SPENCER POV
Napatingin kaming tatlo sa bagong dating na petite at mestisang babaeng nasa isang simple peach dress na above the knee. Abot balikat ang tuwid at kulay chestnut nyang buhok at nakasuot siya ng isang itim na snapback cap na hindi bumabagay sa kanyang outfit.
"What took you so long, sunshine?" Doc Dorf asked.
"Sorry dad, I got lost eh.." nakangiti nyang sabi habang naka-peace sign pa. "Si ninong Jackson ba yang katabi nyo?"
"Oo. Apologize for being late," utos sa kanya ni Doc.
Tinanggal niya ang sumbrero para magmano, "Sorry po ninong," her voice was husky and sweet.
Honestly, I was kinda startled upon hearing her speak, and more so para akong mauubusan ng hininga when the light shone on her face. As I observed her, the wind slightly blew her hair and I smelled the fresh scent of jasmine and raspberry.
"Cute siya," I whispered without thinking.
"That's okay, iha. I'm glad to see you," masayang bati naman ni ninong Dean sa kanya. "Bakit hindi ka muna maupo?"
Pagkadinig noon, agad naman akong lumipat ng kabilang upuan to give way to her. "Upo ka dito," I said.
"Ah, thank you--" paupo na siya nang magtama ang mga paningin namin, "H-hi.." sambit niya.
"Hello.." pasimple ko namang tugon.
Umupo siya subalit agad ding inalis ang tingin sa akin. Nilipat niya ang tingin kay Doc Dorf, who by the way was sitting across her, and was then busy texting someone on the phone. Next to his father was ninong Dean, who was doing the same thing.
Ilang segundo lang, muli siyang tumingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Nginitian ko siya at sinuklian niya iyon ng isa ding ngiti.
Muli siyang tumingin sa malayo. Nang ibalik niya ang tingin sa akin, hindi na ako nakatiis.
"I'm Spence," I said as I offered her a handshake.
"Hic!" sabay kaming nagulat ng bigla na lamang siyang sininok. Tinakpan tuloy niya ang bibig na para bang nahihiya. "Sorry -- hic!"
I chuckled. Ang cute kasi ng sinok niya, "Okay, ka lang?"
Tumango siya, "I'm Ela," and then she shook my hand.
"Ela?" napaisip agad ako habang pinapakiramdaman ang malambot niyang kamay. I heard her name before, I just couldn't remember. "We met somewhere before, right?"
She answered with another hiccup. "Hic."
"Haha," hindi ko na napigilang matawa, "I think I'm gonna buy you a drink," ang nasabi ko na lang.
Agad siyang bumitaw sa akin at saka ngumiti, "S-salamat.." She awkwardly stood up at luminga-linga muna na para bang hindi alam kung saan pupunta.
"Mag-order lang po kami ng drinks," paalam ko sa dalawang matanda pero busy na sila ngayong nag-uusap. Nakatingin si ninong sa phone ni Doc at may malalim silang dinidiscuss.
They didn't seem to care so I just guided Ela towards the counter.
Tumingin siya sa menu at naghanap ng pwedeng orderin. As for me, humingi naman ako ng isang baso ng lukewarm water sa isa sa mga crew para ibigay kay Ela.
"Oh, inom ka muna," I said.
Matapos magpasalamat, dahan-dahan siyang uminom na para bang nako-conscious dahil titig na titig ako sa kanya. I just couldn't help it. Kamukhang-kamukha kasi talaga niya si ninang Rose.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romance"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...