Chapter 1

0 0 0
                                    

Sab asan kana!?
Rinig sa kabilang linya ang excited na si madi "oo malapit na,oh ayan pababa na pala ako" manong para po,tsaka ako bumaba at hinanap ang dalawa sa campus  hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sinabi naman nila kung nasaan sila banda.

Parehas kami ni sofia ng course kaya iisang building lang ang pupuntahan namin si madison ay niyaya naman ng mga kablockmates nya.ang bilis ng panahon dahil graduating na kaming lahat at first day ngayon ng pasok namin.

May pupuntahana ka ba mamaya? Saad ni sofia "wala naman pero may pasok ako mamaya ng 6 pm sa coffee shop,bakit?"
"Magpapasama sana ko sa isang bookstore,tsaka nalang pag free kayo ni madi" tumango ako at pumasok na rin kami sa room nagbatian pa ang ilang kung ka blockmates at yung iba naman ay nagkekwentuhan tungkol sa mga ganap noong bakasyon.maya maya ay pumasok na rin ang prof namin kaya nagsi ayos na ng upo ang lahat

"Ok class since this is your first day of class wala naman tayong masyadong gagawin" ani ng prof namin.nakita ko naman si sofia na nakahinga ng maluwag dahil sinabi nito kanina na habang papunta kami sa room na wala daw syang dalang ibang gamit kaya natawa nalang ako ng maalala ito.

Pero syempre as usual magpapakilala kayo sa buong klase. kagaya ng sinabi ng prof ay nagpakilala nga ang mga blockmates ko kahit na matagal na rin namin kilala ang isat isa dahil kami kami lang rin naman ang magkakasama last year not until...may pumasok na isang lalaki sa isa pang pinto naka uniform ito at kakatanggal lang ng  suot sa tainga na headphone nya at sinabit sa leeg.

"Sorry i forgot class that we have a transferee"saad ng prof bago pinakilala  kung sino ang bagong pasok, ngumiti lamang ito saamin at nilibot ang mata mukhang naghahanap ng mauupuan ng mapansin kung sa side ko nalang ang bakante, at tama nga ako pumunta ito sa direksyon ko at naupo sa tabi.

lumipas ang mga oras at puro introduce your self lang naman ang pinapagawa samin hanggang sa mag uwian na at hinihintay namin si madi ngayon kung saan kami nagkita kanina ng makita namin ito ay lumapit naman ito kaya sabay na kami na naglakad papunta sa isawan namiss ko rin kasi kumain kaya pumayag naman ang dalawa.

Kumuha ako ng dalawang isaw at sinawsaw ito at tumalikod na dahil medyo mausok ng sakto pagnganga ko ay nasa harapan ko na si vincent yung transferee na pinakilala saamin kanina.sinirado ko ang bibig ko at nakaramdam ng hiya kaya gumilid ako para makadaan ito, bumili lang ito ng bitamax at dalawang isaw at umalis na rin.

Ano tara? tumango lang ako bago sumunod kila madi,tiningnan ko ang relo ko at may 40 minutes pa naman ako bago pumasok ihahatid din naman ako ni madi dahil nagpasundo daw sya sa driver nila kaya andito kami ngayon naghihintay sa sundo nya.

sa weekend free kayo? tanong ni madi.tumango naman si sofia habang ngumunguya.ikaw sab? napataas lang ako ng balikat dahil hindi ko rin alam.dumating na rin ang sundo ni madi at sumakay ito sa front seat at sa likod naman kami ni sofia.

Good evening sir,may i know your order?pagbati ko sa isang customer na kakalapit lang sa counter,kinuha ang order nito at dinala sa table nya bago nag thankyou at umalis.naihatid na ako nila madi at hindi na dumaan pa ang dalawa rito dahil kailangan daw umuwi ni madi ng maaga at umuwi nalang din si sofia dahil no choice ito at walang kasama.


Lumipas ang oras at nagpunas na lang ako ng ilang mga table at nagligpit ng mga pinagkainan ng customers habang wala pang mga customers kadalasan ay mga students lang din ang customers.may ilang grupo ng lalaki ang pumasok sa pintuan base sa mga boses nito pero hindi na ako nag abala pa na tingnan ito dahil dinala ko na sa loob ang mga hugasan.paglabas ko ay pumunta ako sa counter dahil may customer.


Uh miss available pa ba yang redvelvet na cake? tiningnan ko sa baba kung saan nakalagay ang mga pastries at nakitang meron pang isang slice na natira "yes"sagot ko at ngumiti."sige miss isa nyan tapos dalawang coffee with whipcream" "sayo bro ano?" tawag nito sa isang lalaki sa table at ng makita ko kung sino ito ay nakaramdam ako ng hiya.

Vincent.bulong ko sa sarili.tinanong lang nito kung ano ang inorder ng kasama nya at sinabing yun na rin sakanya.

Isa nalang kasi yung redvelvet.ani ko.kaya tumayo ito sa kinauupuan nya at lumapit sa counter para pumili ng order nya at tinuro lamang nito ang chocolate cake kaya tipid akong ngumiti at sinabihan na ihahatid nalang sa table nila.maya maya ay sinerve ko na rin ang order nila at nakita kung binabasa nito ang kinuha nya na libro sa library kanina,nakita ko rin kasi ito kanina na pumasok sa library habang hinahanap ko ang ilang books para mag advance reading dahil sigurado ako na bukas ay may lesson na, ng hindi ko maabot ang isang libro sa stante kanina kaya tinalon ko ito at nahulog sa ulo ko akala ko noong una ay walang nakakita pero nakarinig ako ng pagpigil ng tawa at dun ko ito nakita,tinaasan ko lamang ito ng kilay at lumabas na rin sa library.

Thanks.saad ng kasama nito.

tiningnan ko ang orasan at malapit na rin pala ako umuwi.kaya nilinis ko na ang ilang kalat sa counter at dinala ito sa isang kwarto kung saan naroon ang pinaglulutuan ng mga pastries at lagayan ng mga hugasan.tinanggal ko na rin ang hairnet ko at nagpalit ng uniporme na suot ko kanina at tsaka lumabas para magpaalam na tapos na ang shift ko.

Til There Was YouWhere stories live. Discover now