Chapter 10

20 1 0
                                    

Chapter 10

Confuse

I woke up real early knowing that my mother will leave today. Nakahanda na sa sala lahat ng bagahe niya at inaantay na lang ang van na ipapadala ng agency nila na susundo sa kanya. Nakaupo naman ako sa sofa at sa tabi ko ay si Harper na sinadya ring gumising ng maaga para sa pag-alis ni Mama.

"Iniwan ko iyong duplicate na susi ng bahay kay Harper," pag-imporma sa'kin ni Mama. "Binilinan ko siyang palagi kang tignan dito."

Ilang ulit na siya sa pagpapaalala sa'kin ng mga bagay na gan'on. Ilang ulit na rin iyong pumasok sa isang tainga ko at lumabas sa kabila. I just can't seem to focus on whatever she's saying since I am pretty occupied with the thought that she's really leaving... today.

Matagal ko nang alam na aalis siya pero ngayong dumating na ang araw na iyon ay para bang nakakabigla at hindi ko matanggap. Kung kaya ko lang manipulahin ang lahat para lang manatili siya ay gagawin ko. Kaso hindi.

So, I really don't have any choice but to accept the fact that she's leaving me alone... for my own good and betterment.

"Kahit naman hindi niyo ako bilinan, Tita. Babantayan ko pa rin naman itong si Ari," pabibong saad ni Harper.

"Mabuti kung gan'on. Huwag mo siyang pababayaan, hijo."

My mother looked expectantly at Harper as if she's really expecting him to take good care of me. Na para bang isa akong bata na kailangan alagaan at palaging bantayan. Na para bang palagi akong gagawa ng kakulitan at kalokohan sa tuwing walang nakamasid sa'kin.

"Ma, kaya ko na ang sarili ko. Malaki na ako," giit ko.

Umiling si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Kaya nga, anak. Malaki ka na at hindi malayong magkaroon ka na ng boyfriend na itatago mo mula sa'kin."

Sumimangot ako dahil hindi ko alam kung paano napunta doon ang usapan. At hindi ko rin alam kung bakit palagi niyang ginigiit na magtatago ako ng boyfriend sa kanya.

"Kahit manliligaw pa lang, Zaria. Dapat kilala ko na," dagdag niya pa.

"Huwag kang mag-alala, Tita," singit na naman ng magaling kong kaibigan. "Babantayan ko nang maigi itong anak mo. At sisiguraduhin kong walang makakaporma sa kanya hangga't hindi mo pa siya pinapayagang magka-boyfriend."

Lantaran akong umirap sa sinabi niya. Masyado rin talaga siyang protective at masunurin kay Mama 'pag tungkol sa'kin ang usapan. I'm actuallly thankful for that knowing that at least someone really cares about me. Pero huwag naman sanang dumating sa puntong tatanda akong mag-isa dahil sa sobrang pagiging protective nila.

Ngiting-ngiting tumango si Mama. "Mabuti kung gan'on."

Nang dumating ang van na sundo niya ay tinulungan namin siya sa pagdala ng mga gamit niya papunta sa sasakyan. Nakilala ko rin ang apat na kasama ni Mama na matagal niya na umanong kaibigan. Pare-pareho sila ng agency pero magkakaiba raw ng amo na pagsisilbihan pagdating sa Quatar.

"Ma..."

Malungkot siyang ngumiti habang hinahaplos ang buhok ko. "Alagaan mo ang sarili mo, 'nak. Wala pa naman ako dito. Kapag may kailangan ka sa eskwelahan huwag kang magdalawang isip na tawagan ako. Kapag may problema tumawag ka lang. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango ako dahil hindi ko na kayang magsalita. May kung anong nagbabara sa lalamunan ko na siguradong magiging dahilan sa paghagulhol ko kapag sinubukan ko pang ibuka ang bibig ko. Hindi pa nakakatulong na nararamdaman ko na nga ang pangingilid ng mga luha ko.

"Love you, 'nak."

I gave in. Tuluyan na akong napaiyak nang marinig ko iyon mula kay Mama. She never said those words at me directly before but she always makes me feel that I'm love by her. But with her saying that directly in words... it was enough to bring tears to my eyes.

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon