PROLOGUE.💖

428 12 0
                                    

Ngayon nandito ako sa Cafe iniintay ang lalaking mahal ko, pero di kopa sya sinasagot. Bukas kona sya sasagutin tutal mahal naman namin ang isa't Isa.

Habang nag iintay ako sa kanya, may pumasok na babae mula sa entrance, hindi ko nalang pinansin.

Tiningnan ko ang oras at 10 na, ng maramdaman ko na may tumigil sa gilid ko, agad koyon tiningnan.

" May kailangan kaba Miss?." Tanong ko, umupo sya sa harap ko ng walang sabi sabi.

" Layuan mo si Kevin.." Seryosong sabi ng babae, kaya nangunot ang noo ko.

" Bakit naman? Tyaka sino kaba?."

" Hindi mona kailangan malaman kung sino ako, basta layuan mosya."

" Bakit? Hindi ako lalayo ng walang dahilan, isa pa.. Mahal kosya at ayoko syang masaktan."

" Hindi naman sya ang masasaktan, kundi ikaw." Sabi nya, kaya mas nangunot ang noo ko.

Ano bang sinasabi ng babaeng ito? Isa din ba sya sa hadlang samin ni Kevin?

" Pede bang deretsohin mona ko, kasi naguguluhan ako."

" Mabuti panga."

" So sino ka? Taga hanga din nya?." Tanong ko, pero umiling iling sya.

" Hindi ako taga hanga nya, dahil simula palang nasakit nasya." Ngising sabi nya.

" Huh? What do you mean?."

" Hindi mopa ba naiintindihan ang gusto kong sabihin? Ako ang girlfriend nya, pinag lalaruan kalang nya kaya lumayo kana, at bilang babae, ayoko ng pinag lalaruan nya ang iba pero ako ang Mahal nya, kaya sinasabi koto para lumayo kana at sya matigil na. Ayaw lang kitang masaktan kasi pareho tayong babae, kaya nararamdaman ko na sobra kang masasaktan pag umamin nasya." Sabi nya..

Bigla naman akong napa kapit sa dib dib ko, bigla kasi itong kumirot. At napa iling iling ako.

" Hinde.. Hindi nya magagawa sakin yon. Sabi nya mahal nya ko."

" Ano ba? Pinag lalaruan kalang nya, sinabi kona, girlfriend nya ko at boyfriend kosya, mag isip ka.. gwapo at sikat sya, imposible naman na mag kagusto sya sa mataba, nerdy, panget. Hindi ganong klasing babae ang type nya, so better to go away girl.." Sabi nya at tumayo na at inayos ang shoulder bag nya.

" Tingnan mo bukas, makikipag kita sya sayo, at dun nanya sasabihin sayo ang lahat, dahil sabi ko itigil nanya kundi makikipag hiwalay ako, sumunod naman sya at bukas nanya sasabihin sayo, ganon nya ko kamahal, pero inunahan kona sya para ikaw na mismo ang lumayo at di na masaktan lalo pag sya ang nag sabi. Kung di ka naniniwala, pag katapos nyong mag date ni kevin, sundan mosya, pupunta sya sa Kristopher hotel, makikita mo na tama lahat ng sinabi ko, dahil dun kami mag kikita." Dag dag panya at umalis na.

Bigla naman tumulo ang luha ko, The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl. talaga ngang napaka imposible, di ko manlang naisip yon?

The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.Where stories live. Discover now