Ikaw ang aking Paksa

1 0 0
                                    

Mananatiling ikaw ang aking paksa sa mga sinusulat kong tula,
Ngunit tayo'y tila mga salitang 'di na maaaring magtugma.
Sa likod ng iyong mga metaporang tula ako ay umasa,
Ikaw ang nagparanas ng panandaliang saya sa aking mundong tinakasan ng sigla.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagbuhos ng aking mga luha,
Tila ba'y nakikiayon ito sa kapighatiang aking nadarama.
Panandalian, kagaya ng tinta ng aking panulat na itim,
Na sa sobrang saya ay hindi ko aakalaing didilim.

Matatamis na tula'y nahaluan ng pait at pighati,
Sa tuwing aalahanin pangalan mo sa mga lintayang nilimbag sa papel na puti.
Kung may iba ka ng paksa sa iyong mga sinusulat na tula,
Pangako, ako'y 'di magsasawang sulatan ka ng aking mga akda.

Love PoemWhere stories live. Discover now