20. FLORENCE

278 16 0
                                    

Si Geoff ang bagong vocalist ng Midsummer. Sigurado na ako. Kung paanong nangyari yun, hindi pa rin ma-digest ng utak ko. Hindi ko talaga kasi ma-imagine si Geoff na kumakanta. Basta. Parang out of character kasi, ganun.

Pero yun nga, mukhang siya nga talaga ang bagong vocalist ng banda nila Kuya kasi wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya kasama yung tatlo. Hindi naman close yung tatlong yun sa kanya. At lalong mukhang hindi niya naman mga dati pang kakilala yung tatlo.

Hinintay kong makaalis muna sila bago ako bumalik kay Imari. Narinig ko pa ngang nagtatawanan sila at mukhang tinutukso pa nila Kuya si Geoff. Ako naman, super tago ako sa booth ng Quickly hanggang sa malampasan nila ako sabay takbo pabalik kay Imari.

Nang magkasama na kami ni Imari, sinubukan kong ikwento yung nakita ko kaso naging busy siya sa kakatext sa cellphone niya. Hanggang sa taxi pauwi sa mga bahay namin text pa rin siya nang text.

"Sino ba yang katext mo?" tanong ko na. Kanina pa kasi ako salita nang salita pero hindi ako sinasagot ng bruha. Nakatutok talaga siya sa phone niya.

"Secret," sagot niyang kinikilig-kilig pa.

"Wow ha, may ganyan ka na ngayon?" tanong ko. "Yan ba yung ka-date mo mamaya?"

Tumango siya. "Makikilala mo rin siya mamaya," sabi niya naman. "Eh ikaw, kumusta yung pag-uusap niyo ni Theo? Anong sinabi ng Intsik na yun?"

"Hindi na raw siya ang ka-date ko," pag-amin ko.

"What? Bakit daw?"

"Ewan ko ba," sabi ko na lang. "Basta hindi na raw siya. Malungkot nga siya nang sinabi niya yun eh."

"Siya yung umayaw? Eh pangarap niyang maging date ka sa Acquiantance Party?" Hindi makapaniwalang tanong ni Imari.

"Oo nga, sabi niya pa, magmo-move on na daw siya sakin..."

"Weh? Di nga?"

"Ang kulit ha, totoo nga. Kaya nga nakakaguilty din," sagot ko pa. Naaawa din kasi ako para kay Theo. Ang tagal niya akong 'niligawan' although hindi ko naman iyon kinonsider na panliligaw. May mga bagay lang talaga na kahit anong pilit mong mangyari, hindi talaga mangyayari. Gaya nung gusto ni Yheo na maging kami.

"Eh pano ka mamaya? Dont tell me wala kang date mamaya? Sayang yung Ritual Dance!" nag-aalalang tanong ni Imari.

Totoo kasi yun. Sayang yung sayaw. Isa sa mga rason kung bakit highly-anticipated every year ang Acquiantance Party sa school ay dahil sa Ritual Dance--- ito yung sayaw sa last part ng program kung saan sabay-sabay na nagsasayawan ang mga students. Partner by partner. Pinangungunahan ito ng mananalong Mr. and Ms. Enigma at kinukunan ito ng video ng Daily Enigma na pinapalabas sa buong campus bilang highlight ng mga events kaya masaya yun. At dahil kailangan mo ng partner para makasali rito, kailangan talaga may ka-date ka. Ayos lang naman kahit hindi student ng Enigma University ang ka-date mo. Pwede ring taga-REU. Dun sa school nila Kuya. Sa sobrang laki kasi ng population ng babaeng students dito sa school mahirap talaga makahanap ng date kung hindi ka maghahanap sa kabilang school. Which is why, ganun na lang kadesperada si Felicitas kay Geoff.

"May ka-date pa naman ako," sagot ko kasi parang nag-worry naman masyado si Imari. Ayoko sanang sabihin kung sino kasi maski ako hindi sure kung sino nga ba ang ka-date ko although may hinala na ako.

"Ganun kabilis, nakahanap ka na? Eh sino?"

"Si Mr. Pagong."

Matagal muna akong tinitigan ni Imari bago siya magsalita. "Wait. Mr. Pagong? You mean yung nakilala mong misteryosong guy sa flash mob dun sa REU? Yung nakakausap mo sa phone?"

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon