Chapter 17

50 5 0
                                    

Marka

Hindi ako nakatulog nung gabing yon,,paulit ulit na nagrereply sa utak ko ang sinabi ni kuya

Napakaimposible namang mapunta sa mundong ito si harrion! At kung sakali mang siya nga yon, ano namang kailangan niya.

Pero pilit kong iwinawaksi sa isip ko iyon at pinapaniwala ang sarili ko na hindi siya ang tinutukoy ni kuya

Limang taon na ang nakalipas, marami na ang nagbago at imposibleng maalala pa ko nun!

Kinabukasan ay nagturo akong muli sa aking mga estudyante,sa tuwing nakikita ko sila ay sumasaya na ang araw ko

Nung hapon ding iyon ay biglang nagdilim ang paligid,hudyat na may paparating na malakas na ulan,,"class I will call your parents okay,,ipapasundo ko kayo sa mga parents niyo,,kasi uulan na...stay lang muna kayo dito okay?"

"Okay po teacher!"

Makalipas lamang ang ilang oras ay isa-isa na ding nagsidatingan ang kani kanilang mga magulang

"Goodbye po teacher!"

"Goodbye! Ingat kayo ha"

"Opo teacher,,kayo rin po!"

Ngumiti ako sa kanila at isa isa na nga silang nag sialisan...

Naku! Ngayon ko lang naalalang wala kong dalang payong*grrr kaasar naman oh

Tatakbuhin ko na lang mula dito sa school hanggang sa may waiting shed,,pauwi narin naman ako kaya okay lang na mabasa

Nililigpit ko na ang lahat ng gamit ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko

"Hello? Bakit ka napatawag kiyo?"

"Susunduin kita Vannie, lumalakas na ang ulan, baka mapano ka pa"

"Huwag na kiyo..alam kong may trabaho ka pa kaya wag na,,masyado na kong nakakaabala"

"Ano ka ba Vannie,,Hindi ka abala sakin tsaka gusto talaga kitang sunduin,,delikado masyado ang panahon, sobrang dilim"

"Kiyo...okay lang ako promise,,pagdating ko sa bahay tatawagan nalang kita"

"Pero Vannie---"

"Please kiyo,,promise okay lang ako,,malapit lang namn ang sakayan rito eh mula sa school kaya makakauwi rin ako ng maaga"

*Narinig ko ang kaniyang buntong hininga..."okay Vannie,,be careful okay?"

"Promise! Sige na kiyo  ibababa ko na ito para makaalis na rin ako"

"Oh sige,,bye,,I love you!"

"Bye!"

Nang mailigpit ko na ang lahat ng gamit ko, naglakad na rin ako palabas ng silid at nagulat nang malaman na ako nalang pala ang mag isa sa paaralan,,halos lahat ng mga tao ay nakauwi na liban nalang syempre sa guard na nagbabantay sa harap ng paaralan,,

Eksaktong malapit na akong makalabas sa gate ng biglang magbrown out!

Ano ba naman yan! Nakisabay pa 'tong brown out na to!hayyy *napa facepalm nalang ako...dapat pala nagpasundo nalang talaga ako kay kiyo eh...

Nagmadali nalang akong makalabas sa gate ngunit nang malapit na kong makalabas ay may bigla na lamang humila ng braso ko papunta sa madilim na parte ng paaralan!

"Ahhhhhhh! Bitawan mo----"bigla niyang tinakpan ang bibig ko! Hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil natatakluban ito ng suot niyang kapa

"Sino ka ba?!anong kailangan mo sakin?"

Bigla niya kong isinandal sa pintuan

"Tulongggg! Tulungan niyo k----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya kong hinalikan! Halik na animo'y sabik na sabik...

"Bi-bitawan mo ko! Sino ka ba?"

Pilit akong umiiwas sa kaniyang halik ngunit kahit anong iwas ko ay hinahabol niya parin ang aking mga labi

"Kay tagal kong naghintay Vannie,,at ngayon  nasa kamay na kita, hinding hindi na kita pakakawalan pa!"

Nang marinig ko ang kaniyang boses ay bigla nalang huminto ang mundo ko...

Patuloy niya parin akong hinahalikan ngunit sa pagkakataong ito ay naestatwa na lamang ako sa aking kinatatayuan

"H-hyann?"

Tumigil siya sa paghalik at dahan dahang tinanggal ang kapa na nakatabing sa kaniyang ulo

"Miss me?"*smirk

"P-papano ka napunta dito?"

"Bakit mo ko iniwan higit limang taon na ang nakalipas?"

"Ah u-uwi na ko..."sabay pumiglas ko sa kaniya at kakaripas na sana ng takbo ng muli niya kong isandal sa may pintuan at itinaas sa aking uluhan ang aking mga kamay kaya naman lahat ng hawak ko ay nagkahulugan

Napasinghap ako ng halikan niya kong muli  at namalayan ko na lang na bumaba na ang kaniyang mga halik sa aking leeg!

Gustuhin ko man siyang pigilan ay hindi ko magawa dahil mismong katawan ko ay hindi sumasang ayon sa sinasabi ng isip ko

Habang hinahalikan niya ko doon ay naramdaman ko nalang ang kaniyang pangil kaya naman bigla akong napatingin sa kaniya!

"A-anong ginagawa mo?!"

"Don't worry my Vannie, minamarkahan lang kita..ang akin ay akin at kung sino man ang magtangka na humawak ni hibla ng buhok mo, kapalit ay buhay"

Napasinghap akong muli at nagulat ng marinig na may tumatawag sa pangalan ko malapit sa kung nasan kami ngayon!

At di ko namalayang nasa harapan ko na siya!

"K-kiyo?"

"Bat parang gulat na gulat ka Vannie? Okay ka lang,,masama ba pakiramdam mo?"

"Ha?hindi naman,,,"nagpahinga linga ako sa paligid,,nasan na si Hyann?

"Halika na Vannie,nag alala ko nang hindi ka tumawag sakin eh...ang sabi mo pa naman pag nakauwi ka na tatawag ka,,kaya sinundo kita rito"

"Siya nga pala, bakit narito ka sa madilim na parte ng paaralang ito?"

Bigla akong napatingin sa mga gamit ko! Nagulat na lamang ako ng hawak na ito ni kiyo

"San mo nakuha ang mga gamit ko kiyo?"

"Ha,,Eto ba..nakita ko to nakalapag sa sahig dun sa Isang sulok"

Kanina nagkalat yon ah,,,guni guni ko lang ba ang mga nangyari kanina?

"Let's go Vannie,,,"tumango na lamang ako at sabay na naming nilisan ang paaralan, lumingon pa kong muli dun sa pinanggalingan ko kanina, siguro nga imahinasyon ko lang ang mga iyon

Naroon na pala ang kaniyang sasakyan kaya naman agad agad din akong nakauwi at nagpaalam na kay kiyo dahil pakiramdam ko masyado  kong napagod sa araw na ito

Naghanda na ko sa aking pagtulog,,habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang aking buhok, may napansin akong namumulang  marka sa aking leeg!

Hinawakan ko ito at tinitigan ng mabuti

Saan ko nakuha i----napahinto ako dahil naalala ko ang nangyari kanina,,hindi siya imahinasyon kundi totoo talagang nangyari! Si hyann nga talaga iyon pero bakit siya narito?!

Anong kailangan niya? At kung sakaling si Harrion nga ang tinutukoy ni kuya, bakit narito rin siya?



XansetEam

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now