Pagkalapag ng eroplano sa Dubai International Airport,kinabahan ako at masaya kasi sa wakas matutulungan ko na ang pamilya ko.Pagkatapos kong kunin ang bagahe ko pumunta na ako sa exit ng airport.Napag usapan namin ng pinsan ko na si Jun na sa labas ng naturang paliparan kami magkikita.
Pagkalabas ko nakita ko ang pinsan kong si Rita waving at me with my cousin Jun.Naluluha akong lumapit ako sa kanila,"Manong,Manang kumusta?" I asked.
"Ok lang kami Ading,musta ang flight?di kba nahiLo?"They asked me back because they knew na mahihilohin akong tao lalo na at first time kong mag long travel.
"Ok lang Manang,nakaya naman hehe medyo pagod lang"
"Ok sige at pumunta na tayo sa taxi na nirentahan namin",si Ate Mariz.
Habang nasa sasakyan pinag-usapan namin ang tungkol sa magiging trabaho ko sa Umm Al Quwain.
"Hiwalay sa asawa ang magiging amo mo,apat ang anak puro puLis.,kaya maswerte ka sa kanila kung sakali." My cousin Jun.
"Galingan mo sa trabaho at kung sakaling may problema tawagan mo kami agad,ok?!" Cousin Mariz.
"Oo Nong,Nang,salamat sa tulong niyo."
"Habibi you bring us at our place in Sharjah,shukran"Cousin Jun told the driver.
"Oh ilagay mo na muna yang mga bagahe mo sa kwarto ko at ng makapag ayos ka bago tayo kumain" sabi ng pinsan kong si Mariz.
"Ok Manang,salamat"
Dinala ko na ang bagahe ko at pumunta sa kwarto ni pinsan Mariz. Inilabas ko ang mga padala ng kani-kanilang pamilya sa akin.Pasalubong gaLing Pinas.Pagkatapos ay naLigo ako at nag-ayos at lumabas n ng kwarto.Saktong paglabas ko,naabutan ko ang mga pinsan kong sina Arjay at Judy na kagagaling lang sa pinagtatrabahuang mall sa Sharjah.
"Kumusta pinsan?"tanong ng pinsan kong si Arjay
"Ang ganda pa rin",dugtong naman ng pinsan kong si Judy.
"Ito ok lang pinsan,sana makapundar para sa pamilya hehe"natatawa kong tugon.
"Naku,ikaw pa pinsan eh ikaw ang kilala kong taong napakamadiskarte sa buhay,walang inuurungan."sabi ni Judy
"Salamat, pinsan"pasasalamat ko.
"Kain na tayo,tama na muna ang kwentuhan,Abby halika na" tawag sa amin ni Nong Jun.
"Sige Manong,papunta na po."
Habang nasa hapag,di nauubusan ng kwento ang mga pinsan ko.Merong may gusto na kunin akong magtrabaho sa mall pero hindi pwede kasi nga meron na akong among naghihintay.
"Yan ang hindi pwede Judy,kasi itong si Abby eh meron nang amo at doon sya kasama ng biyenan ko"
"Hayaan mo at pagkatapos ng kontrata nya e maari mo rin namang kausapin ang amo na e release sya at ng makapagtrabaho sya sa mall."pagpapatuloy ni Nong Jun.
"Kain na nga muna tayo,ang sarap pa naman nitong biriyani hehe"si Insan Arjay.
Natapos ang hapunan,nakahiga na ako sa kama at nag-iisip ng maaaring maganap bukas.Sabi kasi ng pinsan ko kailangan ko ng pumunta sa amo ko dahil kailangan na ng biyenan nya ng katuwang sa trabaho.At gusto na rin daw akong makita at makilala ng aking among babae.
Ako si Abby,30 panganay sa 3 magkakapatid.Single at bread winner ng pamilya.Kailangang kumayod upang matupad ang pangarap para sa pamilya na makapagpatayo ng magandang bahay at mapag-aral ang mga kapatid.Certified virgin pero good kisser hehe.Nakikipagsapalaran ngayon sa ibang bansa at baka sakaling mahanap na rin si Mr.Right hehe.
Pagkagising ko kinabukasan,naligo na ako at inayos ang mga dadalhin ko sa bahay ni amo.
"Abby halika na,doon na tayo maghintay sa City Mall.Doon daw natin hintayin si Nanay at yong alaga nya..Sila daw susundo sayo."sabi ni Insan Jun
"Ok,Nong palabas na po."
Habang nasa labas kami ng mall kinakabahan na ako,this is it na talaga.Mag-iisa na lang ako,malayo sa mga pinsan ko.
