THIRD PERSON'S POV
Iisang sitwasyon, ibang tao. At ibang lugar.
"Doc! May dalawang 50/50 dito!" Wala sa sariling napaupo si Jared at si Prince
Hindi na nila alam ang gagawin nila
Sa kabila naman, si jennie na naghihina dahil hindi makapaniwala sa nagawa nya kanina. Hindi nya gustong patayin ang kanyang ama ngunit yun ang ang naisip nyang paraan para matapos na ang lahat. Nasa tabi nya si Yuan na inaalalayan sya
"Peste, eto nanaman tayo. Nandito nanaman tayo sa sitwasyon na to, ano to deja vu!?" Inis na sigaw ni Jicel na nag pipigil ng luha
"K-kung...pinigilan k-ko l-lang sana si lira. Kung kaya ko lang lumaban nung mga panahon na yun w-wala s-sila dito ngayon..." Nanghihina naman na sabat ni Rose na kanina pa nanginginig at umiiyak, nagalusan si Jerald kaya wala ito sa tabi nya
"Hindi, kung ako ang sumalo ng bala wala dito si Tianna. Hindi dapat sya nandito, seventh. A-ako dapat ang sasalo ng bala, ako dapat ang mag-aagaw buhay a-ako dapat ang nandon!" Hindi na napigilan ni Jicel ang luha nya, niyakap sya ni Prince kaya naman tuluyan na ngang syang umiyak
"N-nasaan si dad, diba...d-diba maayos pa yung mga bala nya?" Napatingin naman si Scarlet kay Jennie
"Bakit mo pa inaalala ang kalagayan mong diablo? Kung ako yan hinding hindi ko na sya iisipin at baka pinatay ko uli sya sa isip ko, dahil sakanya, nandito tayong lahat sa ospital. Dahil sakanya nangyayari lahat ng to, jennie. Tinalikuran nya ang pagiging ama nya sainyo ni Clarrise. Kung ama nya kayo hindi nya gagawin yan sa anak nya." Hinawakan ni Sandy ang braso
"Ate..." Bulong ni sandy sa kapatid
Ilang saglit ba, may pumuntang isang nurse
"Hello po? Kayo po ba yung mga kakilala or relatives ni Mr. Brinston San Diego?" Agad na pumunta si Jennie sa nurse saka tumango
"A-ako...k-kamusta sya?" Nanginginig na tanong nito
"Ah, nasa morgue na po sya. Inaantay nalangpo kung, i cecremate, or ilalagay po sa isang funiral home." Tuluyan na nanghina si Jennie, buti nalamang at nasa tabi nya si Yuan
"N-nasaan sya, pwede ko ba syang makita?" Tanong nito at agad naman na tumango ang nurse
"Sundan nyo po ako." sumunod si jennie doon at nag paalam naman si Yuan kila harold na sasamahan nya si Jennie
"Jansen! Nasaan si jansen!?" Kakadating naman nila Atty Cruz at ni Jessica sa ospital
"Nasaan si Jansen?" Hinihingal nitong tanong
"kasama si jerald sa er. Inaayos yung mga galos nila." Sagot naman ni Raphael
Lumingon si Jessica sa gawing emergency room at nakita nya don sila Jansen at Jerald na halos hindi maipinta ang mukha
Agad tumakbo ang dalaga sa binatang si jansen at niyakap ito
"Ayos kalang? May masakit pa ba? Nabalian ka ba---"
"Wala, a-ayos lang."
Lumingon ang lahat sakanilang dalawa na dumating, tumayo si rose at pumunta kay jerald
"K-kamusta? A-anong nangyari kila Lira?" Nangingilid ang luha nito, umiwas ng tingin si Jerald at tuluyan na ngang tumulo ang luha nito
"Sumagot kayo!! Jansen? Anong nangyari sakanila!?" Saktong sigaw ni Rose ay agad na ding lumabas ang dalawang doctor
"Kayo po yung mga kasama nila, Ms. Lira and Ms. Tianna hindi po ba?" Tanong ng isa dito at agad namang lumapit sila Jared at Prince sa mga ito
"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat ng kaya naming gawin. Hindi na po stable ang heartbeat ng dalawang pasyente pagkadating nila dito sa hospital, sa tutuusin hindi nila makakayanan na huminga pa pagkadating dito. Pero sakto po na pagka-lapag sakanilang dalawa sa higaan, agad na po silang pumanaw. Nakiki-ramay po kami." Nag pasalamat sila sa dalawang doctor at umalis
"Nasaan si lira!!" Tumakbo papasok ng ER si Jared at punong puno ng luha ang mga mata
Tumambad sakanya sa pangatlong ward si Lira na nakatakip na ang buong katawan
Lumapit sya dito at tinignan ang mukha ng dalaga
"Pasensya na, hindi kita naligtas."
