Chapter 33
I watched Kyler as he played billiards with his friend. Nang matira niya ang isang bola, agad iyong nag shoot kaya napasuntok siya sa hangin.
It was a fun game. Nang matapos iyon, agad na lumapit sa'kin si Kyler na nilahad ang kamay niya sa'kin.
"Let's go somewhere else," he said.
Kumunot ang noo ko. I didn't accept his hands but I still followed him. Nakadating kami sa likod ng resort at nagulat nang makita ang nasa likod no'n.
It was so dark, mula sa malayo ay kita mo ang view ng dagat. When Kyler clicks something, biglang nagliwanag ang buong paligid. There's lights now on the tree and on the floor.
Umawang ang labi ko. Wala sa sariling napangiti ako dahil bigla akong namangha sa kagandahan ng buong paligid.
"You did this?" tanong ko.
Tumango siya. "Yes,"
"Why?"
"I want to make you happy,"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at agad na nag iwas ng tingin. What the freak, Kyler? You really put an effort just to make me happy? Napailing na lang ako sa kanya.
"Don't you like the view?" he asked.
"I like it…" pagkatapos ay pumunta ako sa gawi ng puno at pinagmasdan ang mga kumukutitap na mga ilaw.
"I love how the lights twinkle in your eyes. It makes you more beautiful." he said.
Napalingon ako sa kanya. I then remembered before when he also said that to me while I'm staring at the star. Ang kaibahan lang no'n ngayon… noon… alam namin sa sarili na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Kinabukasan nang nagulat ako dahil may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Akala ko kung sino iyon. I even thought that it was Adiel, kaya agad ko iyong binuksan ng pinto.
"Kyler?"
He's wearing a jersey kaya alam kong baka papunta siya ngayon sa basketball game na sinasabi niya.
"The basketball game? Let's go?" he asked.
Napatingin ako sa suot ko. I'm glad that I wear a short and a simple t-shirt. Ayos na siguro iyon dahil panonoorin ko lang naman siya. Nang makarating sa court nila, agaw pansin na naman ako sa mga kaibigan niya.
"Sino 'yan, pare?"
"Ang ganda, ah? Sino 'yan?"
Napalingon sa'kin si Kyler habang hawak ang bola niya. Agad niya akong tinuro kaya nag iwas agad ako ng tingin.
"Nililigawan ko," sagot ni Kyler.
I gulped with that. A-Anong nililigawan ako!? Magrereklamo pa sana ako kaso nakakahiya naman sa mga kaibigan niya.
"Wow! Highschool vibes 'yarn?" sabay tawanan ng mga kaibigan niya.
"Mga pare, walang edad ang panliligaw. Kahit pa siguro matanda na siya, liligawan ko pa rin siya para mapa sa akin siya."
Damn you and your words, Kyler! Nang tignan ako ng mga kaibigan niya, mas lalo akong nag iwas ng tingin sa kanila.
Nag start na ang first game. Naka lamang ng ilang puntos sila Kyler sa mga kalaban nila. At nang matapos ang first game, break time muna ang mga players.
Wala sa sariling napatingin ako sa babaeng katabi ko. She's holding a towel and a bottle of water. Pagkatapos no'n ay agad siyang tumayo at nilapitan ang boyfriend niya para abutan siya ng tubig at punasan siya ng pawis.
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Mystery / ThrillerMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...