"Wag kang mag-alala,tawagan mo lang ako pag may problema ka,ok?"
"Salamat,Nong"
Nasa masinsinang pag-uusap kami ng pinsan ko ng may tumigil na itim na Nissan.Sh*t,malaking sasakyan hehe
Lumabas ang isang may edad ng matanda, medyO payat din at sa tingin ko e ito yong biyenan ni Pinsan Jun at makakasama ko sa bahay ni amo.
"Kanina pa kayo Jun?"tanong nya habang nakatingin sa akin.
"Ito na ba si Abby?Naku kagandang bata"pagpapatuLoy nya.
"Hello iha ako si Myleen,tawagin mo na lang akong Auntie My"sabi nya.
"Hi Auntie,salamat.Abby po at your service hehe" pagbibiro ko.
"Naku Jun pasensya kana at di na kami magtatagal,naghihintay yong alaga ko sa sasakyan may pupuntahan pa.Saka na kita yayayain magmerienda pag maka day-off kami nitong si Abby huh" hinging paumanhin nya sa pinsan ko.
"Halika na Abby,Jun salamat anak"aya ni Auntie sa akin.
"Sige po Auntie, Manong salamat din sayi magkita na lang tayo pag maka day-off na kung sakali ",paalam ko sa aking pinsan.
Papunta na kami sa sasakyan ng magsalita si Auntie sa tao sa loob ng sasakyan
"Seefoo can you open the back please?" ,she asked sa alaga nya ata yon pagkasabi nya kanina.
"Ok"sagot ng tao sa loob.Di ko maaninag besh,ang dilim hehe
"Halika na Abby,pasok kna sa loob teka't bubuksan ko"sabi ni Auntie
Pagpasok ko pa lang sa loob ng sasakyan,my goodness ang bango! Amoy na amoy mo ang mamahaling pabango ng lalaki.Nakakahalina.Nasa backseat na kaming dalawa ni Auntie ng masalita yOng tao hehe I mean yong alaga ni Auntie.Naka-baseball cap kasi sya kaya di ko maaninag .
"Myleen do you want coffee? or sandwich? for her?" iyong tao nagsalita hehe in arab tone.
"Gusto mo ba ng kaoe o sandwich iha?"tanong ni Auntie
"Hindi na po Auntie,busog pa po ako ,salamat po".
"Seefoo she said she does not want to eat"
"Ok" he answered.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe pauwi ng Umm Al Quwain ng napatingin ako sa rear view mirror,sh*t yong tao nakatingin sa akin!Oh my God! naaaninag ko na yong mukha nya kasi naman po lahat ata nang kanto sa dadaanan namin eh may ilaw at may mga signages na umiilaw so maaaninag ko talaga yong tao.Jusmeyo!parang si Kristo hehehehe ang tangos ng ilong,ang mata parang nangungusap.Hay naku po,ibalik nyo po ako sa katinuan.Yon pa lang nakikita ko pero parang may iba sa kanya.Sh*t mata't ilong pa lang yon.Paano bukas,hala kinakabahan ako.Nagpalpitate ata puso ko.
"We're here"sabi nung poging alaga ni Auntie.
"Thank you seefoo,you go after?"tanong nya sa alaga.
"Nah,i think i will just stay home for now"he answered
"Ok,what you want to eat then?"Auntie asked
"Nothing,just help her with her stuff then sleep early.You both rest, tomorrow Mom will talk to you both"
"Goodnight"he ended
"Goodnight Seefoo"auntie replied.
"Halika na at kunin natin maleta mo sa likod ar ng makapag ayos kna."aya nya sa kin
Pagpasok sa servants quarter,"Ikaw lang mag-isa ang matutulog dito dahil doon ako natutulog sa may sala nila.
"Bakit Auntie?kasya naman po tayo dito"tanong ko.
"Kasi nga yon ang gusto nila matatakutin kasi ang mga iya,makakita lng ng ipis,butiki at daga e sumisigaw.Malas kasi sa kanila ang mga yan.
"Ganun po ba,"sabi ko na lang ng may konting lungkot.Akala ko pa naman may makakakwentuhan ako at katabi sa pagtuLog.Nasanay kasi ako sa Pinas na may katabi at kakwentuhan sa gabi.Well,ganun talaga kailangan mag-adjust.
YOU ARE READING
My Arab Love
RomanceHe's my employer and an ARAB man,with pointed nose,deep set of eyes and a thin but redish lips that will probably make your lips swollen ..He's a perfect description of a perfect Arab man a dangerously handsome habibi☺️ When our eyes met for the fir...