"Lira...." Dumating ang mga kaibigan nila at sunod sunod ang pagtangis ng mga ito
"Naubusan sya ng dugo, kaya siguro ganon." Bulon ni sandy
"H-hindi pwede, anong sasabihin natin sa parents nya? Baka saatin sila magalit---" Agad na pinutol ni Yuan ang sinasabi ni Rose
"Na-background check na namin kayong lahat, si lira. Nakatira sya sa tito at tita nya na kinakawawa sya, namatay ang mga magulang nya dahil sa isang sunog. Scholar din sya, totoong dating doctor ang mga magulang nya at lahat ng trabaho ng angkan nya ay isang doctor. Pero kahit isa sa mga kamag-anak nya walang pakealam sakanya."
"L-lira....LIRA!!" Agad pumunta si Jennie sa tabi ni Lira at niyakap ito
Nagkatinginan sila Harold dahil ngayon lang nila nakitang sobrang nasaktan at tumangis ang matapang na si jennie
"Nasaan si Tianna, nasaan ang k-kapatid ko."
"nandon sya sa pang-limang ward." Saad naman ni Raphael dito, agad syang tumakbo at sumunod naman sakanya si Yuan
"Ang tatag nya, namatayan sya ng nanay, namatayan ng tatay, namatayan ng ate at namatayan ng bunsong kapatid. Namatay ang bawat miyembro ng pamilya nya." BUlong ni Scarlet
~*~
Moira's POV
Maswerte pa din ako dahil nabuhay ako sa kabila ng nangyari, kahit mahirap tangapin na may isang nalagas saamin. Kailangan ko pa ding tangapin na kailangan naming mag simula para humilom ang sakit.
2 months ang nakalipas simula ng ilibing namin sila Tianna at si Lira. Parehas silang crinimate at nilagay sa bahay ni Jennie ang abo ni Tianna, habang nasa bahay ni Rose ang abo ni Lira.
Gumaling na din ang dad ni Prince, malakas na sya ngayon at sumasagawa ng ibang therapy. Ang buong akala namin ay namatay na sya pero hindi pala, sinafe place ni jennie ang chief brince.
"Payag ba kayo dun?" Isang nakakatutuwa o baka hindi na alok ang inaalok samin ng mom ni tianna
"A-ah, ma'am. Hindi pa po namin alam kung kaya ba namin maging katulad nila yuan. Hindi ko po masasabi na kaya namin---" Agad na pinutol ni Ma'am Tiara ang sinasabi ni Rose
"Depende pa din naman yan sa desisyon nyo, si Harold, Jared, Yuan,Jerald at Raphael ay pumirma na sa kasunduan. Kayo nalang na babae at si jansen ang kulang."
Nagkatinginan pa ang mga to ng biglang tumayo si Jessica.
"Sumali na kayo. Limid sa kaalaman nyo, isa din akong Secret Agent dito." Nagulat kami dahil sa sinabi ni JessicaLumabas si Atty Cruz na nakasuot ng high tech na ID na tanging mga empleyado lang ng CORP ang meron
"Lahat kami, agent na."
"Wow, kailan pa tito?" Tanong ni Yuan
"Uhm...siguro kahapon lang," Natawa ang mga ito.
Tumayo si Jicel at kinuha ang papel saka ito walang alinlangan na pinirmahan
"Gusto kong maging kagaya ng boyfriend ko, kaya ko naman lumaban. So why not?"
"Ako din, gusto kong itry." Pinirmahan ko ang papel at sumunod naman si Scarlet at si Rose
Tumingin kami kay sandy na nag aalinlangan
"Sandy, Gusto mo bang bumalik?"
"Syempre naman." Agad nyang kinuha ang papel at pinirmahan ito.
Sumunod na din si Jansen at nag apir naman ang mga ito.
Hindi ko alam kung magiging masama ang mga susunod na araw namin, ang mahalaga...mag kakasama kaming harapin yon, kahit unti unti kaming mauubos.
Hindi man namin lubusang kilala ang isat isa, atleast tunay naman kaming magkaibigan sa bawat isa.
Sabi nga nila, Strangers is your true friend. At napapatunayan yon, naming lahat.
A/N: last 4? Or 3 o baka more than chapters...hehe ^^ hindi ko sure pero will try!
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Misterio / SuspensoIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...