VINA POV.
Lumipas ang mga araw at kami kami nila Ej at kevin ang mag kakasama sa school..
Minsan nakakasama din namin sila Winston at Darren, madalang ngalang si Winston kasi alam nyo na masyadong play boy ang isang yon.
" Wait lang guys.. Bibili lang ako ng tubig." Sabi ko sa tatlo, aalis na sana ako ng pigilan ako ni Kevin..
" Ako na."
" Hindi ok lang."
" Hindi ako na, ako dapat ang guma gawa nan." Sabi nya sabay takbo paalis.
Naupo nalang ako sa gilid ni Ej, si Darren naman kalapit ni Ej.
" Hindi ako maka paniwala na paninindigan yon ni Kevin." Iiling iling na sabi ni Darren..
" Di na nakakapag taka yon bro, masyadong powerful ang babaeng ito." Natatawang turo sakin ni Ej.
" Ano bayang pinag sasabi mo? Sya lang ang nag kukusa no." Sabi ko.
Nakakapag taka lang, hindi kona kailangan iutos ginagawa na nya mag Isa, pag nag kakamali sya hihingi agad sya ng punishment.. grabe taas ng energy ng isang yon araw araw..
" Huy.. ano naman yang iniisip mo?." Tanong ni Ej..
" Wala naman, nakakapanibago lang kasi, wala ng nambubully sakin. Napaka payapa na ng buhay ko." Sabi ko, bahagya naman silang natawa kaya tiningnan ko sila ng masama.
" May nakakatawa?." Taas kilay na tanong ko.
" Eh kasi naman Vina, parang gusto mopa yung binu bully kesa yung ganitong malaya kana sa mga mata nila." Sabi ni Darren..
" Hindi pako malaya, sa loob loob nila kina iinisan nila at siguro nga pina patay na nila ako sa utak nila." Sabi ko
" Hayaan mo nalang yon Vina, nandito naman kami eh." Sabi ni Ej sabay akbay.
" Psh.." Sabay tanggal ng braso nya sa balikat ko, nakakangalay kaya.
" Oh Vina.." Abot sakin ni Kevin ng pineapple juice.
" Bakit pineapple juice?."
" Ok nayan, mas masarap kasi yan inumin." Ngiting sabi nya.
" Ok.. salamat." Ngiting sabi ko at kinuha ang pineapple juice at ininom, uwaw na kasi ako.
" Uy! Darren! Kevin!." Tawag ni Winston, may kasama nanaman syang dalawang babae at naka ngiting lumapit samin.
" Ikaw talaga Winston, wala kanang pinag bago." Natatawang iiling iling na Sabi ni Kevin.
" Hahaha.. Wala ng mag babago bro, Isa pa, nag papasaya lang naman ako.. ayokong maging selfish sa sarili no." Biro ni Winston at bumaling ng tingin kay Ej.
" Hi Bro, ikaw si Ej diba?."
" Oo.. nakalimutan mona agad?." Natatawang sabi ni Ej..
" Sorry.. hahaha dami lang kasing ginagawa." Sabi ni Winston, napansin ko naman na inis na naka tingin sakin ang dalawang babae.
" Eww.. ang taba naman nya."
" Oo nga ang panget pa, mukang nerd." Rinig kong bulong nila, psh..
Napa tingin naman kaming lahat sa kapit ni Kevin na pineapple juice na sumirit at piyaot na lata.
Masama naman na tiningnan ni Kevin ang dalawang babae, Kaya nanginig ito sa takot.
" Hoy kayong dalawang babae kayo, wag na wag kayong mang iinsulto lalo na kay Vina, kung ayaw nyong magaya sa latang to ang mga leeg nyo." Banta ni Kevin, at nandidilim ang muka nya.
YOU ARE READING
The Handsome and famous guy, fall in love to the Ugly fat girl.
ФанфикIsang High school student, nakakilala ng mayaman at sikat na lalaki sa campus nila.. nag ka crush ang babae sa sikat at pinag kakaguluhan ng mga babae, pero unexpected lagi syang nilalapitan ng lalaki.. hanggang sa dumating na gusto ng manligaw ng l...