling me. And I also saw the sincerity in his eyes, nong sumagot siya. Napansin ko rin na, every time na inaasar kaming dalawa eversince na mukhang may gusto nga siya sa akin, he answered them decently. He handled the issue very well. Kahit na 'yon naman o maidudulot sa buhay ko ang ganito.
"Buti nakapunta ka." Sabi ni Yuzel sabay dampot ng bottle water at umupo sa tabi ko.
Andito kami ngayon sa building nila. Gusto niya raw akong kasabay pauwi kasi wala na raw ang lalaki niya. Nagpapractice kasi sila ngayon ng sayaw dito sa isang maliit na Auditorium. Exclusive lamang para sa club nila.
"Iniisip ko kasi kawawa ka naman."
Simple kong sagot pabalik. Lumingon siya sa akin pero nanatiling nakatitig lang. Dahil wala naman siyang sinasabi, hindi na rin lang ako nagsalita.
"Joke ba 'yon?" Bigla niyang tanong after ng ilang segundong katahimikan.
"Tatawa ba ako?" dugtong niya pa.
Hindi na lamang ako sumagot dahil alam kong mang aasar lang siya.
"Anyway, nakapagdecide ka na ba about sa pageant?" Bigla niyang tanong.
"Hmmm, hindi ako sure kong tama ba ang desisyong pinili ko." mahina kong bulong-bulong. Pero alam kong rinig niya ako.
"Hala, don't tell me on break ka pa rin? Ano ka showbiz hahaha" Pabiro niyang sabi. Pero ramdam parin sa boses niya ang disappointment.
"Sasali ako." maikli kong sagot.
Hindi ko pa nasasabi kay Pres., pero sasali ako. Feel ko kasi last ko na rin ito. Baka tamarin ako next year. O di kaya, pag 4rth year. Kasi graduating na rin kami non. For sure sobrang hectic na ng schedule namin niyan.
"Hala! true na ba yan?" masaya niyang sabi habang inaalog alog balikat ko. "Be, tamang desisyon yan. Sobrang tama. Nasabi mo na ba sa class niyo?" dugtong niya pa.
"Hindi pa. Bukas pa. Busy rin kasi."
"Okay okay. Kalaban mo yong Volleyball player na freshie."
"Oh, 'yong Lazaro?" hindi ko siguradong tanong.
"Uhuh, wow naman tanda pa hahaha know your enemy yan hahah" pabiro niyang balik.
"Nililigawan kasi ata 'yon ni Earl." Simple kong sagot kaya napasigaw si Yuzel at biglang nabilaukan.
"Okay ka lang?" tanong ko habang inaabot sa kanya ang towel niya. Hindi ko alam kung sa kanya ba. Kinuha ko lang. Nakapatong sa bag niya.
"Tangina? Legit ba? Paano nangyari? Sure ka ba? Eme eme mo lang yan no?" sunod sunod niyang tanong.
"Kailan ba ako nagbiro." seryoso kong sagot.
"Kanina." bigla niyang sagot habang nagpupunas. Napabuntong hininga na lamang ako sa sagot niyang pabalang.
"Pero, hoy, totoo ba?" tanong niya ulit.
"Close kayo ni Earl diba. Bat hindi ka sa kanya magtanong."
"Duh! Kailan pa kami naging close." maarte niyang sabi.
Minsan talaga gusto ko nalang din silang iwan. Kung may dahilan lang talaga akong maganda, pipiliin kong umalis. 'Yong walang Yuzel at Earl na kasama. Hindi na nga namin nakakasama si Alvin, kaya medyu magaan na pakiramdam ko. Pero 'yong ugali naman ng dalawa parang naging triple.
YOU ARE READING
Come Back to me (CS #2)
Fiction généraleHaliegh Navarro is a multi-tasker girl. She is consistent "DL-students" and "Pageantera". Simula ng nagkaroon siya ng muwang sa mundo binuo niya na ang kanyang mga pangarap. She focus herself on achieving her dreams and goals. For her, there's no ti...